Sila ang grupo na binubuo ng mga solidong emcee mula Central Luzon at Metro Manila. Ating kilalanin ang Skrmsh Entertainment!
Ang kolektibong ito ay binubuo ng mga emcee na mula sa Central Luzon at Metro Manila. Maliban sa mga album, single, at music video, nakapag organisa na din sila ng mga battle rap at tugtugan na event. Nagawa nila lahat yan habang nananatili sa underground Walang duda na nandun ang dedikasyon nila sa larangan ng Pinoy hip-hop.
Mas kilalanin natin ngayon ang Skrmsh Entertainment. Paano sila nag simula? Ano-ano ang mga proyekto nila? Sino o ano ang kanilang mga inspirasyon? Ilan lang yan sa mga tanong na sasagutin nila dito. Pinagsama sama nalang ng bawat miyembro ang mga sagot nila para mas madali ang pag-basa niyo. Crew’s In, game na!
1. Kailan at paano kayo nag-simula at sinu-sino ang mga kabilang dito?
Nagsimula ang "Skrmsh Entertainment" noong mid-year 2017 na isang production ng mga events, partikular na tungkol sa hip-hop. Layunin sana nito ang maging isang "Media-based" platform para sa mga undergound artists, ma-feature sila, etc. Ngayon, nagsimula sa mga amateur rap battles, performances, hip-hop talks, house parties, etc. Binuo ito nila Wrathsol at Nico (Mas kilala ngayon bilang AKT) parang naging ito ang platapormang pang-tawid nila mula sa nasirang liga ng WordWar. At ayun! nangyari na nga ang unang event sa Arayat, Pampanga hanggang nagsunod-sunod.
Gaya ng iba pang mga Produksyon nagtangka, nahirapan din ang Skrmsh na mapalago ito, sa kakulangan ng suportang pinansyal at moral mula sa mga artists. Nagpahinga ng ilang bwan, kasabay ng pagbitaw ni AKT bilang tumatayong kalahati na nag-establish nito. Hanggang naisipan ni Wrathsol na gawin itong isang label, at kumuha ng mga artists na makakatuwang dito. At ayun, saktong lumipat na si KMNDG sa Manila, at dito sila nag kasundo na ituloy Skrmsh bilang label.
Hindi parin nila binitawan ang orihinal na kunsepto na pag paga-ayos event, pero mas nagtuon sila sa pag ppromote ng Skrmsh as label at collective ng iba't ibang artists, partikular na mga rapper. At doon, hinikayat nila ang mga kakilala nilang mga rapper para maging parte ng collective. Biglang pasok sina Orbitwaryo (Dating kilala bilang Prosecutor Billy), McCoy Francisco (Isang malupit na Producer na naging kalahok din sa ilang battles ng WordWar), Mumu Salisi (Kaibigang English-spitter mula sa matunog na Rap Duo "CHKMND" ng Mandaluyong), at ang dalawang magkapatid mula sa grupong Oozma Kappa, sina Henyo! at King. Nandyan din si Chinoy na responsable sa post-production of visuals ng label. Napagkasunduang gumawa ng kanya-kanyang proyekto pero unahing ipakilala ang Label, kaya binuo ang "SKRMSHTRXXPZ" Isang grupong represintante ng Skrmsh Entertainment.
2. Bakit Skrmsh ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?
"Skirmish", naisip na iyan ang ibansag para ipakilala ang layunin, "makipaglaban". Double meaning narin dahil mayorya ng bumubo nito ay mga battle emcees (baduy! haha) Marahil magtataka din sila o mababaduyan bakit hindi pa kinumpleto ang salitang "SKIRMISH", 'cuz we screw dem vowels, my Indio! Pero seryoso, napagkasunduan na tanggalin ang "I" sa salita dahil hindi lang sila ang nagre-reprisinta nito. Basahin mo ang salita sa katalinghagaan, hindi lang literal. Pero sa malalim na dahilan, kumbaga pakikipag laban sa karapat dapat. Mabigyang atensyon, mabigyang tinig, etc. Pinaglalaban mo yung musika mo e, yung sining mo. Something like that."
3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?
