Kapag sinabing pinakamabangis na emcee sa Cebu, isa siya sa madalas nababanggit ngayon. Alamin natin ang kwento ni Mistah Lefty.
Mula battle rap hanggang musika, walang makakatanggi sa dami ng mga talento sa Cebu. May kanya-kanyang stilo ang bawat artist at lahat ay aktibo hindi lang sa paglikha ng mga rima, kundi pati sa pagtanghal. Isa ang emcee na ‘to sa mga laging nababanggit kung ang usapan ay kalidad na lirisismo. Tumatak ang kanyang malawak na bokabularyo, komplikadong tugmaan, at nakakabighaning flow. Dahil sa solidong rap skills niya, umabot agad ang kanyang mga awitin sa iba pang mga lugar sa Pilipinas.
Para sa bagong MC Spotlight, alamin natin ang storya ni Mistah Lefty. Paano siya nag simula? Sino ang mga nag impluwensya sa kanya? Kumusta yung pagtanghal niya dito? Ano ang proseso niya sa pagsulat? Yan at iba pang mga tanong ang sasagutin niya dito. Magsimula na tayo…
1. Kailan ka nag simula mag rap?
Nung 2012. It all started with FlipTop, naging instant fan ako nung nakita ko yung battles nila Loonie, Zaito, Dello, Target etc.
Tuwing dismissal, nag rarapbattle kami sa waiting area ng school namin, ginagamit namin yung mga iconic lines ng mga emcees haha started to listen to their music as well.. like Loonie's "Tao Lang", Abra's "Gayuma" at ang "Mga P*tang Ina Nyo" ni Batas aka Ginoong Rodriguez.
Sinubukan kong magsulat around that year ng tagalog pero parang nakita ko na di para sakin ang mag rap ng tagalog. Siguro around 2014 o 2015 dun ko na sinubukan mag english nung na introduce sakin ng kaibigan ko si Eminem.
2. Ano ang kwento sa emcee name mo na Mistah Lefty?
Dati nung di ko pa talaga sineryoso ang rap, basketball talaga yung sport ko. Isa din ako sa nangarap na makalaro sa NBA lol unfortunately I wasn't given the raw talent and athleticism para maging qualified to play at that level. Medyo oks lang maglaro haha at nakalaro din sa iba't ibang liga sa cebu at dun ko nakuha yung nickname na "Mr Lefty" (pronounced as mister pa yan) dahil isa ako sa mga kaliwete o sa natatandaan ko ako lang yung kaliwete, sa circle namin. At ginawa ko na siyang Mistah Lefty para mas malupet yung dating.
3. Nung 2019 ay naglabas ka ng mixtape na pinamagatang "Entitled Opinions". Ano ang konsepto nito?
There's nothing much behind sa pamagat neto. Pero looking back at it, ramdam mo yung gutom ko dito bilang newcomer sa eksena, showing his versatility and his ability to rap. Siguro na inspired lang din yung pamagat sa aking belief na kung tingin ko ako ay magaling o pinaka magaling, walang sino man ang makapagsabi sakin na mali ako. Siguro something to do with being bias sa sarili o parang wala lang talaga akong nakitang rason kung bakit hindi. So ayun.
4. Maliban sa "Entitled Opinions", ano-ano pa ang mga nilabas mo na proyekto?
May nilabas ako na pangalawang mixtape around 2021 na pinamagatang "Chrysalis". It's a 7-track mixtape that talks bout my growth bilang tao at bilang artist. Mas nag focus lang din ako dito sa paggawa ng kanta na is actually talking bout something compared sa unang mixtape ko. Eto po yung playlist:
5. Paano mo ipapaliwanag ang stilo mo sa pagrarap sa mga taong hindi pa pamilyar sayo?
Kung gusto nyo ng well rounded, kakaibang offensive bag, eto na yun. Di joke lang haha siguro the fairest way to explain it is ako ay isa sa mga nag stick parin sa criteria, ginagamit ang tamang formula, sticking to what's real at di cinocompromise yung lyricism regardless sa kung anong klaseng style ang ginagawa ko. Given sa bagong generation naten, isa ako sa mga na ostracized ng majority. At sige sabihin ko nalang, kung gusto nyo ng kakaiba (tho may resemblance ako ng ilan sa mga iniidolo ko) pero kung gusto nyo ng kakaiba... let's say sa eksena lang natin. Mistah Lefty pare. Siguro ang dahilan din na nag standout yung stilo ko is dahil sa dinadala kong character, pinupush ko din yung cadence ko lalo na sa bisaya at mga napaka komplikadong rhyme schemes na tingin ko di ko pa narinig sa bisaya. Kung paano lang din ako kakulit minsan sa kanta siguro, yun.
