Single

Dear Kuya


Dear Kuya
Krazykyle
Producer: Beatshop
2008

Chorus:

Dear Kuya! Salamat sa inspirasyon

Sa pagtatag ng pundasyon ng hip-hop mula noon

Hangang ngayon, Philippine rap is alive

Sama-sama tayong lalaban, hip-hop will survive

I just wanna thank you for everything that you’ve done

The godfather of hip hop, I'm one of your sons

I got your back, you’re the reason why I am who I am

The one and only king of hip-hop, Francis M

 

Verse 1:

Kuya Kiko, kamusta na? Hope you’re feelin alright

It’s been a while since we talked so I decided to write

Salamat sa inspirasyon sa pagtatag ng pundasyong

Ginaya ko sa pagtaguyod ng aking Rapskallion

Ewan ko kung iyong nalaman 

Marami nakong natanggap na karangalan

At sa aking tahanan 

Nagkalat ang plaque’t tropeyong aking tanging kayamanan

Bunga yan ng isinulat mong "Mga Kababayan"

Na minemorya ko nung bata ko, that track is just great

Pineperform ko yan pag birthday ko, I got in on tape

Ikaw ang idolo mula pagkabata

Adik sa basketball nung 2nd year, I switched careers, ako'y naging makata

At nangarap na sundan ang yapak ng alamat

We gotta face reality whether we like it or not

Ang hip-hop ay manghihina ngunit sa iyong gabay

Mabubuhay ulit ang hip-hop sa Pinas, mag-iingay

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Pinanganak si Carmelo, ikaw ang unang nagsabing 

Kaya mo yan, congratulations man, you now a daddy

Salamat sa The Answer video, until this day

I can’t believe I have a video that Francis M made

Nang napaaway ako, tinawagan mo’t sinabi mong

Ikaw bahala at niliwanagan ako

Di sana’y wala parin akong pinagbago ngayon

Baka akoy 'di na sumikat, nagtatago ngayon

Nung first hip-hop awards, ako’y nag opening act

Kinausap mo ko sa backstage, you stated the fact

Na kaya kong bumangon kahit na ilang lagapak

Tama ka, ngayon I’ve won awards back to back

At ang tangi mong bilin

Ay wag na wag nang magbanggit ng pangalan sa mga awitin ko

Kuya wag kang magagalit, babanggit pa 'ko ng pangalan

Francis M’s the King, last na 'to!

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

On my first album, nagguest ka sa Spolarium

It was an underground legend, better than triple platinum

Kahit nagkalat sa pirata, sabi mo you can still be hip-hop

Even if you listen to Frank Sinatra

Kaya't ako ay naghangad ng ganto

Maging kagaya mong sikat na rap artist na tadtad ng tattoo

Pero sapat na ba to, I bet not, never

If someone tries to take your throne, that is not clever

I guess it's now or never, kaya sumulat ako

Sa tagalog rap dahil sayo namulat ako

Tinambakan ang hip-hop kaya't maghahabol tayo

And you're the point parang noon pag nagbabasketball tayo

Sa sponsorship na hiningi ko, sa FUBU sabi nila 

Walang problema, may basbas ka ni Kiko

Sa pasgsulong ng hip hop I am ready

Kuya it’s my turn to say this: Francis M, pwede!

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Hele (Wag Nang Lumabas)

Rowena
Because
2019 Album

Shehyee vs Sinio

FlipTop presents: Ahon 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

Nalulunod Sa Dugo (feat. Dosage)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Tears and Solitude

Tears and Solitude
Kiyo
2018 Single

Snowflake Obsidian (feat. Kidthrones)

Soully, Yours EP
Curtismith
2017 Album

FEATURED ARTICLES