Sila ang kadalasang unang nababanggit kung usapang hip-hop sa Rizal. Mula sa Binangonan, kausapin natin ang grupong Tha Green House.
Sobrang lakas ng eksena ng hip-hop sa Rizal ngayon at itong grupo mula sa Binangonan isa sa mga dahilan kung bakit. Litaw na litaw ang impluwensya ng old school sa kanilang tunog pero hinahaluan nila ito ng mga modernong elemento. Iba-iba rin ang stilo ng bawat miyembro kaya mas lalong nagiging epektibo ang mga awitin nila. Isa sila sa pwedeng gawing batayan kung pano maging isang solido na pangkat.
Binubuo nila Frooz, Tha Black G, Hollow Point, Jetpack JB, Just Kidding, Albino Cannabino, Ardenground, One Thug, at Uncle C, ating alamin ang kwento ng Tha Green House. Paano sila nabuo? Kumusta ang galawan sa lugar nila? May balak bang bumattle yung iba? Ilan lang ‘to sa mga sasagutin nila dito sa bagong edisyon ng Crew’s In. Simulan na natin…
1. Kailan at paano nag-simula ang grupo niyo?
2013, championship run ni Frooz at Elbiz sa Dos por Dos. Nagpapraktis sila dito sa Binangonan. Mabilis na usapan organic talaga kasi since 2010 magkakatropa na rin kami sa rap scene.
2. Bakit Tha Green House ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?
Matagal na kaming mag kakatropa sa rap scene bago namin mabuo ang grupo. Kaya Tha Green House dahil para kaming isang bahay na kapag naglabas ng produkto ay organic. Kung ano ang napoproduce namin ay natural ang pagkakagawa.
3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?
As individual iba-iba influences namin pero pag magkakasama kami sa studio kadalasan may halong Westcoast/G-Funk ang lumalabas. Yun kasi ang genre na walang umaalma
4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?
Mag-enjoy, gumawa ng kanta, magshoot ng music videos.
5. Sa dami ng mga grupo at kolektibo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?
Siguro kami ang pinakaconsistent, sa sobrang daming grupo dito karamihan nagdidisband tapos reunion na lang. Kami laging meron kasi parang pamilya na din kami. Bonding na namin nakatambay sa studio
6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo?
2016 Greenfiles
2020 Greendependence Day
2021 Jungle Juice EP, Lock'd Up EP ni Just Kidding
Tsaka mga singles at music video
7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?
Magproduce ng madami pang kanta. Madami kaming parating na EP, album, singles, music videos at events
8. Sa pananaw niyo, ano ang estado ng Pinoy hip-hop ngayon?
Mas lumawak na at mas madami na ngayon ang nag rarap.
9. Kumusta naman ang eksena niyo sa Binangonan? Aktibo din ba ang hip-hop doon?
Aktibo at madaming magagaling hindi lang nabibigyan ng pagkakataon.
10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?
Salamat ng marami sa inyo. Isa kayo sa dahilan kung bakit hindi kami tumitigil.
11. Para kay Frooz, matagal ka nang lumalaban sa FlipTop, kumusta naman ang experience mo dun? May balak bang lumaban din ang ibang mga miyembro niyo?
Frooz: So Far, So Good naman ako sa battle rap scene gutom paren kahit papano kahit marami ng bagong emcees, masaya ako na nagkaron ako ng chance makabattle sa #1 rap battle league sa buong mundo. Sa mga kagrupo ko naman sa Tha Green House mas naka focus kase kame sa music eh, tingin ko wala pa sa kanilang napapa isip sumalang sa battle rap.
12. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?
Mahalin nyo ang ginagawa niyo at wag kayong titigil.
13. Ano naman ang payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop?
Frooz: Sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa fliptop wag nyo lang hintuan ang pangarap nyo at syempre kilusan nyo din, wag magsawang mag aral at wag magsawang mag adopt ng mga style para maging kasing lupit nyo mga idols nyo.
Wag kalimutang sundan ang kanilang pahina sa Facebook at YouTube para maging updated sa mga paparating nilang album, kanta, music video, at iba pang proyekto. Kaabang-abang ang mga plano nila! Maraming salamat sa buong Tha Green House hindi lang para sa kwentuhan, kundi para sa patuloy na paggawa ng kalidad na musika. Tuloy lang ang hip-hoppan! Magkita-kita ulit tayo sa susunod na kabanta ng Crew’s In.