Album

Papag (feat. Calix)


KOLATERAL
KOLATERAL
Producer: Calix & Serena DC
2019

Verse 1:

Aking pamilya, nagsisik-sikan

Sa parisukat na papag, aming tahanan

Mga balat nagkiskisan, makahabol manlang ng konting idlip

Para sa bukas na kami ay magsisikap

Kahit mahirap, basta may sipag

Saktong pantawid hindi humilab mga tiyang kumakalam

Nakakawala ng diwa

Ang syudad na may kuko

Kuma-kaskas sa tulad naming lagi nang naka-yuko

Pero, kahit ganun paman ginagapang parin namin ito

Kahit na napapako kami sa krus ng mga pangako

Yung tatay kong nagkamali, pilit na nag babago

Ang penitensya, nagpapadyak kahit sunog na ang batok

Hindi magara ang suot, hindi mabango

Pero lima kaming napapakin nya sa kakarampot

Mumunting kakanin, di manlang namin matikman

Agad na sisingilin, pagka't rekado nito ay utang

Si ate at si kuya ay tumigil mag laro

Kapalit ng barya ang katawan nilalaro

Sa umaga uuwi, nakangiti "ito may kita"

Kala nila na hindi ko pansin, mga luha at mga pasa

Si nanay problemado, di madaan sa paglaba

Mas mahal pa ang sabon ng amo, kesa sa kanya

Sugatan na mga palad, namumula sa hapdi

Inang walang katulad, pinalit lamang sa washing machine

 

Chorus:

Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito

Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito

Parisukat na papag oh aming tahanan

Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito

 

Verse 2:

Isang gabing tahimik, tila ba himala

Lahat kami ay nasa bahay, salo-salo sa hapunan

Minsan lang mangyari 'to, mahimbang ba ang tulog ko

Mga ngiting hindi pag-papalit sa kahit na ano

Mga pulis na naka-maskara

Pumasok sa aming tahanan at kami ay tinutukan

Pinaluhod at binantaan na papatayin

Kapag kami ay nag ingay, o pag kami'y hindi umamin

Pangalan ng tatay ko'y binanggit sabay tanong

Adik ka ba? (Hindi) Adik ka ba? (Hindi) Adik ka nga! (Wag po!)

Pilit nilang paratang

Sa tatay kong pagod pumapadyak na lamang

Para kami ay itaguyod kahit na gumagapang

Sunog ang batok sa maghapon, iyon ba'y kasalanan?

Mali na ba na humiling ng aming kalayaan

Sa araw-araw na pagkakulong sa kahirapan?

 

Outro:

Tila ba bumagal ang lahat

Pinapanood ko si itay na dahan dahang bumagsak

At pag-lapag, pula ang ala-alang pininta

Nang kanyang dugo sa parisukat na papag, aming tahanan

Sabi ng pulis, linis nyo yan

Agad siyang umalis

Mga matang nakatitig lang sa numero

Mga matang hindi kami tinuring bilang tao

Pula parin ang papag kung saan siya namatay

Pulang mantsa na alala ng aking itay



OTHER LYRICS

Illegitimate Kings (feat. Mista Blaze)

Illegitimate Kings
aero.
2014 Single

Paper Thin (feat. Chace Infinite)

…paper cuts…
Bambu
2010 Album

Reaching Outer Space (feat. Soupherb)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

T.H. (feat. Taggsign and Zjay)

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

Lava Walk

Lava Walk
MANILA GREY
2019 Single

FEATURED ARTICLES