Album

Lehitimo (feat. Supreme Fist)


Illustrado
Illustrado
Producer: Apo Lerma
2017

Intro:

Mananaginip pa rin kayo

Humihingi kayo ng pantay na karapatan

Pero ang hinihingi ninyo ay kadena

Ano ang inyong magiging kinabukasan

Wala!

Walang pag katao't kalayaan

 

Verse 1 (Goriong Talas):

Marami saking di bilib

Mga tangang nagsasabngi sobrang lib-lib

Ng istilo ko sa pagbuga pati bakal ang dib-dib

Ng tulad ko pero pasensya ko minsa’y nasasaid

Wag mag taka pag napuno dahil ang daming nag igib

Mga mang-mang ay umaastang wala akong husay na taglay

Daming mali't walang saysay sa laban laging may sablay

 Sobrang umay sa pag tugma'y nagsanay

Nang walang humpay

Ngayon mamili ka may saklay

O uuwing bangkay

Napagod nako sa mga talo, panggagago, kritisismo

Gamit bagong lirisismo pumatay sakin ako mismo

Kaya nabuhay nang muli sa pagkakaabo

Tila halimaw na bumangon sa pagkakahimlay ko

Tipong hinog na sa laro butas na asidong katas

Illustrdo bagong sibol na dala ay taglagas

Di matatapatan nang bilyon, milyon, libo o sentimo

Walang pake sa sasabihin niyo ako'y lehitimo

 

Chorus:

(Scratch by DJ Supreme Fist)

“Handog ko sa bawat kritiko solido na sapak”

“Kasi wala akong pake”

Kahit anong sabihin niyo

Nag iisa lamang ako walang katulad sa  mundo

Dolido at totoo tunay at lihitimo

“Handog ko sa bawat kritiko solido na sapak”

“Kasi wala akong pake”

Kahit anong sabihin niyo tagahanga man o kritiko

Laging mananatili to tunay sa sarili ko dahil ako'y lehitimo

 

Verse 2 (Sayadd):

Puting tupa sumob-sob sa uling

Alabok ay sumaboy maraming napuwing

Kaya ba't tinuring na uring iba

Galawang nakakasakit sa mata

At walang dapat na ikumpisal

Kahit pababa ay tuloy ang pidal

Hindi to sugal kung wala kang taya

Kung walang mabuti walang masama

Wala… di ko kailangan ng awa

Kung kaya kong biruin pabalik ang tadhana

Gawa… ng kwarta o kahon

Ang mga nasa sentro sadyang walang direksiyon

Ngawa… orginasadong sabotahe

Halang ang bituka pero tuwid ang tae

At ano ang layo na narating ng isinugo

Kung kukumpara sa taong grasang bagong ligo

 

Chorus:

(Scratch by DJ Supreme Fist)

 “Handog ko sa bawat kritiko solido na sapak”

“Kasi wala akong pake”

Kahit anong sabihin niyo

Di ganyan ang ganito

Nung luminaw nalito, ako ang sarili ko

Tunay at lehitimo

“Handog ko sa bawat kritiko solido na sapak”

“Kasi wala akong pake”

Kahit anong sabihin niyo, nag-iisa lamang ako

Walang katulad sa mundo

Solido at totoo, tunay at lehitimo

 

Verse 3 (Batas):

Yeah

Tingin sakin matapobre bwisit sa maralita

Opinyon yan ng mga tao sinisigaw pa ng iba

Buhay ko ay aklat at ito'y hinusgahan nila

Pero nabasa’y di sapat wala pang pito na pahina

Nakakaliyab bitaw nang puso loob ko ay umapoy

Sa sobrang nag baga sa pag tibok usok ko ay naamoy

Kaya pag lunod ko sa alak akin noon pa itinaboy

Dahil lahat ng aking imosyon natuto nang lumangoy

Sabayan ko ang agos leche yan lamang ang ayoko

Babawan para manganay ay makasabay sa uso

Illustrado sobrang husay di pwede basta lang mag bago

Kung kayo lang din ang tunay sige peke na nga lang ako

Parang sirang sasakyan walang busina at ayaw pumereno

Pag lipad ay inaral kasi ganun ang minaneho

Galit na inani ang ginamit saking pag asenso

Yeah

Patunay na batas natin ay di pare-pareho

 

Outro:

Ang batas natin ay hindi pare-pareho

(Scratch by DJ Supreme Fist)

Ang batas natin ay hindi pare-pareho

Dein pare-pareho

Sakin klaro parang yelo

Sa inyo pustiso ni Dello

Haha

Illustrado

Sinong tunay? Kami yun gago

(Scratch by DJ Supreme Fist)



OTHER LYRICS

Easier Said Than Done

Easier Said Than Done
Soupherb
2017 Single

Ganid (feat. Ron Henley)

Ganid
Loonie
2018 Single

Sagip

Sari-Sari Story
Gloc-9
2024 Album

Life & Debt

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Bugtong (feat. Yeng Constantino)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

FEATURED ARTICLES