Album

Payong (feat. Perf De Castro)


POOT AT PAG-IBIG
Gloc-9
Producer: Goodson
2021

Bata pa lamang noon
Nang una kong madinig
Mga salita na tugma na galing sa aking bibig

Gusto ko ding maging ganon
Teka muna kaya ko ba
May maluwag na pantalon
Hiram ko sa aking ina

Taon na nobenta idos
Lagi akong nakakulong
Kahit sa silid aralan
Ako ay bulong ng bulong

Mataas na paaralan natapos kaya lumuwas
Tindahan sa may isetan
Palagi lang nasa labas

Baka masilayan ang hari
Kaso di ako pinalad
Kailan kaya mababawi mga taya ko na nilahad

Di uso ang bilangan
Basta kasa lang nang kasa
Kahit na mapag iwanan
Pilitin mong makapasa

Wag mong sisihin ang iba
Kung meron kang di naabot
Kapag katabi ka nila huwag kang masyadong malikot

Kasi nga siksikan sa jeep
Sa biyahe ng pagkamakata
Madami nang napabilib
Dyan sa mga maling akala

Mabalik tayo sa kwento
Sumali ako sa radyo
Masyadong daw ginanahan
Kaya hindi ako nanalo

Hanggang saking nakilala isa sa mga kilala
Ako'y ipinakilala aking silang nakasama
Kaso isa'y umalis dalawa kaming natira
Medyo di nakatiis kaya kumuha pa ng iba

Mga napagkasunduan sa ere napag iwanan
Sabi ko pera lang yan sabi niya diyan ka nalang

Akala ko ayaw ko na
Tila ako'y nadala
Hinanap-hanap ko parin ang sumulat ng mga tula

Kaya sinubukan muli
Hindi naging madali
Para bang lahat ng mga ginagawa'y puro mali

Tinatanong aking sarili
Tama bang aking pinili
Galon-galong pinainom
Pero di ka puwedeng umihi

Deka-dekadang laan
Sige para-paraan
Hanapin ang oo kahit na ikaw ay dinadaganan

Ng isang toniladang hinde
Pag nadapa bangon uli

Ipunin ang mga sukli
Pantayin lahat ng tupi

Ulitin mo nang ganito
Di naman nakakalito
Kung meron akong natutunan
Pakatandaan mo ito

O sige heto ang lapis
Isulat mo sa papel
Dapat di kulang o labis
Sabi ni Aristotle

Saluhin mo ang hinagis
Lundagin mo ang pader
Dapat gawin mo ng tama kung gusto mong pumapel

May mga panalo na talo
May mga talong panalo

Piliing mabuti
Kung pano ka maaalala ng tao

Pwedeng sikat ka agad pero sino ang tinungtungan
Nang lait ka daw ng iba dun ka ba matatandaan

Napakaraming magaling
Yung tipong nakakaaning
Ganon ba kababaw ang dagat
Nag aagawan na pating

Kailangan pa bang patunayan
Tapos ikaw pang pumuna
Alam mo naman ang daan hayaan mo silang mauna

At sa mga maling gawa
Dapat ikaw ay madala
Hindi dahil kayang gawin ay palagi mong ginagawa

Binabanggit ko ito
Nakakatanda ko sayo

Madaming beses ko nang binuksan naka kandadong pinto

Hindi mo pa hawak ang susi heto puwede mong hiramin
Mag aral ka munang makiusap sa harap ng salamin

Pag uunahin ang angas walang makukuhang mabuti
Kahit na gaano katalas
Ay kakalawangin sa putik

Hindi puwedeng ikumpara ang magsasaka sa mga
Kumakain ng kanin at ulam binili sa karinderya

Kasi luto na lahat talop na mga balat
Lulunukin mo nalang di na kailangan kumagat

Pero huwag kang malito
Sa mga naririnig mo
Lahat ng aking nalakaran ay gusto kong marating mo

Hindi naman ito akin ito ay para sa lahat
Mga sinulat mo na awit sarili mo ang pamagat

Lunukin ang mga dura

Baraha na puro buta
Dadalin ka rin sa malayo mga ginawa mong tula

Palagi kang kakamayan
Malayo may ngingitian
Masigabong palakpakan
Pagkatapos ikay hihiyawan

Ibulsa mo sa iyong puso
Huwag na huwag dyan sa kukote
Pag dating ng pagsusulit baka lamang mangamote

Gising ng ala sais
Pauwi na ng alas tres

Tuyo ng labada kaya tulog na bago mag alas diyes

Palagi kong sinisipagan
Dahil aking nalalaman
Sarili natin ang pinakamabigat nating kalaban

Teka muna kaibigan
Huwag kang mag padalos-dalos
Dahil di magaan ang lumangoy ng salungat sa agos

Hindi mo maihatid

At tuluyang sumampid
Matayog na saranggolang lumipad kaso lang napatid

Kaya sa makatuwid
Sana'y iyong mabatid
Ang lahat ng nadinig ay simplеng payong kapatid



OTHER LYRICS

Bronze Watch

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Alak Usok Pera

Alak Usok Pera
Kris Delano
2017 Single

Sala

Sala
Bert A.M feat. R!S and Esseca
2018 Single

KMT (feat. Eunice Jorge)

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

Cerberus (feat. Loonie & Ron Henley)

Abra
Abra
2014 Album

FEATURED ARTICLES