Kilalanin natin si Cripsy Fetus, ang isa sa mga pinaka salbaheng emcee sa larangan ngayon. Ito ang ika-pitong kabanata ng MC Spotlight!
Marahas na may halong konting komedya ang nilalaman ng musika niya. Kung yung ibang artists sa eksena ay pinipiling magpakita ng malinis na imahe, siya naman ang kabaliktaran nito. Sa madaling salita, nirerepresenta niya ang madilim na bahagi ng Hiphop sa pinaka malikhain na paraan. May nilabas na siyang tatlong proyekto at patuloy siyang naghahasik ng lagim sa entablado.
Mula Batangas, ating alamin ang buong kwento ng emcee at skater na si Crispy Fetus. Paano siya nagsimula sa larangan? Bakit ganito ang tema ng mga awitin niya? Sino ang mga nag bigay ng inspirasyon sa kanya para mag rap? Yan at madami pang mga katanungan ang isasagot niya dito sa ika-pitong MC Spotlight!
1. Kailan ka nag simula mag rap?
NAG UMPISA AKO MAG RAP 2008 NAG BABANDA KASE AKO NOON TAPOS HARDCORE RAP ANG BAGSAKAN NAMIN. MALAKAS KASE ANG EKSENA NG HARDCORE RAP NOON KASABAY ANG RAP METAL DEATHMETAL AT MGA PUNK SA LUGAR NAMIN.
2. Bakit Crispy Fetus ang napili mong pangalan?
NA BUO UNG PANGALANG CRISPY FETUS GAWA NI BIGBOY, NAG IISKATEBOARD KAMI NON TAPOS DUMATING YUNG KAIBIGAN NAMIN NA SI HYDRO. SYA AY ISANG PROPESYONAL NA EMBALSAMADOR, KINEKWENTO NYA SA AMIN NA MAY MGA FETUS DAW SA KANILANG FUNERARIA TAPOS SABI NI BIGBOY. “ANO KAYAT PRITUHIN MO YUN NOH! SHET CRISPY FETUS!” TAPOS AYUN NAPAGDESISYUNAN NAMIN NA ANG MAGIGING PANGALAN NAMIN SA RAP GAME AY CRISPY FETUS. TAPOS TAWA KAMI NG TAWA, DALAWA TALAGA KAMI DON AKO ANG MAG RARAP SI BIGBOY ANG MAG KAKAMOT NG PLAKA, TAPOS PAREHAS NAKA MASKARANG ITIM. KASO NAGING BUSY NA SYA SA KANYANG PAG AARAL, KAYA AYUN AKO NA LANG ANG NATIRA. PERO NAKAKASAMA KO PA DIN NAMAN SYA SA IBANG TRACK.
3. Ano ang nirerepresenta mong grupo o kolektibo at paano ito nabuo?
MYEMBRO AKO NG GRUPONG NAMKHA, MGA MUSIKERO AT MGA PAMBIHIRANG TAO, HALIMAW, MALIGNO AT IBAT IBANG KULAY NA MGA DUWENDE ANG MGA KASAGPI DITO. KUNG KAYA MO KUMAIN NG BUHAY NA MANOK, LUMAKLAK NG ISANG TABONG DUGO NG KAMBING AT MAG YOSI HABANG NAG SISIPILYO AY PWEDENG PWEDE KA DITO! SA PAGKAKA ALAM KO NA BUO ITONG GRUPONG ITO GAWA NI MOKI ANG HINDI KO LANG ALAM AY KUNG ANO ANG PUMASOK SA UTAK NYA AT KUNG ANONG KLASENG ESPIRITO ANG SUMAPI SA KANYA AT NAISIPAN NYANG MAG BUO NG KAKAIBANG GRUPO. ALA BASTA KAMI AY MASAYAHIN AT MABABANGIS TULAD NG LEON AT HYENAS. NIREREPRESENTA KO DIN ANG AUDIOBEAST MUSICK STUDIO KASE SIMULA NOONG NAG BABANDA PA LANG AKO DOON NA KAMI NAG RERECORD NG MGA KANTA S/O KAY ACE A.K.A AHAS! KASALI DIN AKO SA KTAFYC (KILL THEM ALL FUCK YOUR CREW) MGA MIGO AT MIGA SA CEBU MGA SKATER AT MGA KAKAIBANG RAPER DIN, TULAD NI ROADKILL NA NAG SUSUOT NG MATITINIK NA BALUTI KAPAG NAGTATANGHAL. TSKA TNT CREW (TOP NOTCH THREATS) MULA MANILA AYAN SOLID NA TROPA DIN MGA SKATER, BANDALERO, RAPER, AT MGA MANGINGINOM. HAY NAKO WALA AKONG MASABI SA MGA TAONG ITO ANG LALAKAS LUMAKLAK NG SERBESA HAAYST!
