Album

Parasitikong Abusado (feat. 1Kiao & WYP)


KOLATERAL
KOLATERAL
Producer: Serena DC & Calix
2019

Hook (WYP):
Mga uuod gumagapang sa balat ng mga patay
Panay kagat, panay sipsip sa mga buhay na walang malay
Lintang tumataba sa burak ng kamatayan
Parang si Digong ngumangatngat sa ating bayan
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)

Verse 1 (Lanzeta):
Kanino yang bangkay?
Naging bilang hagdan dito ang lagay
Pag nagsamang lahat ay parang paa ng mga may
Kagagawan na hindi bababa sa libong namatay
Ilan na silang mga buhay ang nilugar
Sa obligasyon na inuna ang lagay niyo sumama
At pagkabilangan tinatayang buhay ang sinugal
Sa operasyon ang resulta ay mas lalong lumala
Pagkatao lumalang aasta na Diyos sa
May katha niya at obra bawal nga ba o
Magkakatama ka sa droga masama ang sobra
Mga dagdag at bawas niya sa gawa na storya
Kaya nakatoka na papasukin ngayon ay
Patakbuhin nang matulin hahabulin kayo may
Babaguhin ng kulayan sa gayon pinatunayang
Mga nanlaban ay hindi nagpahuli ng buhay
Maliin ang direksyon 
Malihis ang diretsyo o palihim at sikreto yan
Nakakalat sa daan yung maligpit ang mithi niyo na
Sa kanya nagpapaslang kung malinis ang intensyon
Mapahindi pag kwinestyon dapat isuko diyang puwesto
Maling punto argumento ating tutok sa congreso
Pakiduro ang supremo maging guro sa proseso
At ituro ang pinuno palit ulo sa gobyerno
Dinurog ang konkreto para makatakas ka
Nang mapalaya sa kalayaan na kalayaan na
Ang bathalang siya nabahalang mag abala
Papabayaan at hahayaang ka mawala
Sa kada salang nasa baba ka nakadapa
Pantay sa may paa panay pagmamakaawang kataga na
Patawad sa mga nagawa niya na masama
At salamat sa ngalan ng ama, sambayan ng tanga

Hook (WYP):
Mga uuod gumagapang sa balat ng mga patay
Panay kagat, panay sipsip sa mga buhay na walang malay
Lintang tumataba sa burak ng kamatayan
Parang si Digong ngumangatngat sa ating bayan
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)

Verse 2 (Prolet):
Tinamasa ang lagim
Nanggaling sa di patas at mga sakim
Wala na pang madadamhin
Binawi ang buhay sa perang hihiramin
Inubusan na, may kita pa
Hinugasan ba? Dumudungis nga
Binababad sa kalsada
Tumatambad ang may sala
Umuusad ang pag-asa
Inuuod lang ng pera
Sino?
Sino na lang ang kanilang kayang kaya nilang patahimikin, linisin?
Sumilip na lang, tahimik-abang sa mga produkto na kung tayo ang nagpapabaya rin
Simbahan nga ba? Pagkatiwala
Nangunguna naman sila sa mga pumipila
Nakahilata, hindi kilala
Napupunta naman sila sa may lugar na di natin gusto makita
Pakitiran ng lalagyanan nang
Katawang walang pagkakilalan
Palihiman ng mga mayamang
Katuwang ang mga walang muwang
Sinagip nila ang mga banta
May takip kanilang mukha
Kalakip ang mga maling balita
Hati-hati ang mga kumita, sa mga pamilya
Kaya kada miyembro 
Tinuturing na sila ang mga produkto
Ang ehemplo ng pasimuno 
Ay ang pang-uuto ng pangulo
Isang malaking negosyo ang pasismo ng gobyerno
Iba't iba man ang maging takbo ng konteksto
Isa lang ang may pakay sa tinukoy na areglo

Hook:
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)
Abusado! (Sino-sino ba mananagot sa inyo?)

Verse 3 (Invictus):
Parang buryo sa palabas
Pagkat gusto na magwakas
Mga makulay, agnas, wala nang buhay
Bakas sa pagkapungay ng mata nang walang gulay
Namamagat ngayon ay
Mga mahal nakadapa sa hukay
Pagkat ilan ba ang talagang nagaagawan?
Bawat tinatayang daang bangkay nasa daan
Baka sinadya ng nakaabang sa katawan
(Kaya) kaya tinakpan ang mga gawa ng katawan
Masyadong garapal pagkat singilan na naman
Ang kaso babagsak sa may himpilang bayaran
Nagbago na lahat at napilitan malamang
Siya'y tao na tapat kaya hindi yan naglaban
Hapdi ng nawalan tila nakakadarag
Mga mahalaga ay di na makapagpatawad
May pinakawalan sila ang mga mapalad
Habang patay naman ang pinakawalang mabayad
Paglisan nakasira ng taong makulay
Kaya wala na ang hiling pagka't ngayon ay kulang
Naiwan na pamilya nagbaon sa hukay
At para lamang sa libing ay nabaon sa utang
Masyado na sanay
Kalmado na lagay, binasag na ng ginambala
Barado daw sakay, binawasan ang ilang kasama
May tao na patay, binalaan sa tirang bahala
Natagpuang bangkay tinamaan ng ligaw na bala
Mga sabik nagbabalak na mauna
Nakaabang salapi sa katawan makakuha
Pagdapa sa tabi mga parak may pasura
Pagpatak ng gabi ang papatak mga luha
Inyong pinuno may gawa at siya’y nalilito
Di natutunang mahabag akala pwede to
Sinapupunan sa lapag na parang sentimo
Hindi bagsak at di patak kundi laglag ang termino



OTHER LYRICS

Gaga

Gaga
Flow G x Skusta Clee x Yuridope
2022 Single

TIM

TIM
Meek & Chill
2023 Single

The Long March

The Long March EP
Blue Scholars
2005 Album

Past

Dreams
Michael Pacquiao
2020 Album

Sometimes

Sometimes
Migo Senires
2014 Single

FEATURED ARTICLES