Album

Ang Salarin


Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
Producer: KMG
2021

Verse 1:

Hindi ko alam kung ano na ang eksaktong petsa at oras 

Alam ko lang na gabi na at ilang araw na ang nakalipas

Ang dilim dito at lagi akong dinadapuan ng mga langaw 

Yung buwan mula sa bintanang maliit ang tanging ilaw

Gusto ko mang tumakas pero kailangan tanggapin na malabo

Gawa sa bakal ang pinto at ito'y sa labas nakakandado

Nahihirapan akong makatulog dito sa nabubulok na kama

At etong nasa harap ko ay walang ginawa kundi tumawa

Kilala ko na siya nung kami'y bata pa at dun ko nakita

Na siya ay may sira, kahit anong gamot ay walang bisa

Aking nasaksihan ang mga nakakakilabot na ginawa niya

Inosente yung mga tinaga niya pero siya'y tuwang tuwa pa

Nandun ako nung nahuli siya at mga ebidensya ay sapat

Duguan na itak at mga bangkay na tinanggalan ng balat

Kaso ako ay pinosasan rin dahil ako raw ang kasabwat

Anuman ang paliwanag ko ay baliwala sa kanilang lahat

Kaya nandito ako ngayon, kinabukasan ko ay nawala na

Hindi ko na matiis ang galit ko sa tunay na may sala

Ako ay tumayo at pinaulanan ko siya ng mga sapak

Kung dati ako'y takot ngayon hindi na 'ko nasisindak

Solidong mga suntok sa mukha pati sa kanyang tagiliran

Nakakagulat dahil parang hindi man lang siya tinamaan

Ako'y kanyang sinakal, buhay ko'y unti unting gumuho

At hinampas niya nang ilang beses sa pader ang aking ulo

 

Hook (2x):

Dito sa bartolina sino ang tunay na salarin?

Karumal dumal na krimen ay hindi ko kaya na gawin

Dito sa bartolina paano nga ba nakarating?

Ako'y papanaw na kahit hindi ako ang salarin

 

Verse 2:

Nakahiga sa kamang puro ipis at nakangiting iniisip

Lahat ng aking mga biktima at mga dugo na sumirit

Hindi ko talaga mapigilan tumawa sa tuwing naaalala

Ang kanilang mga pagmumukha kapag sila'y nagmamakaawa

Bakit ba ako naging ganito? Hindi ko rin matandaan

Basta ako'y masaya pag kinakatay ang kanilang katawan 

Pero masyado akong kampante kaya ang resulta nahuli

Di na bale, aking pagtakas ay pag-aaralan mabuti

Kailangan ko munang patahimikin tong kasama ko sa selda

Puro reklamo ang puta eh siya nga tong sama nang sama

Sa aking mga paglalakbay na marami ang napapatay

Nung siya'y pinasosan kunwari pang walang kamalay malay

Naramdaman ko ang kanyang galit nung bigla siyang tumayo

Ako'y pinagsusuntok, pero tanginang to napaka bano

Sa bawat sapak niya ni-isa ay walang epekto sakin 

Agad ko siyang sinakal nung nagsimula na siyang hingalin

At sa sementong pader dun ko pinaghahampas ang ulo niya

Tumatalsik ang utak habang ito'y unti unting bumubuka

Pagtapos ng ilang segundong tagumpay ako'y hinimatay

Nung bumalik ang kamalayan ako'y nasa sahig nakaratay

Bakit mag-isa nalang ako dito at bakit sobrang nahihilo?

Mula saking ulo ay meron palang dugong tumutulo

Pira pirasong utak ko pala tong mga nagkalat sa paligid 

Hindi ko inasahang papatayin ko ang aking sarili

 

Hook (2x):

Dito sa bartolina sino ang tunay na salarin?

Karumal dumal na krimen ay kayang kaya kong gawin

Dito sa bartolina ako'y nakatadhanang makarating 

Pero sa aking pagpanaw ako pala ang salarin



OTHER LYRICS

Alon (Kensa)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

Family Matters

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

Stargirl (feat. Dj Mae Dente)

Homesick
Jid Durano
2019 Album

Ang Ganda Mo

Ang Ganda Mo
Cue C
2011 Single

Makabaho

Makabaho
Apekz
2019 Single

FEATURED ARTICLES