Album

Isang Jeep (feat. Hiphop22)


Ultrasound
Loonie
Producer: SPNZ
2013

Loonie:

Iba't ibang klase, iba't ibang trip

Iba't ibang biyahe, iisang jeep

Siksikan masyado

Ihing-ihi pa baka di na umabot sa banyo

Bahala na kung maihi ka sa brip

Tiis lang saglit kasi ilang pikit nalang

Malapit na tayong dumating kaya pipilitin ko na lang umidlip

Pinapalagkit ang mga pantig

Pinapawitik ko para astig

Magkakaiba man ang pinanggalingan lahat kami dito magkakapatid

Kahit gaano kahirap ang buhay miski papano nakakatawid

Basta may weed mapapamanhid

Lilipad kami sa himpapawid weed!

 

Ron Henley:

Madaming bakante waluhan ang jeep

Upong isa lang chief

Isang oras ka naghintay

Kaya sulitin mo ang labing-limang minuto na trip

Handang makipag gitgitan sa traffic

Ruta namin biyaheng langit

Ayos lang naman ang sumabit

Basta hihigpitan lang kapit

Kaskasero ang nagmamaneho kaya bumaba yung ibang pasahero

Pero, yung iba kumapit sa bakal parang sa bala

Hindi tinatablan, iba't ibang sakayan naman ngunit iisang babaan lang!

 

Abra:

Sige tara na arangkada na sa kalsada kasama aming barkada

Nakatadhana ang mga tala, bahala na si Bathala

Iisang jeep at iba't ibang trip, parang magkakasabay na naghihimagsik

Kaya pag naglakbay kapanapanabik

Para sa kada Linggo may tiglilimang gig

Oh! Sa bilis ng bibig nakakabilib pagkat di napipilipit ang mga dila

Ang sikip ang init pero ang dami pa rin diyan na nagpu-pumilit na makpila

‘Di mo akalain na na maari naming marating ‘yan ang magkakalapit ang mga bida

Katuwaang raptrip kaso mala-traffic magmula sa Pasig, Metro Manila!

 

Apekz:

Ang dila ay pipilantik mga laway ang magsisitalsik

Titigil lang sa pila ng jeep, o di kaya maging pipi ang beat

Diretso atake, isang sakay Monumento ang biyahe

Kumpleto at swabe, perpekto pa pare nasa metro palagi

Medyo maarte sila kung magsulat

Ako banat na banat parang nag unat

Makatang arsonista, barang bartolina

Kung walang gasolina eh di mag tulak

Mga talangka na hindi maka-abot ang mga nagbabalak tengga laos

Isang kamay lang sa manibela, dito sa karera pader ang tagos!

 

Dash:

Yo, mamang tsuper is out of control traveling in time warp speed

Zonin' way deep into dope beat b-b-booming in your jeep

Expresslane goin' insane

Never coming wack oh we're movin' and improvin'

Never swerving off-track

Simple lang pero maangas

‘Til deadly walang kupas

Ibang klaseng biyahe ‘to humahataw walang sayang na oras

No turning back yo mama isang jeep lang po tayo

Go in the extra miles beyond the distance kahit gaano kalayo!

 

Konflick:

Oops! Teka pasabit sama ‘ko d'yan

Higpitan mo ang kapit humawak ka d'yan

Baka tayo malubak papalagapak parang takata na

Nakayapak pwede sa lapag

Pero gusto ko sanang ako magmaneho

Palitan ang mga pakialamero

Siksikan man kaming mga pasahero

Layunin namin ang magkakapareho

Kahit na makipot ang kalye (kalye)

Kahit na may humarang sa daan (daan)

Kahit malubak ang dadaanan, di ko hahayaan na mabarahan (barahan)

Minsan akong naiwanan ng biyahe (biyahe)

At ako'y nahimbing (nahimbing)

Sisiguruhin kong sa biyaheng ‘to ako ay makakarating!

