Album

Todo Sunugan (feat. Heavenly Host, Target, Datu, NothingElse, and Rijah)


Batas EP
Batas
Producer: Batas
2010

Malachi:

Kami'y nagtipon-tipon sa isang salo-salo

Para pag piyestahan ang labi ng matatalo

Sunugin ka nang todo sa harap ng iyong pinuno

Pamalas ang lakas na nagmula saking ninuno

Simulan na ang laban lirikong paligsahan

Sandatang binabato sa puso ng kalaban

Naghahasik ng lagim parang kampon ng kadiliman

Istilong nagaapoy na nagmula sa kailaliman

Salita ko’y banal parang bigkas ng propeta

Nilalaro ang isip mahiwagang propesiya

Mensaheng di kayang ipaliwanag ng siyensya

Isang katotohanang babagabag sa konsensya

Na kami ang bangungot na gigising sa tulog

Mga taong naloko kaya sa bitag ay nahulog

Mga prutas na pinatas kahit hindi pa hinog

Ihanda ang sarili sa malawakang panununog

 

Target:

Ngayon ay aking susunugin lahat ng iyong hinanda

Ang dadanasin mo sa akin one to sawang plakda

Ito ang nakatakda ang yabang niyo aking putulin

Pagkat husay ko sa larangan hindi niyo kayang habulin

Kung trip makasiguro sukatin aking taktika

Bawat bitawan kong tugma parang pinuputakte ka

Sakin makaka saksi ka, kalaban di lumagpas

Kasabay mo rin tumumba aking mga tinagpas

Iba ang aking antas hindi ako mauubusan

Dinudura kong salita sa iyong katawan magtatagusan

Ang kayabangan mong taglay sa letra ko nilublob

Tinatanggap mong galing sakin walang humpay nasubsob

Ang grupo ko ay Double Cross, DC Clan Familia

At kung tawagin ako’y Target makatang guerilla

Kung ganyan lang kababaw ang kalidad hindi na bali

Pag kami pinagbatayan ng lupet di ka kasali

 

Datu:

Todo Sunugan susunugin to ng todo

Mas mabangis pa sa dragon ng komodo

Bastusan na ito tawagin niyo kong walang modo

Kung hindi ka nag isip ang tawag ko sayo ay bobo

Kung puro hangin na ang ulo tawagin natin lobo

At walang hihinto di ako pe-preno

Mainit pa ito sa apoy ng impyerno

Hindi kayang awatin ng kahit ilang bumbero

Ang aking katagang tumataga parang katipunero

Pero ito'y katotohanan parang nangungumpisal

Bihasa sa pagsusulat na para bang si Rizal

Lirikal ang banatan di niyo kayang tapatan

Heto ang aking barko at ako ang kapitan

Nasaan na ba ang mga nagyayabang

Gusto mong maging mabango ikaw ay masangsang

Pati ang nanay mo ay akin ng nakang-kang

 

NothingElse:

Wag ka nang magbalak na tumapak sa entablado o humawak ng mikropono

Di to para sa mahihina ang puso ito ay basagan ng bungo

Pugutan ng ulo tutulo ang dugo magmimistulang parang ulan

Sa hina ng istilong hinaharap bumalik ka na sa iyong pinagmulan

Sino bang iniidolo mo mga napapanod sa telebisyong na walang kakwenta-kwenta

Putaragis para mong binebenta ang yong kaluluwa isa kang puta

Baka makalimutan kong buhay ka’t ilagay sa ilalim ng lupa

Para kang tuta ng gobyerno dadaalin kita sa impyerno

Ako’y isang AMPON wala kang binatbat sa pagtitipon ng mga walang kupas

Otso laban sa lahat parang di patas talo kayo kahit kasama mo ang kampon ni Satanas

Kahit pa sabihin ng masa na ikay sikat lalamunin ka pa rin ng aking anino

Kami ang mga lirikong bandido

 

Rijah:

