Album

Di Sunog


Illustrado
Illustrado
Producer: Apo Lerma
2017

Intro (Batas):

Yeah kami ay nagbabalik

At sa lahat nang hindi nakakakilala

Ang pangalan ko ay Batas

Pero pwede niyo kong tawagin panginoon

 

Batas:

Yo, binanat daw sakin talento pero para syang sumpa

Parang komedyante na tanyag dahil sa pangit ng mukha

Tipong henyong di nag-aral kase pamilya niya’y dukha

Ganun ang pakiramdam ko sa husay ko sa pag tugma

Bakit ... kasi tae ang aking paligid

Bawat pag-angat ko dumadami talangka sa gilid

At sinapit ko ay lait para wala akong anihin

Kanya-kanyang hatakan pababa para bang pabitin

 

Goriong Talas:

Armas ba o kahinaan ano nga ba ang totoo

Parang pag pili sa dalawa puta nakakalito

At tila bang napipigilan pasulong kong takbo

Ngunit diretso lang baliktad man ang ikot nang mundo

Nag kalat man ang mga ebak pagbagtas sa daan matarik

Humawak sa sanga't ugat kahit kamay ay matinik

Isa lang naman ang buhay at pinili ko na maghasik

Kahit mismo si Pedro Penduko di na makakabalik

 

Sayadd:

Nadampian ng hangin at hamog ay nabagabag

Napag alamang mas malutong pag tumunog ang kinalawang

Di nahubog nag muka pang tumirik sa kahapon

Pero di nag ka ganun ngayon sinong makiki-ayon

Lang ang buo ay mabuo kailangan na wasakin

Ako bang pupunta sayo o ikaw ang bababa sa akin

At malaya kang pumili ng landas patutunguhan

Dinisenyo ko nang patas ang mga pag pipilian

 

Chorus:

Pagtapak sa tuktok ay napatag ang bundok

Tuloy sa pag tugtugan ‘gang kami hindi sunog

Saan kaya patungo ang landas na ito....

Kahit saang pook na hindi abot ng tunog

Tuloy sa pag tugtugan hanggang kami hindi Sunog

San kaya patungo ang landas na to....

 

Sayadd:

Nabulabog, nagambala ng serpiente na sumipol

May matibay daw na sungay at walang maka tutol

Sinubok ko ang tunay na biglang may umungol

Nung tinangka kong baliin leeg yung naputol

Wala sa ayos kumilos walang pinag bago

Bara-bara sumakto aksidente sadya ko

Hindi pag babanta to mas angkop iwas salto

Sa oras ko ito nawa'y magawa ko nang wasto

 

Batas:

Armas ko ay mga titik para lahat ay matahimik

Pagdurusa makukuha niyo kayo’y biglang alipin

Kada bara bawat himig ko gulungan pag narinig

May pang miryenda dahil sa tenga niyo na parang sisig

Kaya sarili ko lang ang sinunod ko na batas

Mas mababa inapakan para lang sa pag taas

Salita niyo matalas kalmot lang dein nakakalaslas

Dahil ang di nakamamatay lalo nag papalakas

 

Goriong Talas:

Sobrang burat nako sa pila, pagod na sa pag abang

Sabihin mang usad pagong ngunit higante ang hakbang

Mga akdang pina anghang upang maglaho ang tabang

Tinig kong namumunti na tonelada ang timbang

Kaya simulan mo nang basahin orbitwaryong nalathala

Na marami na ang napatay tila maling akala na

Nag anyong tao na ang mga bara malabanan na

Di maiilagan kahit nang mga bathala pa

 

Repeat chorus

 

Goriong Talas:

Kaya tuloy lamang sa byaheng to kailan man di hihinto

Di kinakalawang na parang dyamante at ginto

Hindi papasunog sa pansitan di natulog

Lahat ay dinudurog perpekto man ang hubog

Itong landas na iniirog na may konting libog

Apoy ang minumumog kum kain nang bubog

Illustrado ang grupo ko walang labasan ng pinto

Lirikal pangil ang baon natural sagad sa bungo

 

Sayadd:

Tapos sa simula nag umpisa sa pang wakas

Tila binuklat sa likod aklat binasa pataas

At hinasa palakol para igawad sa huwad

Kung kayo tiga hasa ako tiga tupad

Kaya kung may pakpak lipad

Kung may hasang langoy

Kung may paa takbo, iwas sa apoy

Ang kaso hugis ng mundo'y tila

Tula na nagsasabing pabalik ka kung saan ka nag mula

 

Batas:

Pagpalain sana ang lahat ng nangungutya sa akin

Pag palain parang karpintero parang may tindang buhangin

Ama namin bulong ninyo pero ugali ang papangit

Kaya laging sawi sa buhay na parang may balakid bro

Eh may iba bawat awit di ko kailangan ng kapit

Ikalabing apat nang Pebrero kasi puso ang nanaig ngayon

Bawat isa tungo itsura nang nanalangin

Kaya biglang napasubo parang kanin sa tabain

 

Outro:

San kaya patungo ang landas na to...



OTHER LYRICS

Bruise Brothers

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

On the spot

On the spot
Bagsik x Angelo Rhodes
2023 Single

On My Way

Yours Truly
Kris Delano
2024 Album

Bahala Na (feat. Moymoy Palaboy, Sisa of Crazy As Pinoy, and Biboy of Queso)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

Ayoko (Bosx1ne)

Ayoko
Bosx1ne
2017 Single

FEATURED ARTICLES