4. Tatlo na ang nilabas mo na proyekto, ano ang mga kwento tungkol dito?
SA NGAYON ITO PA LANG MUNA ANG MAIKEKWENTO KO TUNGKOL SA MGA PROYEKTONG ITO. “NOONG UNANG PANAHON MULA SA KALAGITNAAN NANG PINAKA MASUKAL NA KAGUBATAN, MAY ISANG NILALANG NA HINDI PANGKARANIWAN. AT NAG DESISYON ITO NA BUMABA SA KABIHASNAN. AT DOON NAKA SALAMUHA NYA ANG IBAT IBANG URI NG TAO SA LUGAR NA KUNG TAWAGIN AY PILIPINAS.”
5. Sang ayon ka ba na Horrorcore ang tawag sa musika mo? Ganito na ba istilo mo dati pa?
SAKTO LANG NAMAN, SAPAGKAT GALING NA AKO SA HARDCORE AT DEATHMETAL NA BANDA. (IMPAKTITO AT SINDAYS) HINDI DIN NAMAN NAGKAKA LAYO ANG TEMA NAMIN NOON AT SA NGAYON, NA AALALA KO TULOY NUNG NALILIGO PA KAMI NG DUGO BAGO MAG TANGHAL PARA MAG MUKHA KAMING BRUTAL. KAYA SA TINGIN KO NAIBALIK KO MULI ANG GANUNG KLASENG ISTILO! SUBALIT NUNG NAGING MYEMBRO AKO NG BANDANG KILITINAS NA PINAMUMUNUAN NI FUWOWOY AT KALBO ANG ISTILO NAMAN NAMIN DOON AY MALA FUNKY KOMEDYA, AYUN KAYA HINDI KO MINSAN MAIWASAN MAHALUAN NG KOMEDYA ANG MGA NASUSULAT KONG MGA BERSO. TAONG 2014 NAMAN NAG LABAS AKO NG EP NA PINAMAGATANG COLORGAME. HINDI ITO HORRORCORE AT HINDI PA DIN AKO SI CRISPY FETUS SA PROYEKTONG TO. 2015 ISANG MIXTAPE NAMAN NA PINAMAGATANG HAYDROMEKANIKSBIRTUWALASASIN. 2016 UNTI UNTI NANG NAGKAKAROON NG KARAKTER NA CRISPY FETUS, 2017 AYUN NA CRISPY FETUS NA. YIHHHHAA!
6. Sino ang unang nag-impluwensya sayong tumugma?
SA PAGKAKA ALAM KO WALA NAMAN NAG IMPLUWENSYA SA AKIN KASE GINAGAWA NA NAMIN YON NOON HABANG NAG BABANDA. HABANG NAKA TAMBAY KAMI AT NAG JAJAMING NAG FIFREESTYLE NA DIN KAMI GAMIT LANG AY GITARA. TAPOS ANG TINUTUGTOG NG GITARISTA AY ZOMBIE NG THE CRANBERRIES. MINSAN SA VIDEOKE 79 ATA ANG NUMBER NON KUNG HINDI AKO NAGKAKA MALI. KAYA WALA TALAGA AKO MAISIP NA KUNG SINO ANG NAG IMPLUWENSYA SA AKIN. KUNG MERON MAN SIGURO SI FRED DURST O SI FRANCIS M. EWAN
7. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta?
SA MGA BANYAGA ANG TOP 3 NA AKING PABORITO SIGURO AY ILLMATIC NI NAS, HEAVY ASS NIGGAS NI SHAWTY PIMP & DJ ACE AT THE INFAMOUS NG MOBB DEEP. SA LOKAL NAMAN HAPPY BATTLE NI FRANCIS M, AGIW NI KJAH AT ALBUM NG ILLUSTRADO. PERO MADAMI PA TALAGA AKONG PABORITO TULAD NG DEVILISH TRIO, ICP, SI LOONIE, WUTANG CLAN, GHETTO DOGZ, BB CLAN, DEATH THREAT, CYPRESS HILL, SKINNY PIMP, MC HOLOCAUST, SI APOC, CVRSED, MASTAPLANN, BEASTIE BOYS, KMK, SI BAMBU, TRIBE CALLED QUEST, SI LIL WYTE AT MARAMI PANG IBA. HINDI PA KASALI DITO ANG MGA HARDCORE RAP NA MGA PABORITO KONG BANDA.
