Album

Monday (San Na?)


Ikugan
Calix
Producer: Serena DC
2018

"Gusto ko ng bago sa buhay ko"

Yan ang madalas kong sinasabi, habang nag bubuntong hininga

Di ko alam kung bakit hindi ako mapakali kahit nakapwesto na ang pasimula

Binubuksan ko parin ang aking bintana

Nag aantay

Habang inaantay din ako ng mga maari kong maiwan

At sa pag silip, ako'y binati ng tagapag dala ng apoy

Liwanag na nakaka-akit, inimbita akong umalpas mula

Sa kastilyong pinag-hirapan kong itaguyod

Masisi mo ba ako?

 

 

Napakarami kong gusto sabihin sayo, di ko ma-atim na iniwan mo nalang ako

Habang nag dudusa, hinintay magkusa hihilom din ako at titigil na mag-luksa

Pero bakit ganito?

Ano nga ba ang hugis ng pagktao ko sayo?

Nasa pedestal ba ako't di tatablan ng panibugho?

Sa sinapit ng ating pag-sasamang minahal ko nangg todo

Alam mo naman na tayong dalawa lang ang tanging mundong tinuturing ko

Di ko alam ang gagawin habang gumuguho na lahat

Naka piring ang mata at labi habang ikaw lang ang nag sasalita

Tumatakbo sa isip ko ang mga landas na nilakbay nating pareho

Habang ang puso ko'y takot na takot, ano nga ba pagkatapos nito?

Mga yakap at halik napalitan ng malamig na pader

Ang lasa ng asukal, lasa na na ng bakal, alam kong sa loob may tumutbong kanser

Sa pag tingin sa salamin ay may tanong, ano nga ba ang kailangan kong gawin?

Aakuin ko nalang ba? Aaminin ko nalang ba? Na sa huli ako rin may salarin?

Bakit di ko kayang magalit sayo? (4x)

 

Sa dami ng dahilan, di ko na matandaan kung san nag simula

Sa dami ng usapan, di ko na naririnig a ng mga salita

Umaapaw na damdamin, kinakapos pa din

Marupok na tulay, natatangay ng hangin

San ba tayo sumablay? Tinatanong mo din?

(Pano ba nangyari 'to?)

Tayo'y nag-layag patungo sa karagatan

Ang gamit sa pag-sasagwan nating mga karanasan

Inakala natin na malayo na nararating

Sa dami ng mga bagyong di tayo napipigilang

Umabante, sa isa't isa naka-depende

Nakalimutan na, hindi to permanente

Kahit gano katigas, pag hindi nag iisip

Higpitan mo man ang hawak ay tiyak mahahagip...

Ng hangin

Kailangan din naman kasi aminin

May pagkukulang ako, at nagkulang ka rin

Di mabubuo kung tayo'y di nakatingin

Sa parehong direksyon, at panay pag-puna

Sa isa't isa kahit na may naka-ambang

Delubyo, na kailangan nating harapin

Pareho, tayo'y tuminhin sa salamin

Tanungin mga sarili kung bakit ganito?

Kung bakit humantong sa mga puso na durog

Kung bakit bumagsak sa kaunting alog?

Kung bakit hinintay pa natin tayo'y ma-untog

Klaro na ba?

Napatawad na kita sarili ko hindi pa

Bigyan natin ng oras ang isa't isa

Hulmahin ang mga piyesa bago natin ipagsama

Bakit di ko kayang magalit sayo? (4x)

 

Wala namang kasi talagang madali na daan

Pero lahat ng 'to ay tiyak na may dahilan

Kailangan lang imulat ang mata sa katotohanan

Malamang sa malamng makikita mo rin ang paraan

Ang paraan (Wala namang kasi talagang madali na daan) (4x)

 

-----

 

Maraming kasalanan ang tito mo, iho

Pinalalampas nalamang ng Tita Berna mo

Tulad ng ganito ganyan, at yung iba pa dyan

Kahit pala ang Tita Berna mo, ay mayroong hangganan

 

Chorus (2x):

Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito

Minahal ko lamang ang Tita Berna mo

 

Iisa lamang ang hiling ng tito mo

Ito ay pagbigyan muli ako ng Tita Berna mo

Umuwi na sana siya't ako ay tabihan

Ako na ang magluluto, maghuhugas ng pinggan (ahh)

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Sa dinami-dami, sa dinami-dami

Ang dami-daming tita sa mundong ito

Sa dinami-dami, sa dinami-dami

Ang daming, ang dami-dami

 

Monologue:

Berna, mahal na mahal kita

Sana'y bumalik ka na sakin

At wag na akong iwanan pagkailan pa

Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito...

Minahal ko lamang, minahal ko lamang

 

Outro:

Sa dinami-dami, sa dinami-dami

Sa dinami-dami ng tita sa mundo..



OTHER LYRICS

The Life

The Life
Jid Durano
2014 Single

PUGON

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

Sanctuary

Favorite Life
Jon Protege
2024 Album

Nahas

Deafening Earthen Tones
Calix
2020 Album

Cherry Blossoms (feat. Rayneman & Soupherb)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

FEATURED ARTICLES