Album

Ganti Ng Patay


Ganti Ng Patay
Zaito
Producer: Sloj
2015

Verse 1:

Sa bawat paghakbang ko ng mga paa

Sa bawat ngiti at mga luha sa mata

Sa bawat tayo ng balahibo ko'y dama

Kung bakit madiin ang pagkasulat ng kanta

Binuo ang kanta kong hindi ganun kadali

Pira-piraso ng piling salita ang tinahi

Na may pagmamahal kong iniwasan ang mali

Ng sa aking pagbalik ay malakas ng muli

Naaalala mo pa nung bago magkahiwalay?

Nakangiti pero banaag ang bigat ng lumbay

Ang kalooban ko'y para bang gusto ng bumigay

Pero tungkulin kong tapusin ang ganti ng patay

Halos magdilim sa pagod ang aking paningin

Kahit sabik sa yakap ng anak handang tiisin

Ako ay nagpatay malisya sa mali nilang sagot

Sumasaya ang buhay ko kapag malungkot

 

Chorus (2x):

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay?

 

Verse 2:

Tagtag ang isipang inuukilkil ang sagot

Sasabay pa ang pagdapo ng minsanan kung bagot

Imahinasyong malikot, baka kulang sa sundot?

Badtrip, umuulan na pero parang tagtuyot

Ako'y gagala-gala muna para di mainip

Maghahanap sa kasalubong kung pareho ng trip

Magkita-kita sa mata kahit sumabit sa jeep

Di baleng sigawan ako wag lang tawagin na (plip!)

Buong puso kong sinagupa ang taas ng mga alon

Sinalubong mag-isa kahit na mabigat ang hamon

Di alintana ang dugo, ang katawan ko nang bumangon

Saksi sa harap mo'y mga bangkay na tumilapon

Tagaktak ang butil-butil na pawis ng bano

Ang yayabang umasta, eh, hindi naman kano

Inaaral ko yung laro, patawa-tawa si Anygma

(Zait, steady. Alam kong solid ang baraha)

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Istorya ng pag-aalsang nakatakdang isulong

At ni minsan, sa hinirang, di sumagi ang pag-urong

Mga bulong sa tenga kong nagpatayo ng balahibo

Pila-pila ang espiritung gagamit ang laman ko

Tinanggap ko sa loob nang magsarado ang talukap

Nakatitig habang panulat, mariin kong hawak-hawak

Nag-iyakan ang anghel sa pagnanasa kong bumawi

Ganti ng patay, utos ng espiritung naghari

Tinik ng rosas, dugong hidi mapigil ng buhawi

Nais maisambitla ng kagat-kagat na labi

Nag-ungulan ang langitngit sa tagal ng pagkatali

Umalingawngaw ang sigaw ng tumayong muli ang hari

Ang espiritu'y hindi lang sa lakas ng pagkabawi

Mahigpit mang nakagapos ang kamay pero nahawi

Bawat bahagi ng salansan ang pagkakahati

Kung sinong tunay at hindi, ikaw na ang pumili

 

Repeat chorus (1x)



OTHER LYRICS

1999 (feat. Harlem)

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

22

22
Tatz Maven
2020 Single

Sometimes

Sometimes
Migo Senires
2014 Single

Biyahe Ni Syke (Interlude)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

Pwede Na ‘kong Mamatay

Pwede Na ‘kong Mamatay
Because, FTD, LarkMester
2018 Single

FEATURED ARTICLES