6. Sobrang lakas ng eksena ng hip-hop sa Cebu ngayon. Ano sa tingin mo ang dahilan nito?
I gotta give credit sa FlipTop. It all started with them for sure. Pero isa din siguro sa dahilan kung bat napakalakas ng eksena namin dito ay dahil lang din sa talent pool namin. Sobrang lawak ng variation sa mga styles na pinaglaban ng mga artists dito, para sakin Cebu is the beast kung pagusapan natin ay visayas at Mindanao.
7. Ano ang proseso mo sa pagsulat ng kanta?
I do weekly excercises. Mga generic bars lang ganun, mga bars bars lang haha usually with beat pero minsan kung may naisip akong napakalakas na wordplay o punchline, sinusulat ko siya without beat. Using the usual boombap tempo lang at inaadjust ko nalang siya kung sakali gagamitin ko siya. Pero kung gagawa talaga ako ng kanta, dapat may beat muna. Dun ko kasi kunin ang konsepto kung ano ba ang bagay dito at dun din nakabasi kung pano ko kukulitin yung beat sa aking sound.
8. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta?
Hmmm ayaw ko sana sagutin kasi sobrang dami pero sige off the top nalang
Lokal:
Loonie - The Ones Who Never Made It
Sak maestro - Timeless
Hero Tunguia - Hi Haters
Foreign (eto sobrang dami):
Eminem - The Eminem Show
Eminem - MMLP
Big L - Lifestylez ov da Poor & Dangerous
Honorable mentions (di rin pede wala 'tong mga to mention dahil nag depende nalang din sa mood ko hahaha) pero dapat lang din talaga ma mention ang mga to:
Mac miller - Swimming
Mac miller - Circles
Eminem - Infinite
Eminem - Relapse
Eminem - Encore
Kanye - My Beautiful Dark Twisted Fantasy
Kanye - 808s and Heartbreaks
J Cole - Forest Hills Drive
Kendrick Lamar - TPAB, good kidd, m.A.A.d city
JID - DiCaprio (1&2)
Elevator Jay - Ain't Nothin Finer
Sir - Chasing Summer
Smino - blkswn
Michael Jackson - Off the Wall
Bambu - One Rifle Per Family
Bambu - Prey for the Devil
Lil Wayne - Carter 1
Rhyme Asylum - Poison Penmanship
Isaiah Rashad - House is Burning
Nakakutulong talaga eto sakin, lahat ng meron ako ay andyan galing sa mga album na yan. A bit of everything, ibang tulong din sa mga oras na soundtrip nalang yung outlet mo haha!
9. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 8, may naitulong ba sila sa mga bara mo?
Off the top parin
Lokal (binabasi ko nalang sa gaano ka unmatched ang caliber nila):
Loonie
Batas
Sak Maestro
Foreign (off the top parin, sobrang dami sana):
Eminem
Tech N9ne
Big L
Bawat emcee na nabanggit ko dito, may konti akong nakukuha sa kanila. And lahat ng yun ay may similarity which is kung gaano ka stacked yung skillset nila
10. May nirerepresenta ka bang grupo o kolektibo? Ano ito at paano ka nakapasok dito?
Rapollo. Eto yung nagbigay sakin ng oppurtunity para makapag perform sa una kong hiphop gig. Nag bukas din ng pinto para ako ay malagay sa tamang collective. Nag submit ako dati ng 16 bars at links sa kanta para mag battle pero nung narinig nila ung tracks ko, di ko inasahan na sa music ako mapunta. Isang rap battle league po ito sa Cebu na ngayon ay nagbigay spotlight na din sa mga gumagawa ng music. Started since 2010, pioneering and still to these day palakas lang ng palakas, untouchable na yan sa Cebu. Rapollo Forever!
11. Para sayo, kumusta ang lagay ng lokal na eksena ng hip-hop sa buong Pilipinas ngayon?
Overwhelming.
