Verse 1:
Sa kama nadama na, malapit na pala, sumikat at maramdaman ang haring araw
Tumama sa mata at di makapaniwalang heto na, sapagkat ang antok ay naguumapaw
Nag unat ng buto, tumayo, at sa di kalayuan may anino na sa mata ay umagaw
Napukaw ang binata't bahagyang napasilip sa bintana't di ko inakalang
Gaganahan uhh.. sa halip ay, atat nang ilabas ang pagkamamaw
Sandali pa at malapit nang.. maabot ang tuktok at paypayan ng anahaw
Dali daling nagbihis at humalik sa asawa at nag bilin na siya'y intayin
Pag uwi ay isasalin mo saakin ang pag ibig na agad mapawi aking pighating.. naipon sa mag araw
Trabaho at mga pangakong napako sa krus
Pawis ka na agad paglabas pa lang ng bahay, pag sakay ay makikipag habulan ka pa sa bus
Ganun ba talaga? Mabuti na lang ay.. marami syang pabaon na halik at mga yakap
Madalas paglabas pa lang ng aming bahay ay gusto nang bumalik sa mga matamis mong balak
Mapapasigaw ka na lang ng diyos ko po dahil gusto mo ang mga sunod sunod na pangyayari
Ayaw mo ihinto, ang bersikolo ng buhay mong ito, kung saan ikaw at sya ang nag hahari
Minsan magulo at malilito ka na parang hindi mo mawari
Ganyan lang talaga ang mundo, mas masaya ito lalo kapag ganado ka lahat sayo ay yari uhh!
Pre-chorus (2x):
Salamat! Salamat! Salamat! Salamat!
Salamat sayo at tinakpan mong lahat ng lamat!
Chorus:
Di ko paminsan maintindihan
Timpla ng buhay natin nga ay sadyang hindi alam
Agham, minsan matamis minsan maanghang
Sigla at kulay ng ating buhay nag dedepende sa naka akbay sayo
Verse 2:
Sayo? Sino ba ito? Swerte nga ba ang tawag sa ganito?
Nakita't nahimlay ang taglay na ligaya na bigay ng asawa mong nakasaklay sayo, magkasabay ninyong
Tatahakin, sa huli pag papalarin sa karerang tinatawag mong mundo
At sasabay kayo sa ihip ng hangin habang nananalangin sa panginoon, nagumpisa pa noon
Tayong dalawa pa lang ay nag liligawan
Nakita ko sayo kung ano ang mga kahinaan kong napakadali mong pinunan.. at sa ating kopunan
Maraming pag babagong mangyayari, basta lagi mong tatandaan
Na ang lahat ng ito ay pagsubok lang, nasa sulok ang kasagutan sa mga katanungan na marami
Maaaring ito ang dahilan at ako'y nakipag sapalaran
Sa mundong magulo, pero di ako titigil bagkos mang gigigil lalong maabot aking pangarap
Na gumawa ng mga bagong panglaban, sa kabilang banda ng mga ahas sa hagdanan
Ay gusto mong tumawid, pero di mo namalayang mayrong nais ibatid sayo ang yong kalaban
Yun ay, para paalala, sa iyo na ang buhay natin ay bilog
Kailangan mong matutong magtiis, di pwe-pwedeng mainis, ang kailangan sa larangan ay palagi kang libog
Sayong hilig, sumabay ka lang sa agos at sa himig,
Ng musika at hangin sa paligid.. pag kasama ka o ang sarap sa piling
Uhh pag-ibig.. pag-ibig
Repeat chorus