Album

Tsinelas Sa Putikan


Liham At Lihim
Gloc-9
2013

Chorus (Marc Abaya) (2x):

Ilakad ang tsinelas sa putikan

Humakbang kahit na mahirap

Iyong mga paa’y madudumihan

Palatandaan ng pagsusumikap

Bumangon sa hamon

Lalaban at hindi ka na papayag

Magpa agos sa alon

Sabay nating itataas ang layag

 

Verse 1 (Gloc 9):

Barong-barong, patong-patong

Bulok na bahay, kalong-kalong

Ng lupang di sa amin

Sako-sakong dasal wag palayasin

Halo-halong mga sana na nagka dikit-dikit

Parang kapit mo sa gamit na nagka ilit-ilit

Maniningil na pagkakulit-kulit

Sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit

Lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangd aan

Para kang binenta pagkatapos ay dinaganan

Ng kalang sinilaban, lutuang walang laman

Kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan?

Tinatapakan, pinupulaan

Sinabihan ka na ba na hanggang diyan ka na lamang

Maraming nakaharang kahit magsabing paraan

Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

 

Repeat chorus (1x)

 

Verse 2 (Gloc 9):

Sawang-sawa ka na ba?

Gusto mo nang magmura?

Sumigaw, umayaw

Bumitaw kung baga

Tila kumupas nang mga guhit-guhit

Sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig

Tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid

Walang maaaning bunga kahit dilig ka nang dilig

Kumandirit di dahil baka may magising nakakahiya

Bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba

Kumayod na parang wala kang karapatang humiga

Kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha

Tinatapakan, pinupulaan

Sinabihan ka na ba na hanggang diyan ka na lamang

Maraming nakaharang kahit magsabing paraan

Minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Lady (feat. Samantha Louise)

Lady
Jid Durano
2015 Single

1LOVE (feat. Amaan Ali Bangash & Ayaan Ali Bangash)

1LOVE
Karencitta
2018 Single

Sox Pulled Up

The Lean Sessions EP
Bambu
2013 Album

Come Through (feat. Trilogy FPE)

Act 1
Ez Mil
2020 Album

Mahal Kong Pilipinas

Mahal Kong Pilipinas
JMara
2022 Single

FEATURED ARTICLES