OO NAMAN NAKAKA TULONG ANG MGA ITO.
8. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign? Gaya ng tanong sa 7, may naitulong ba sila sa mga bara mo?
TOP 3 NA EMCEE SA LOKAL AY SI FRANCIS M, LOONIE AT SI ZARGON. SA FOREIGN NAMAN AY SI SHAWTY PIMP, SI BAKER NG DEVILISH TRIO AT SI CVRSED NG DOOMSHOP RECORDS. NAKAKA TULONG DIN ANG MGA ITO SA BARA AT SA MGA TUNOG NA GINAMIT.
9. Nakalaban ka na sa Won Minutes event ng FlipTop sa Makati. Ano masasabi mo sa experience mo dun?
MASAYA NAMAN AT NARANASAN KO DIN LUMABAN. AT NA NAPA LABAN DIN ANG SARILI KO SA PAG SASA ULO NG MGA SASABIHIN KO SA AKING KATUNGALI. MANALO MATALO AY NA GAWA KO NAMAN ANG AKING NAIS GAWIN AT YUN ANG AKING HANGARIN SA LABAN NA YON. KAYA MABUTI NA LANG AT HINDI AKO NA BLANKO KAHIT PA AKO AY NAKA INOM. BASTA MASAYA.
10. May plano ka bang lumaban ulit sa FlipTop?
KUNG BIBIGYAN ULI AKO NG LABAN PWEDE DIN NAMAN! GAME!
11. Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?
ANG HIRAP NAMAN NANG TANONG NA ITO. MARAMI DIN KASI AKONG PABORITONG BATTLE EMCEE MGA IDOL KO DIN TALAGA BUKOD KILA LOONIE, BATAS, BLKD, SAYADD, PLAZMA, APOC, AT MARAMI PANG IBA. NAGIGING PABORITO KO ANG MGA ITO SA PAG DEDELIVER AT KUNG PAANO NILA LARUIN ANG MGA SALITA NA KANILANG IBINABATO SA KANILANG KALABAN. PERO KUNG SA PINAKA PABORITO KO TALAGA, SIGURO AKO NA LANG, SARILI KO NA LANG ANG PABORITO KO. ANG HIRAP KASI NG TANONG NA ITO WALA AKONG MAISIP KUNG SINO TALAGA.
12. Para sayo, kumusta ang Pinoy hip-hop ngayon?
PA LAKAS NA NG PA LAKAS ANG PINOY HIPHOP NGAYON. NAPAKA DAMING EKSENA MAPA WEEKDAYS O WEEKENDS, RAP BATTLE O MUSIC! KAHIT PA SA SOCIAL MEDIA NAPAKA DAMING PINOY HIPHOP, SIGURO USO KÄSE KAYA MAGANDA ANG KASA AT BIGAYAN MARAMING BAGONG SIBOL NA MAHUHUSAY! IKA NGA NG MGA EMCEE NA SUMASALANG SA ENTABLADO, “ISANG PALAKPAKAN NAMAN DYAN” PALAKPAKAN ANG PINOY HIPHOP! BWAHIHIHIH
13. Sa tingin mo, ano ang mga kailangan baguhin sa eksena ngayon?
ALAWS
14. Ano ang mga maaasahan naming kay Crispy Fetus sa mga darating na taon?
MAY MGA BAGONG PROYEKTO, MGA BAGONG KANTA BAGONG TEMA BAGONG SERMON BAGONG ISTILO BAGONG PA SASABUGIN AT GAGARUTIHIN!
15. Ano ang maipapayo sa mga baguhan sa larangan?
BAHALA KAYO SA BUHAY NYO GAWIN NYO LANG ANG GUSTO NYONG GAWIN! WALA AKONG PAKEALAM SA INYO MGA PUTANG INA NINYO! MAGING MALAYA AT MASAYA LANG DAPAT SA MGA NAIS GAWIN. SYEMPRE WAG KALIMUTANG MAG BIGAY NG RESPETO AT PAGMAMAHAL SA KULTURA!
Nasa streaming sites na ang lahat ng mga nilabas niyang proyekto. Ang pinakahuli niyang nilabas ay yung EP na pinamagatang “Sinampalukang Bulsa ng Kangaroo”. Kung gusto mong makarinig ng madugo at kakaibang hip-hop, siguradong mauunawaan mo ang mga ‘to. Sundan niyo lang ang FB page niya pati ng Namkha para maging updated sa mga susunod niyang plano. Salamat sa pagbabasa!