Verse 1:
Bang!
Isang araw na naman parang kahapon lang kapag muling naging pula ang buwan
Nakikipagbangayan, sa mga katunggali
Walang pakialamanan, pagkat di tayo bati
Minsan parang mabait, pero minsan lang naman
Sasagasaan ang sinumang sagabal saking daan
Sasakyan ang mga biro kahit di astig ang trip
Kasi kahit anong shit, kaya kong gawing legit
Inggit ang mga katunggali ko,
Nagbubuwis ako ng buhay sa pangarap magkabilyong piso.
Mismo, listo sa kada-kataklismo
Kahit makasalanan kakampi si Hesu Kristo
Bisyo para may pangkalawakang panglakbay,
Barya, ang mga balang may apoy na kasabay.
Babae para magsilbing konsensiya at gabay,
Baril, depensa at dahilan ng pagkamatay
Chorus:
Sumandal, ka lang sa akin (Tahan na wag ka nang mag-alala)
Laging, tatandaan na mahal kita (Maging matatag ka para sakin kung sakaling)
Halika aking yayakapin (Mamayapa, mamayapa)
Wag mo lamang akong iwanang nag-iisa
Verse 2:
Bang!
Isang bala ka lang
Malayang kalakaran, baril ang patakaran
Dapat may, kaalaman para magkaalaman
Sa mundo, na madugo lahat eh, papalagan
Patalun-talon na para bang binabaril ang paanan,
Papitik-pitik pa parati para matapatan dapat hindi ka kabahan.
Dinededma ang mga banta't pinagtatawanan,
Pagkat minsan ang talunan pa ang pinakapalaban
Kasi kay-langan na lumaban tuwing inaapi
Pero mas kay-langan ng tapang kundi, 'di kakampi sakin si,
Tadhana pag nagpakita ng kahinaan,
Guwantes ko ang kamay ni Midas sa Kamaynilaan.
Pagkat ang mga katagang nanggagaking sa aking bibig ay nakakabulabog,
Makapal ang 'yong apog, ala bigbang kung sumabog, tagos pa sa tugatog
Ha-bang buhay buhay basta't 'wag kang magpabaya,
Ang larong to ay sugal at kaluluwa ang nakataya.
Braaaa!
Repeat chorus (2x)