Album

Rap Ka Nga


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Hindi ba’t ikaw yung manunula

Na palaging nasa radyo’t telebisyon

Mahina ang kalaban teka muna

Mga utos mong sakin ay obligasyon

Palaging bukangbibig, rap ka nga

 

Labing-anim na taon hindi pwedeng mapikon

Mga paa sa buhangin na palaging nakabaon

Parang tubig sa balon pila ng mga galon

Madami pa akong tugon huwag bitawan ang telon

Itaas nang mabuti, punong kakawate

Na may tutubi, bubuling hindi mo mahuli-huli

Pwede bang masabi mo kung panong atake

Alin diyan ituro mo kasi medyo madami

Ang napakinggan kong tunog simula pa nung

CD, MP3, bihira pa non

Nineteen ninety-three, bata pa ko non

Bolpen na pang-ikot ng cassette, bihasa ‘ko don

Kahit sinong makabangga tatlo lang ang salita

Marahil iniisip nila na ako’y bihasa

Sa pagsulat ng tula o sa pagsasalita

Palagi nalang wala nang ibang sinasabi kung di rap ka nga

 

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

 

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

 

Rap ka nga

Rap ka nga

Rap ka nga

 

Kalalabas ko pa lang ng makata

Sumulat na naman ako ng bagong talata

Di mahalaga kahit maigsi o mahaba

Huwag kang mabahala kasi ako ang bahala

 

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

 

Ang gusto kong sabihin isa lang ano ba ang

Kailangan mo sakin ano ang pakinabang

Alam mo na siguro na di lamang puro tapang

Di makalakad ba’t di mo subukang gumapang

Tinawid ko ang tulay nagiba

Inabot ko kahit nakahiga

Sinimot ko ang lahat ng tira

Kahit ako lang ‘to at wala nang iba

 

Sige lang, sige lang silaban ang

Ano mang, ano mang nakahadlang

Ituwid, itagilid, tara kapatid

Habulan, habulan, unahan lang

 

Sige lang, sige lang silaban ang

Ano mang, ano mang nakahadlang

Ituwid, itagilid, tara kapatid

Habulan, habulan, unahan lang

 

Hey!

 

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

 

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

 

Rap ka nga

Rap ka nga

Palaging bukang bibig

Rap ka nga



OTHER LYRICS

Kalendaryo

Kalendaryo
Mike Swift
2021 Single

Kusina Breaktime

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

Crash and Burn (feat. U-Pistol)

Crash and Burn EP
Calix
2021 Album

Maniwala

Maniwala
Ex The Great
2018 Single

Cain

Cain
CLR
2019 Single

FEATURED ARTICLES