RVRD:
Gusto kong pumara kung ang bara ko ay barabara
Kumpara sa obrang pwedeng ilathala sa pisara
Di ko inakalang kakasya 'to sa parirala
Di mo inakala?
Kaya kayanin kayabangang kayamanan ko
Wag mong wagayway at wagi na ako, wagas na 'to
Kangkungan ang hantungan, kangkarot pasikotsikot
Gagalaw kang gaga ka at gagapos pa ikotikot
Wag kang pasisigurong makakatakas ka
Dahil lalapit pa sayo, di ka nagtataka?
Sa layo ng mapupuntahan, huli ka parin
Dayo sa iba, mananatiling salarin
Manlalaban ka pa ba kung madali lang sumuko
Utak mo ay puno, di sigurado sa dulo
Tumakas sa lipunan, dahil wala ng lunas
Puso ay bukas na haharapin ang bukas
Calix:
Sinara, ang mata ay sinara
Sa katotohanang ang daan ay hindi sa kanya
Sinungaling bang matuturing ba si Sinatra
Sa pag-angkin ng landas, may kasunod na kakasa
Sa tahanan nya, naghahasik
Kagaguhan. Pumipitik
Nanlilisik ang mata
Na sinara namimintig
Ang puso na puno ng hinagpis
At pagsisi
Parang tenelovela sa TV
At pag sapit ng dapit hapon
Ay pilit na hinamon
Ang kahabaan ng pasensya
Sa pag pigil
Penitensya ang pag hanap ng pang uwi
Di mahagilap ng sawi
Ika'y hirap sa pagtimpi
Walang sarap na sing tindi
Kung maka-takas lang sa hinaharap
Alindog ng kalayaan ba ay nalalasap
Panibugho na lamang ba
Ang lumalamang sa lapot
Ng dugong bugbog sarado't
Hinaluan ng galit, poot
Nangangamba
Ano na ba?
Natatanga
Ano nga ba?
Pa-ikotikot lang kahit na pumiglas
Pa-ikotikot lang dahan-dahang natrintas
Sa rehas ng nakaka-walang muwang
Daan-daang nabubuuang
Ang isip mo'y lumulutang
Ang pag hanap, walang hanggan
Wag mong isiping nandyan lang
Kailangan mong ibuklat ang
Kokote mong tumutuklap sa takot
Nangangamba
Ano na ba?
Natatanga
Ano nga ba?
Pa-ikotikot lang kahit na pumiglas
Pa-ikotikot lang dahan-dahang umatras