Album

Tunay na Anyo


Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
Producer: UMPH
2021

Verse 1:

Bigla nalang silang sumugod sa loob ng aking tahanan

Mga naka itim na Amerikana, ako na ba'y mamaalam?

Ito na ba ang parusa para sa samu't saring kasalanan?

Di nagtagal yung mukha ko'y dumikit sa kanilang talampakan

Sinubukan kong kumalas habang kinakaladkad sa sahig

Ilang beses binugbog kaya may dugong lumalabas sa bibig

Naninikip ang dibdib, paningin ay unti-unting lumalabo

Pagdating sa labas ulo ko'y biglang binalutan ng sako

Tinali ang mga paa't kamay at sa sasakyan ay pinasok

Pinilit ko pa rin tumakas, dun ko naramdaman ang palo

Ng isang bakal na tubo diretso sa aking sentido

Tuluyan nang nawalan ng malay pagkatapos ko mahilo

At ako'y nagising dahil sa kanilang mga sigaw na malakas

Kung hindi daw ako papalag mabilis akong makakalabas

Pagbalik ng aking kamalayan dun ko nalaman ang kwento

Ako'y nasa laboratoryo at parte ng eksperimento

 

Hook:

Sila'y natatakot sa hindi nila naiintindihan

Kaya ang kanilang hangarin ay ang aking katapusan

Gagawin nila ang lahat para ako'y matulad sa karamihan

Masyado nilang minaliit ang aking kapangyarihan

Sila'y natatakot sa hindi nila naiintindihan

Kaya ang kanilang hangarin ay ang aking katapusan

Gagawin nila ang lahat para ako'y hindi na sumuway

Pag lumabas ang tunay kong anyo, walang maiiwang buhay

 

Verse 2:

Nakahiga sa bakal na kama at nakakadena ang katawan

Ang daming mga nakapalibot sakin, tila inooperahan

Yung isa sa kanila ay may hawak na patalim na duguan

Agad kong nalaman na ang ulo ko pala ay binuksan

Aking utak ay pinag aaralan lahat sila ay nakatutok

Sinubukan kong lumaban at dun ako biglaang tinurok  

Hindi nagtagal higaan ko'y dahan-dahang inangat

Mga talukap ng mata ko'y ginupit at ako ay tinapat

Sa napaka laking telebisyon na ang tanging pinapakita

Ay ang iba't ibang galawan ng mga payaso sa eksena

Sabay sinabi nila na ito ay panibagong panimula

Isang proseso para gawing akong kaakit akit sa madla

Tangina! Hindi ito ang inaasahan kong tadhana

Makakalaya lang daw ako kapag pumirma sa kontrata

Kailangan kong tumakas dito bago pa mas lalong lumala 

Laking gulat ko dahil paningin ko'y naging kulay pula

 

Repeat hook

 

Verse 3:

Tumubo ang mga pangil at humaba ang lahat ng mga kuko

Nararamdaman ko rin ang pagtagos ng aking mga buto

Mabilis na tumakbo ang mga tao pero walang nakatakas

Bawat isa sa kwarto ay matinding karahasan ang dinanas

Dinukot ko ang kanilang mata at hinugot ang bituka

Ito'y nararapat na kapalit sa binigay nilang pagdurusa

Ako'y nabitin kaya tinanggal ko ang balat nila sa mukha  

Tinapak tapakan ang bungo hanggang sa maganyong pulbura 

Umalulong ako nang malakas tapos winasak ko ang pintuan

Nakalaya na sa wakas mula dito sa marahas na kulungan

Ganunpaman, san man dumaan, iniiwasan ng sangkatauhan

Anuman ang aking gawin ako'y lubos na kinakatakutan

Napa tingin ako sa salamin at doon ko napagtanto

Yung nakikita kong halimaw ay ang aking tunay na anyo  

Kaya pumunta sa kailaliman at dito na maninirahan

Pero sa aking muling pag ahon, maghahatid ng kamatayan!



OTHER LYRICS

The Light (feat. Francis M. & Loonie)

United Freestyles 2.0
DJ Arbie Won
2003 Album

Bulalakaw

Kampilan
Apoc
2023 Album

Nag-iisang Mundo

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Sila

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Lumuhod Man Ako

Lumuhod Man Ako
Zaito
2012 Single

FEATURED ARTICLES