Crew's In

Crew’s In: Riding In Thundem

Isa sila sa mga grupong hinahangaan ngayon sa Rizal. Halina’t kausapin natin ang Riding in Thundem!

Anonymous Staff
June 02, 2022


Dalawang makata mula sa Floodway ang nag sanib pwersa upang ipamahagi ang kanilang agresibo na istilo. Pagkatapos mag labas ng ilang mga awitin at mag tanghal sa mga local na event, agad silang nakilala sa eksena ng hip-hop sa Rizal. Aktibo pa rin sila ngayon at mas lalo pang dumadami ang mga humahanga sa kanila.

Para sa bagong Crew’s In, alamin natin ang kwento nila Crhyme at Rizkie o mas kilala bilang Riding In Thundem. Paano sila nabuo? Sino ang mga nag impluuwensya sa kanila? Bakit sila nag rarap? Ilan lang yan sa mga sasagutin nila sa interbyu na ‘to. 

1. Kailan at paano kayo nag-simula at sinu-sino ang mga kabilang dito?

Nag simula kaming dalawa noong 2010, hindi pa kami magka kilala at hindi pa kami Riding in thundem, nag simula kami sa pa-kinig kinig at pa-masid masid lang sa mga naunang rap artist dito floodway, madalas kaming magkita sa mga hiphop event, sabay din kaming naging parte ng grupo ni LEFT EYE BLIND na ARMR4, nag umpisa sa mga iilang collaboration hanggang sa na tripan naming sumali sa mga amateur rap competition bilang duo, at noong napabilang kami sa bahay katay ni abaddon napag desisyon namin na RIDING IN THUNDEM ang i-rehistro na rap name, sa kadahilanang wala lang.

2. Bakit Riding in Thundem ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?

Siguro dahil dalawa kami kaya nandoon ang TANDEM at putok ang mga balita noon tungkol sa RIDING IN TANDEM, pero ang pinaka totoo nyan ay walang kahulugan ang pag pili namin sa bansag na RIDING IN THUNDEM at sinadya naming THUNDEM ang spelling imbis na TANDEM.

3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?

Tech n9ne, Strange music, Token, Nf, Hopsin, Eminem, Joyner Lucas, Vinnie Paz, R.a The Rugged Man, Gloc 9, Left Eye Blind, Smugglaz, Mga local artist ng Rizal.

4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?

Ang mangupal ng mga pabebe, culture vulture, mga opurtunistang gustong pagka perahan ang mga artist, walang respeto sa oldschool, walang respeto sa new school, feeling hustler, panay love song na may sintunadong chorus, bobong fans, panay tanong kung kelan yung event kahit nakalagay na sa poster, lahat ng kupal na hindi pa din sibilisado, imunulat namin mga talukap nyo.

5. Sa dami ng mga grupo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?

Kaya naming gawin mga ginagawa nila, pero hindi nila kayang gawin mga ginagawa namin.

6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo? 

Madami kaming music at free beats sa YouTube channel namin, eto ang link.

7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?

Patuloy sa pag gawa ng music na bihira nyo lang marinig sa ibang artist, dahil experimental ang music ng Riding in Thundem.

8. Sa pananaw niyo, ano ang estado ng Pinoy hip-hop ngayon?

Sobrang lakas kumpara noon, sobrang daming pintuang bukas at abot kamay para sa hip-hop, nga lang mas maraming unggoy at culture vulture.

9. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?

Mag tiyagang mag simula sa pinaka mababang level, mag handang mag sakripisyo ng oras, pera, dugo, pasensya, tigasan ang dibdib at mukha, lunukin ang pride kung kinakailangan, wag mahihiyang magpaka totoo.

10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?

Enjoy lang kayo sa music namin, roller coaster ride tayo. halo halong emosyon ang madadama nyo sa iba't ibang kantang ihahain namin sainyo.

11. Ano ang tingin niyo sa mundo ng battle rap? 

Timbangan ng husay o battle arena ang battle rap, bawat individual artist ay may kanya kanyang style at istilo na hinasa, pag pumasok ka/ikaw/sila sa mundo ng battle rap, dun lang malalaman kung sapat na ba yung talim mo o sapat na ba yung bigat mo para higitan ang katunggali.

12. Ano naman ang payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop?

Aralin ang hip-hop, aralin at kabisaduhin bawat sulok ng industriya, galingan sa bawat gawain hindi lang sa hip-hop pati sa tunay na buhay, at ang pinaka mahalaga mag tiwala sa proseso.

Kalalabas lang pala ng music video nila ni Zaki na pinamagatang DAY1Z. Panoorin niyo yan! Maliban sa YouTube channel, pwede niyo ring sundan ang kanilang pahina sa Facebook para updated kayo sa kanilang mga susunod pang proyekto. Maraming salamat sa Riding In Thundem para sa oras pati sa patuloy na pag angat ng Pinoy hip-hop.



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT