Album

Theos (feat. UPRISING)


Strange Weather in Manila
Kensa
Producer: Kensa
2023

I (Plazma):
Ito'y parusa na mas marahas pa sa pagsakal ng lubid Aming presensya ay magpapakulo sa banal na tubig Kami'y berdugong nakakapote, ika'y mananahimik na Kapag umatake, garantisadong walang matitira Malawakang sabotahe na hinding-hindi maduduplika Eksperto sa garrote kaya makapagpigil hininga Anumang stilo ay papaslangin, mapa-moderno o luma Koponan ng Kamao ang bangungot ni Pedrong Krugga!

II (BagongBata):
Yo, Bagongbata sa kasalukuyan, mga hula at katuparan Mga letrang nagliliwanag na siyang sisilaw ng mangmang Linyang aking nilalatag, bibiyak at maghihiwalay
Ritmong mag-aalog na parang lindol sa mga isipang naliligaw Himig ko'y dala'y delubyo na maghuhugas ng mga kasalanan
Mensahe ay may dalang baha, pupuno sa paniniwalang kulang-kulang Mga awit ko'y may handog ng punla at kamatayan
Gumugunaw ng kabuktutan, nagluluwal ng katotohanan

III (Anygma):
Patingin-tingin lang kung sakali
Bingi-bingian sa mga hiling at pananalangin Minimithi at binabawi, iniisip, sinasabi
'Sing-dali ng pahagingan, simpleng ihip ng hangin Nakakapanliit na paghihiganti at paghihigante
Habang pinipilit na 'kay iniibig sa makasariling diskarte Mang-aalipin sa halip na linisin ang pinanggalingang imahe At pipiliin sa tanging hilig kung sinong mapapa sa
Amen

IV (BLKD):
Ang ulo ng dulo, ang walang hanggan Ang ano ng paano, ang utos at dasal Poong patotoong sa Pagano ay sampal
Ang sagot sa tanong na nagpasuko sa agham
Kalam ng kalamnan, nagkatas-kaalaman Dunong at dugong sumugat ng kasulatan Pampalawak-pananaw, talas ng kamulatan Pagdilim ng paningin, wala nang paliwanagan!

V (KJah):
Patikimin ng bala't dura ang dapat sa balahura Ang bara ko at pluma, pambura sa balatuba Astang dambuhala, tamang i-ngudngod sa burak Mag-ibang ruta o bumalik nang may luha sa kuta (Malalim ba?) O baka nasanay nang makinig sa
Mga tangang walang ibang ideya sa kung pano bumuga maliban sa ilusyon nila
O baka isa ka sa nautong para sa kanila ang delikwenteng patakarang agarang ipinasa Karapatan nati'y ginagahasa, dahil sa tulad mo na bobo
Magbasa ka nga!

VI (Tatz Maven):
Yo, yo, YAWA Yo
Kung puta itong buhay, papatayin ang kanyang bugaw
Para siya ay mapasa ‘kin, aasawahin hanggang magunaw ang mundo Para diyan pa rin ako sa bawat paglugmok niyo
Tatawanan nang buo
Kasi kala nauto niyo ang Yahwehyawa Dugo ay lawa
Walang awa Walang awat Walang sawa
Sa pagsalang hanggang sa
Lahat ng pwedeng pinsala ay matamo
At ako na ang tawag sa takot sa mata mo

VII (Apoc the Death Architect):
Tanggal yang yabang mo kapag bumangga ka sa Kampo ng Kamao 
Mga dala mong sundalo ay burado, sigurado, mala-Mamasapano 
Mga tupa’t mga tuta ay nabulag kaka-ungkat niyo sa burak
Kaya mga utak na makupad, ‘di masukat aming sulat na pang-upak 
Wala ipantatapat sa mga alamat sa paggamit ng tinta (tinta)
Kaya pala abala ang mga tanga sa pakana’t pagpapabida (bida)
Lahat ng panggap sa pag-rap, masarap pagtirikan ng mga kandila (dila)
Pugot ang mga ulo na mga nagbabalatkayo pag gamit namin talas ng dila! (dila)

VIII (Batas):
Batas!
Kung ginagalawan n’yong eksena, laging nakadepende Sa kasikatan at pera, mas dadami mga peke
Mga nandito para gustuhin hanggang sa pwede Ako’y nandito dahil ’to’y pagrerebelde
Kamay sa puso pero ‘di ito panata Dibdiban ko ng suntok, kamao tiyak tatama
Malabo kayong maghari parang kulang ang baraha Korona ang hangarin kasi sakto sa panlasa

IX (Goriong Talas):
Linyahan ay diamante na di kayang patidin Bali gamit na lapis, pag sumulat madiin Nagpalit-anyong dating hayop sa paningin
Pag kasama mo’y halimaw, da’t halimaw ka na rin! Goriong bastunero, sabik sa tuwing tatakal Nagpatubo ng kalawang sa kamay na bakal
Sa pag-ikot ng mundo, ito yung nagpabagal
Kung may liwanag ang buhay, kami ang sasagabal

X (Kemikal Ali):
Magdasal ka na sa Diyos mo!
Sakaling 'di ka pinatawad ng mga nuno du'n sa punso Bago tumigil ang paglukso
ng malapot mong dugo kapag lumalapit na ang tukso Pabugso-bugsong galit, 'di ginusto
Kasi nga tao lang, ang pang-unawa ay nalumpo Hindi ka bagong sibol na sumulpot sa mundo Perwisyo ka parang tumor, hindi agad masugpo!

Scratches (DJ Arthug - Kensa):
UPRISING! UPRISING! UPRISING! UPRISING!
Koponan ng Kamao! Koponan ng Kamao! Koponan ng Kamao! Koponan ng Kamao!
 
XI (Redrum):
Sa banal na aklat nasusulat: katawan ng tao'y sagradong templo Kaya birhen ang alay sa 'kin ng handang mag-ambag sa kultura Lahat magbubunga pag may basbas ang pinagpala
Sa hukay aagnas kalaunan, pataba lang sa lupa Natutulog ba ang diyos? Mahimbing at parang mantika Nagtetengang-kawali 'pag taimtim dasal mo sa misa Nagtirik ka pa ng kandila, 'di napatawad
Pagpanaw, naging isang kaluluwang ligaw Na walang narating sa rap

XII (Ilaya):
Walang Diyos, walang demonyo: ang meron ay ako Walang sinasanto, pinupugutan ko ng ulo Kinakalas ko ang kalansay ng hindi sumusunod Tinataningan mga peste nang maubos na ang salot Sampal ko realidad na magiging kapalaran
Biro ko'y tadhana at landas na gagapangan
Nanununog ng konsensya sa apoy na walang hangganan Nagbigay ng buhay upang dalhin sa kamatayan

XIII (Kregga):
Ako'y naging panginoon sa pinili kong landas Naging mapagmatiyag, bawat bakas sa lupa at taas Aking naging taga-sunod: mga sangganong pantas Hawak-hawak palakol at puro sarado ang balbas Baluti: balat ng toro!
Pang-huni: buto ng lobo! Kapote: ulo ng oso!
Kawangis: tabon na tao!
Ginawa ka lang panggatong para lumiyab ka hoy Sa dilim mo makikita kagandahan ng apoy

XIV (Sak Maestro):
UPRISING
Tangina n’yo!
Ang hari'y kumakain ng ubas
‘Yung prutas ay inani pa nanggaling kay Hudas Pinanghawak pa ng kawal mga kamay niya na bakal Pero yung pinagbabawal pala tanging panglunas Sinabing may bukas?
Pwes, ako si Almabat, nagbalik para magbigay lunas Nabiyaya si Bathala ng kapangyarihan panglikha sa kasawian Kaso utin ko ang panakip-butas
Ang aking pamunas? Puta, buong sanlibutan Pinaghahalay tapos tinamuran
Ang aking sumpa’y walang humpay na libog pati kahayukan Ginahasa ko ang kahayupan
Hangad ko’y babuyan, walang respeto Hayop at insekto’y, ginawang remedyo Saka na ‘ko titigil at makukuntento
Pag nakantot ko na ang putang gobyerno

XV (Emar Industriya):
Ibubuod sa isang dangkal na babasahin Makakalaya sa koral sa pagsapit ng pagsingil
Sa pag-iisip na impakan tapakan ang baga sa talampakan lawakan Kung mahahawakan maging ang kalayaan ay nagkamatayan!
Sa tindi ng pagkaka-bigti 'Di na tumindig ang igting Pabalik ka mang kumanti
Bangungot sa idlip ng pumikit ay hindi na nagising Magkasing tunog ang mga tulog na inakala'y hubog
Nasulasok sa usok silang nagsusunog, pinag-uuntog at kinulob Ibubuod na naman
Luluhod ang bumubukod sa kamaong patalop ang taludtod Malamang sa malaman, kaalaman ang patamaan

XVI (Kensa):
Sa pagsasalubong ng langit, lupa, impyerno Ito ang paghuhukom mula sa mga supremo Susunugin ang kaluluwa
Bago pa makapatak ang luha, ang mga mata'y nakaluwa na
Bibitayin nang patiwarik ang mga kumikitang-kayamanan sa pakikipaghimagsik Dagat-dagatang apoy, walang panaghoy, tiyak dugo n'yo titilabsik
Puro pa kayo mga nagbabait-baitang unggoy na lulong sa kapangyarihan Na mas adik pa sa adik na may kinaaadikan
Tokhang! Aabutin n'yong mga hari-harian
Kaya matauhan na kayong mga nagpapanggap na diyos Maghanda sa pangil ng lobo
Mga alagad ng sining ang magtatatag ng bagong soberanya ‘To ang aming pagbawi ng trono!



OTHER LYRICS

Galactica (feat. JedLi and Raw MF)

INVERSE
RBTO
2012 Album

Roulette

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

Sakto Lang

Evolution Mixtape
Dello
2009 Album

Zero F*cks

Yours Truly
Kris Delano
2024 Album

Tula

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

FEATURED ARTICLES