Iba't-iba e. Iba't iba rin kasi ang atake ng kada myembro. Si KMNDG at Orbitwaryo ay mga Hardcore at morbid rapper. Si Wrathsol ay teknikal na 'In-your-face!' na ginagahasa ang 'Multi's' approach style. McCoy Francisco na smooth-flowz ang dating at mga unpredictable references. Mumu Salisi na realistic-comic type. Henyo! at King na mala matalinghagang street-hustlaz. SKRMSHTRXXPZ as a whole, Influenced by Wu-tang Clan, Brockhampton, TDE, Strange Music, Dreamville, ASAP Mobb, ODD FUTURE, Outlawz, etc.
4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?
Kahit hindi na kami pagkaguluhan kapag kumain kami sa gedli ng pares, hindi naman kami Television artists e. Makilala lang yung ganitong blend na ginagawa namin, music namin na alam naming hindi ganung naririnig kadalasan. Ma cultivate yung sarili namin, lumago at humusay pa sa ginagawa namin. Nang sa ganun, masabing "naka-ambag" din kami. I-promote ang kultura na sa tingin namin ay tama.
5. Sa dami ng mga grupo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?
Iba kami. Iba ang salpukan ng sining namin. Given na kapag sinabi na "Hardcore group" o "Love song inclined group". Gusto naming ipamalas yung kumbinasyong Hardcore at Mellow, Street at Academic knowledge. Mainam na halimbawa yung kanta naming "Antagonista" patungkol sa pag-aako ng responsibilidad. Sige kami na yung Kontrabida sa inyo, kung sa tingin na lahat na yang ginagawa ng karamihan ang dapat i-bida. Pag e-exploit sa culture, pag-gamit nito para pagkaperahan, ipagkalunlo ang sining para sa komedya ng bumenta ka? Mga ganung bagay. We hate that sh*t. As much as possible, gusto naming maiba ang musika namin sa nakasanayang naririnig, maghandog ng ibang lasa. Tipong tamang Filet Mignon with honey Lemon reduction sa mundo ng mga Adobo at Sinigang. Tipong may maririnig ka na galit na galit sa isang track, pag 'next' mo, chill naman, pag 'next' mo ulit, uy party to ah? Gusto naming italiwas yung paniniwalang hindi posible ang ganung atake. Distortion at Wah-Wah effect nga sa gitara naimbento e. Kailangan lang namin maging innovative.
6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo?
So far, puro events. Yung Pinaka huli nangyari sa Intramuros, "Ang Piging". Nag-imbita kami ng mga grupo at artists na labas sa battle rap tulad ng nakasanayan, para malabas kami sa comfort zone namin, ma-introduce kami sa ibang approach ng rap. Naglabas narin kami ng ilang Music Video, "Bitag" featuring Rage at "KKKALUMPANG". Nakapag labas narin si Wrathsol ng unang Album nya under Skrmsh Ent. na pinamagatang "Children of the Future", Oozma Kappa EP (Vol. 1) at syempre yung kalalabas lang mula sa SKRMSHTRXXPZ, "Sa Kuko ng Nakaambang Gitnang Daliri"
7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?
Unang una 'matik na yung second album ng 'Trxxpz. Introduction lang yung unang EP, kum baga pagpapakilala. Pero palabas narin ngayong taon ang First Solo Album ni KMNDG, "Makamandag ng Sining". Pangalawang album ni Wrathsol, "Majestic Even of the Babylon's Demise" at mga MV's ng SKRMSHTRXXPZ, nakalatag na yan. MV release ni Wrathsol na "Balaraw". At mga planong paglabas na album ng mga myembro, Mumu Salisi's "Too Human Too Real", Henyo! x King's "NerixMontano", collab project nina Wrathsol at McCoy at iba pa. Basta marami! abang abang lang!
(UPDATE: Nilabas na ang “Majestic Even of the Babylon’s Demise” album at “Balaraw” MV ni Wrathsol pati ang “Makamandag ng Sining” album ni KMNDG)
8. Sa pananaw niyo, ano ang estado ng Pinoy hip-hop ngayon?
Malakas sa malakas. Kaso ang dami ng umaabuso. Minsan echapwera pa nga yung talagang devoted dito. Marami ng nagpasikat gamit ang "hip-hop". Sa kabilang banda, mabuti ngayo'y madali ka ng madidiskubri. Kailangan mo nalang mag-tyaga kasi marami naring underground and amateur events na pwede mong salangan. FOR FREE. Pero sana, ma-unawaan ng mga tao na hindi lang basta-basta ito. Isina-sapuso, nire-respeto. Kung patuloy natin itong babalagbagin, seryoso, pupulutin tayo sa Kangkungan. Ganito lang yan, tingin namin sa hip-hop ay parang "Kung Fu" it's a sacred art. Kailangan mong protektahan. Hindi mo lang dapat aralin ang basics, kundi dapat intindihin mo rin. Hindi mo dapat gamitin sa maling paraan. Hindi mo dapat ito ipasa kung kani-kanino lang na parang DSLR cam na kapag bumili ka, ay "Photographer" ka na agad. You nah mean, my Indio?
9. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?
Tuloy lang, Indio. Isapuso mo, unawain mo, mahalin mo, RESPETUHIN MO. Tyagain mo. Dahil kaming nauunawaan na, hanggang mamatay kami, aaralin parin namin to. Lifestyle na ito, hindi na ito parang hobby lang na na-enganyo ka at naisipan mong gawin dahil may pambili ka ng Condenser Mic, o na-aral mo sa Youtube ang pag-agawa ng beat, o worse, nakapag download ka ng Sick-A$$ instrumental para gawan mo ng kanta tungkol sa pera mo.
10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?
Mas ma-appreciate namin kung nasa harap lang namin kayong nakikinig kaysa nag-sslaman kayo na para kayong mga bata. Pero kung nagawa nyo ng pakinggan at intidihin mga kanta namin, at tipong bigay na bigay kayo sa Live, sige Indio. DOET! Pero seryoso, salamat sa mga day-one followers. Apir mga pare.
11. Ano ang tingin niyo sa mundo ng battle rap?
Para samin isang sub-genre sya under "rap". Yung iba kasi akala mo magugunaw na yung mundo kapag failure o talunan ka sa Battle Rap e. Yung iba naman, ginawa ng mundo ang battle rap na wala na siyang interes na lumikha ng kanta nya. Yung iba naging instant critic na dati'y listener ng Kpop. Respeto sa FlipTop, isang malaking chunk yan sa hip-hop ngayon. Ito ang nag-introduce ng Battle rap sa Pinas, pero yung iba naliligaw na. Battle rap dito, Battle rap jan. Hindi kami tutol sa battle rap pero kung ang hanap lang ay pagpapatawa sa iba para bumenta ka? Whether you like it or not, you're abusing the culture, my Indio.
12. Ano naman ang payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop?
Galingan mo. Gumawa ka ng arsenal mo, hindi lang "battle barzzzzz". Kung kaya mo mag-produce ng beat, go ahead! Kung kaya mo pala maglabas ng kanta mo at the same time, please do. Pero wag mo aabusuhin ang FlipTop dahil kesyo isa ito sa pinakamalaking rap battle leauge sa mundo. Gaya ng sabi namin, hindi ka artista pare. Musikero ka, makata ka. Hindi ka papasok sa Fliptop dahil kating kati kang marinig ka ng iba, at sumikat ka ng husto. Battle rap is more than what you think. Pero kung sa tingin mo, "ISA" ang Fliptop sa nakikita mong instrumento para makilala ka PARA SA MUSIC MO, galingan mo pare. Sa tingin naman nami'y magiging masaya si Anygma kapag nag-grow ka outside of FlipTop. Maniwala ka, hindi lang pagiging battle rapper ang gusto nya sa pagiging "hip-hop" mo.
Sundan niyo lang ang kanilang opisyal na pahina sa Facebook para maging updated sa kanilang mga galawan. Kung music videos at battles ang pag-uusapan, puntahan niyo lang ang YouTube channel nila. Naka highlight naman sa ika-6 na tanong ang mga site na kung saan pwede mong pakinggan ang mga nilabas na kanta. Saludo sa Skrmsh Entertainment sa patuloy na pag-sulong ng kulturang ‘to. Palakasin niyo pa ‘to lalo!