Hip-Hop Events

Para kay utol Romano!

May parating na event para kay Romano ngayong Huwebes. Tara na!

Anonymous Staff
February 17, 2025


Sa mga hindi pa nakakaalam, merong pinagdaraanang malubhang sakit ang FlipTop emcee na si Romano. Nasa ospital pa rin siya at umaasang gumaling na para makauwi sa kanyang pamilya. Dahil sa umaapaw na bayarin, nangangailangan siya ng ating tulong. Gagawa ang Cabanatuan Hiphop Movement ng isang event for a cause na pinamagatang BANGON.

Gaganapin ito ngayong Huwebes (ika-20 ng Pebrero) sa Bakud Restaurant sa Cabanatuan City. Magsisimula ito ng 1 PM at matatapos ng 3 AM. 250 pesos ang halaga ng regular ticket habang 500 naman para sa VIP. Grabe yung lineup! Magtatanghal ang ilan sa mga emcees ng FlipTop pati mga lokal na talento. Nandito rin ang Spityobars PH para sa mga gustong bumanat ng kanilang mga bara sa video. Maliban sa hip-hoppan, magkakaroon pa ng mga pa-raffle na damit at tattoo. Maglalatag din ng merch ang ilan sa mga tropa nating clothing line. Lahat ng kikitain ay didiretso sa mga medikal na gastusin ni Romano. Para sa mga taga Cabanatuan o yung mga malapit na lugar, tara na sa Huwebes!

Para naman sa mga hindi makakapunta, huwag kayo mag-alala. Pwede kayong mag-alay ng inyong donasyon sa GCash ni Romano. Nakalagay sa poster ang numero. Kahit anong halaga ay malaking tulong na sa kanya yun. Sa mga relihiyoso o espiritwal, isama niyo si Romano sa inyong mga dasal. Hindi biro ang nararanasan niya ngayon.

Nakapasok si Romano sa liga nung taong 2014 at nakilala agad siya hindi lang sa kanyang agresyon at sobrang creative na mga linya at anggulo kundi pati sa kanyang husay sa pagbalanse ng freestyle at sulat. Siya ay finalist ng 2015 Isabuhay at semi-finalist naman ng 2017 Dos Por Dos kasama si J-King. Kapag merong siyang laban, asahan niyong yayanig ang buong venue at maraming tatatak na linya. Kapit lang, utol Romano! Magpalakas ka. Sa mga fans at tropa, magkita-kita tayo sa BANGON!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT