Album

Kunwari (feat. Kamikazee, Biboy Garcia, & Manuel Legarda)


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Intro (Gloc-9):

Mga kababayan, sa darating na halalan

Ako po sana'y mapagbigyan

Ang nais ko lang naman

Kayong lahat ay mapagsilbihan

 

Chorus (Kamikazee):

Ako, ako, akong piliin niyo

Wag po kayong maniniwala sa iba

Ang lahat ng mga sasabihin ko

Totoo, titigan pa ko sa mata

Ako, akong piliin niyo

Ako lamang at wala na ngang iba

Ang kasagutan sa lahat

Ng kahirapan niyo kunwari, ng kahirapan niyo kunwari

 

Verse 1 (Gloc-9):

Panahon na naman

Ng magulong bilangan

Kung hindi ka makatiis

Ang mukha mo ay manipis

Hindi uso ang mahiyain

Kahit busog kumakain

Lahat ay napapailing

Sa tulog-tulugan na gising

Ako nga po pala ay si

Kandidatong may pambili

Ng kotse, bahay, at lupa

Kayamanan ang may alam lang ay manghuhula

Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha

At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa

Akin na mga perang mapapasakin, sige na!

 

Chorus (Kamikazee):

Ako, ako, ako ang piliin niyo

Wag po kayong maniniwala sa iba

Ang lahat ng mga sasabihin ko

Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, ako ang piliin niyo

Ako lamang at wala na ngang iba

Ang kasagutan sa lahat

Ng kahirapan nyo kunwari.

 

Verse 2 (Gloc-9):

Kapag ako'y inyong binoto

Lahat ay magkakatrabaho

Bawat pamilya may bigas

Mga palad kong nakabukas

Bakit tayo nakukuntento

Pag binigyan ng isang kilo

Na ang dapat nakalaan

Higit pa sa isang kaban

Galing nga po pala yan kay

Kandidato na naglagay

Ng kotse, bahay, at lupa

Kayamanan ang may alam lang ay manghuhula

Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha

At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa

Akin na mga perang mapapasakin, sige na!

 

Chorus (Kamikazee):

Ako, ako, akong piliin niyo

Wag po kayong maniniwala sa iba

Ang lahat ng mga sasabihin ko

Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, akong piliin niyo

Ako lamang at wala na ngang iba

Ang kasagutan sa lahat

Ng kahirapan niyo kunwari

 

Post-chorus (Gloc-9):

Wag nyo pong kalilimutan

Ang aking pangalan

At lahat ng aking mga pinagsasasabi

Ay hindi kasinungalingan

 

Chorus (Gloc-9 and Kamikazee):

Ako, akong piliin niyo

Wag po kayong maniniwala sa iba

Ang lahat ng mga sasabihin ko

Totoo titigan niyo pa ako sa mata

Ako, ako, akong piliin niyo

Wag po kayong maniniwala sa iba

Ang lahat ng mga sasabihin ko

Totoo titigan pa ko sa mata

Ako, ako ang piliin niyo

Ako lamang at wala na ngang iba

Ang kasagutan sa lahat

Ng Kahirapan niyo kunwari

 

Outro (Gloc-9):

Mga pangako na katumbas lang ay basura

Na pinapahawakan mabaho na nga paso pa

Sa apoy na kasakiman pinagkalulo ka

Maamoy ng mga dahilan kaya sinusuka

Harap harapan 'to hindi kailangan ng kuta

Na para kang binulag o tinapunan ng muta

Sobrang magkaiba ang minasdan sa nakita

Lalo na ang tiwala na binigay sa kinuha



OTHER LYRICS

Iladnasanwakan (feat. Al James and Chen Pangan of Unit 406)

Iladnasanwakan
Ron Henley
2018 Single

Kaibigan Ko (feat. The Hardware Syndrome with Itoy and Willie)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

Mangangaso (feat. Konflick)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

Sirena (feat. Ebe Dancel)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Demo Tape (Interlude)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

FEATURED ARTICLES