12. Kumpara sa era ng hip-hop na kinalakihan mo noon, ano ang pinagkaiba nito sa era ngayon? Ano ang mga na-improve nito at mga tingin mong dapat pang iimprove?
Siguro mas marami na ngayon ang nakikinig at naka tutok sa mga galaw sa eksena. Siguro yung dapat ma improve o dapat mangyari lang siguro ay ma value ng mas maayos ang mga tamang artist. Yun lang. Di lahat, yung mga karapat dapat lang din e value ng maayos.
13. Nag-perform ka sa The FlipTop Festival nung 2020 at Full Tank 6 nung 2022. Kumusta ang experience mo dito sa Metro Manila?
The FlipTop Festival
To be a part sa pinakamalaking Hiphop Festival sa bansa natin, goddamn. In shock most of the time ako nun, nakita ko halos lahat ng pinapanood ko lang dati sa YouTube. First time performing sa Luzon din so iba yung pressure na nararamdaman ko. It's too much for me to process haha bilang fan at nangarap maka pag perform sa malaking stage, gusto ko lang talaga magpasalamat kay Anygma sa pag tiwala saking potential sa time na yun, kahit tingin ko di pa ako karapat dapat sa lineup na yun pero binigyan niya ako ng slot. Salamat boss!
Full Tank 6
Man, pano ba. Mayabang naman talaga ako pero iba yung yabang ko ng na invite ako dito hahaha. Sobrang honored lang ako na ma meet lahat ng mga artist na parte sa Full Tank. Sobrang dami ko rin napulot sa araw na yun, nag iba bigla yung tingin ko sa mga bagay bagay. Kalabit Sessions, kwentohan, bakasyon hahaha!
Pero man, to be a part sa Full Tank ng Uprising ikaw ang kinuha na guest para sa ultimate event nila every year sa lahat ng malulupet na pede ring makuha it speaks a lot kung gaano ako na acknowledged nila. Speaks a lot for my overall skillset. It sets me apart from the rest especially sa mga peers ko sa eksena.
Yung paramdam ko nga ay parang Uprising na din ako haha sobrang welcoming din ng mga nakasama kong mga emcees. Di ko siya masyadong iniisip pero ngayon na sinasagot ko to, di parin ako makapaniwala na nasa certain level na ako. Bilang fan lang ng mga ito, who would've thought. Uprising yan eh.
14. Aktibo ka pa bang nanonood ng FlipTop? Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?
Since day 1. Lately yung paborito kung emcee si Sayadd. Mas naging fan ako sa kanya nung Ahon 12 against Tweng. Medyo iniincorporate ko nga yung style nya sa dalawang laban ko sa Rapollo (soon to be uploaded pa). Iba naman talag yung gingamit kong stilo pero yung enerhiya na dinadala ko ay nakukuha ko kay Sayadd. No mercy sa kalaban eh haha ganung klaseng enerhiya, sigawan hanggang ma bingi.
15. Ano ang mga maaasahan namin sayo sa mga darating na buwan at taon?
Sa ngayon, baka singles lang o kung pede diretso nalang sa album. Konting pahinga lang din sa pag release at focus lang sa pag gawa. Pero one thing I'm sure is I'll always exceed the expectations, gagalingan ko lang palagi. Abangan nyo hehe
16. Ano ang maipapayo sa mga nagsisimula palang sa larangan?
Tuloy lang, kahit cliche siya pakinggan pero that's the only way eh. Work ethic din, di mo ma master ang craft mo if you won't work on it. Wag kayong tamad kung gusto nyong gumaling. Lahat ng iniidolo nyo dahil sa sobrang lupet ay nagsikap lang din sa kung ano ang nakikita nyo sa kanila. Be with the right people, execute the right execution. At kahit gaano pa ka walang kwenta ang buhay, wag mo yan itigil.
(Photo by: Kurbada Lifestyle)
Pakinggan ang iba pa niyang mga obra sa Spotify pati sa kanyang YouTube channel, Syempre, wag niyo din kalimutan sundan ang pahina niya sa Facebook para maging updated sa mga susunod na plano niya. Salamat kay Mistah Lefty para sa kwentuhan at salamat sa inyo sa paglaan ng oras para dito. Patuloy natin suportahan ang mga lokal na emcees!