Panapat ko sa bakal ang kinakalawang na matalas

Ilang taon babad sa lambanog mula Batangas

Inutil ay kinitil gamit yamang likas

Pinalambot ko ang mga buto ng mga nagmatigas

Nilunod sa kumukulo kong dugo nabanas

Mga talim pinurol, eskrima niyo binuhol

Mikroponong sinalisihan lahat nagkabukol

Ala eh bara ka na, basag kapag kumana

Metikulong lirikong nilatag ay sinakla

Bumuhis at humamig ng gintong panabla

Makapangyarihang medalyon kahit isilid sa bulsa

Sa sarili mong mundo ako ang kontrabida

Binubunot ko lahat ng tanim na malalim

Lalantahin, sisindihan hihithitin

At sa pagka-buga alam mo nang resulta

Ika’y mapaparalisa di ka makakahinga

 

Apoc:

Ako’y nasasabik sa pag patak ng dugo

Sino man ang hahadlang ay basag ang bungo

Lumilikha ka ng tula ha baka gusto

Mong maging Apolinario makatang lumpo

Sagad sa buto tulad ng pang sagupaan

Akin na kwaderno mo at aking tatamuran

At wag subukan ang pangkat na pinakamalakas

Parang hinamon mo na rin ng patayan si Satanas

Kaya kapag sumabay ka pa samin sa gera

Biitin patiwarik gamit kadena

Sa poste diyan sa bangketa

Sabay pupugutan ng ulo gamit kalawanging lanseta

Ang aming bandera ay panghabang buhay

Kinagagalak ko na mailagay ka na sa hukay

Mensahe mula sa demonyong mandirigma

Ano sasamba ka na pare tangina ka

 

Batas:

O ano kayo ngayon, Todo sunugan!

Ito ang inyong kamatayan!

Ito ang inyong katapusan!

Kailanman di ko kinailangan ang inyong palakpak

Mas matutuwa pa ko kung kayo’y aking masaksak

O kaya mabali ko kada buto ninyo

At aking pa nga ngat-ngat ito sa mga aso

Pugot niyong ulo, ako’y mapapa-ngiti

At ang mga bangkay niyo maliligo sa ihe

Karumaldumal ang mga bagay na naiisip

At ang inyong kamatayan, ang tanging panaginip

At kung ang pananaw niyo sumosobra na ako

Susunugin ko tahanan niyo habang tulog pamilya niyo

At kung ako’y mangarap na kulang pa yan

Pwede ko pang lasunin ang inyong buong angkan

Kaya kilalanin niyo, sa ngalan ng Batas

Biglaang lalambot kahit sino pang tigas

At heto lang kailangan ko labing anim na linya

Para tiyakin ang pagpanaw ng lahat ng mahihina

 

Dhictah:

Eto ay todo sunugan, wag ka nang magtangkang lumaban

Hindi ka aabot kulang lang kasanayan

Gumagamit ng pero upang makamit lang ang kasikatan

Wala tayong magagawa yan ang kinagisnan

Sa larangan, kayo ay buburahin

Sa pagkat sa industriyang ito wala kang kakainin

Istilo mong bulok akin nang dudurugin

Misyertong nababalot unti-unti kong babasagin

Ang sariwang hangin, akin nang sinasalubong

Patungo sa aking landas, kasama ang Batas

Hindi aatras mataas ang aking antas

Manahimik na kayo istilo ko ay pipiglas

Ako ang diktador instrumento ay panulat

Iniwan niyong sugat ay akin ng gagawing peklat

Sino ba dapat ang tunay na karapat-dapat

Sunog ang lumapit talento niyo ay di sapat

 

Scratches by: DJ Lamok



OTHER LYRICS

Heartbreaker

Heartbreaker
Mobbstarr
2011 Single

Anygma vs Greeley (Anygma's Rounds)

1OUTS: Rampage
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

Can You Keep A Secret

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

PNE

Rowena
Because
2019 Album

Curtain Call

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

FEATURED ARTICLES