Album

Tamang Panahon (feat. Raff E)


Kusina Mixtape
Droppout
Producer: Cayrawn
2016

Verse 1:

Yo wala na daw ako sa bakal na palutang lutang dun sa 

Karagatan ng Carribean kaya tapos na daw aking paglalayag

Mali ka riyan eto palang ang simula 

Ng tunay na paglalakbay halika at

Samahan mo ko abutin natin ang mga tala

Isama lahat ng gustong umangkas akong bahala

Basta handa ka sa mga matatangap na hampas parang dagat

Maalat, walang awat, sa pwet parang merong balat

Haluan mga letra ng panucha

Kasi kakain tayo ng napakaraming kutcha

Magbaon narin tayo ng pasensya na gabatcha

Hayaan lang kung sa tiwala satin ay barat siya

O siya halika eto ang patunay

Mga tunay at peke dugoy sabay-sabay nabuhay

Kung di ka sangayon sa musika na akin na binabaon

Tinakda kang kainin ng mga na leon

Ngayon mga lumang bago sa larong ito

Parang gamu-gamo sa apoy di na takot na maglaro

Natuto na sa mga nauna at umayaw

Mga pakpak na nasunog sa ilaw na nakakasilaw

 

Chorus:

Bubutasin ang iyong mga bulsa

At ayaw pa nila sayong pumusta

Ayos lang yun, kahit na ganun

Susubukan ikaw talaga ng panahon

Pero kahit na ganun ang naka takda

Susungkitin natin ang mga tala

Patuloy na babangon kahit na maalon

Tagumpay ay makakamit sa tamang panahon

 

Verse 2:

Kailan ba ko aatras? kelan ba ko lalaban?

Kailan ko ba mararating dulo ng bahaghari?

Ngayon eto na ang chansa ko sa larangan

Ibibigay ko na suntok na pang kampyon na mala Manny

Dati rati mala gitara kada linya kapa ko

Elementarya palang nagsimula na mag ensayo

Palihim mga plano, patikim sa mga tao

Pandiin na panibago, madiin pa sa sargo

Sakto kahit sa madilim asintado

Balewala na sakin panahon na pabago-bago

Mano mano sumagupa sa mga hayop sa gubat

Dala ko panggulat na sulat at pusong buo

Noong may sumubok sakin nanatiling maginoo

Nung mang apak na ang balak agad ko nang nilumpo 

Ngayong na ha-gilap ko na landas na tatahakin

Ama namin hangarin ko lamang ay ang mapasakin na ang

Tamang gabay, makasabay sa unahan

Magka pilay-pilay man patungo sa katanyagan

Kaya kung sawa ka na sa mga napakinggan

Eto na ang tamang oras sige kami naman

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Kaibigan kamusta tarat gumawa ng musika 

Para kultura mapanatili na humihinga

Game ako diyan kahit na panlaman tiyan lang

Ang pabuya sa bawat sa stage na nilalapagan

Oo naman kahit nga respeto lang ng madla

Kahit sa simulay mangangapa ako ay handa

Kapain ang adhikain musikang taglay ihain

Sa pinaka espesyal na paraan halika kain

Tara sige paganahin paandarin na ang makina

Itodo arangkada kahit la na munang pahinga

Teka wag natin kalimutan ang mga tropa

Na sumabay sa biyaheng to salamat sa suporta

At salamat din pala sa mga tao na kumontra

Kayo at ang hon-da katulong ko sa mga obra

Magwawagi ba tong mga batang lawlaw ang lonta

Makikita natin yan lahat sa tamang hon-pana

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro:

Pa-ra pa-pa pa-ra pa-pa

Pa-ra pa-pa pa-ra pa-pa

Sa tamang panahon, sa tamang panahon

Sa tamang panahon...



OTHER LYRICS

Where Ya From 3

Where Ya From 3
Tiny Montana, Lanzeta, Juan Thugs, Range, Sinio, Kris Delano, Hev Abi
2024 Single

Sleepwalker (feat. Wrathsol)

Sleepwalker
Mumu Salisi
2017 Single

DEXTER'S TRAP

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

BULAG.TA (feat. Sica & Sed)

BULAG.TA
Ne7in
2019 Single

Blood Propaganda

Blood Propaganda
Apoc
2010 Single

FEATURED ARTICLES