 

Jonan Aguilar:

Ako'y bibiyahe, nag simula sa panaginip at sa pag gising

Imulat ang mata tugma sa isip bawat pinid pinid ng silinyador

Pabor sa pintig ng litid, sumasabay sa init ng motor bagsakan ang titig

Indyakan ng mga padyak sa bigat at lagkit

Ng bawat hirit sumingit kung pumirmi at umidlip man d'yan sa gilid

Walang kawala kung sasaliwa ay tamaan ng lintik

Kung puno't masikip sumabit at di ka na kailangan pang mag dalawang isip!

 

Klumcee:

Sa biyahe namin okay lang basag ang ilaw wag lang trip

Kahit may saging sa tambutso at driver amoy dangit

Katas ng luha at pait ang nakasulat sa estribo

Tumatakbo pa rin kahit paso na ang rehistro

Malapitan, malayuan, punuan, parati kandungan

Biniyahe ng bakal na jeep lumagare Cebu, Parañaque, Dagupan

Parang dumaan sa sa kalye ng balete lahat ay kinikilabutan

Sampu kalahati ng bente kabadong hindi makasingit sa aming upuan!

 

KJah:

Pagka-sampa ko ng aking paa, bakit lahat ay nakasimangot?

May ilang pinipilit tumawa, halatang binabagabak ng takot

Paano ako papasok nang hindi mainit sa tingin?

Gusto kong baguhin malungkot ang dating sa paraan ng tamang pagpapapansin

Hindi madali, kailangan na munang matuto akong makibagay

Ako nga ang s'yang masaya ngunit sila ring galit ang siyang aagapay

Wasak na kalsada ang nilagpasan binahagi sa akin ang karanasan

Na pag ako na ang humawak sa manibela'y kabisado ko na ang daan!

 

BLKD:

Deba-debate nanaman mga makitid ang utak

Sino ang pinaka tila ba biggie at tupac

Sama-samang nagnanasang mapataas pa ang tugtog

Kapit bisig aming tinig sa pagbuhat ng bundok

Ng kulturang napunggok ng ugaling pwede na

Na ready na, sa teknika't hasang estetika

Steady ka? Kami'y tuloy tuloy sa pag-abante

Mas mahal na gapas sa pag para ang pag biyahe!

 

Chi-nigg:

Mula Ongpin hanggang Binondo papasada na ang jeep ni Jeff

Sa estribo ka kumapit higpit ang sabit tumataas ang reb

Busina ko'y pang gulat, tambutso ang panulat

Ako'y alamat walang tumapat pababagsakin kahit sinong sikat

Baraha ko na binalasa, ikambyo mo na sa segunda

Sa trip ng jeep na ‘to ang di magbayad bumaba na

Manong para, ang flow na ‘to di mo na kaya pang i-vulcanize

Matigas like bloke ng ice tulad din ng bote na family size!

 

D-coy:

They know I'm dangerous, kaya mga batang pasahero may konteng nerbyos

Walang mambabastos, holdap, banatan, tirahan, dito na magtatapos

Hip hop Bentedos

Ibaba na ang lona, iraos na natin ‘to Loonie

Kasama si D-Coy sa biyahe na ‘to kaya kumapit lahat ng mabuti

Split your game, wala nang talksh*t

Uso na ang peace sabi ni Mike Swift

Sexy plan di namin yun trip may G.H.P

Dinala ang buong trip, ito na ang pinakamalupit na biyahe

Buddha, ano na ang nangyari?

Imbes na lumala, nagbigay ng himala

Kahit walang katambay, ewan ka naming naka-tulala!

 

Mike Swift:

Para po, tabi lang d'yan, basta tabi kahit saan

Daming kasama ko ganda ng gadget ko

Nanggaling pang Canada tara mag jam

Kasama ng banda ni Loonie at Ron makikiraan

Akin nang sukli sa limang daan

Minsan lang mangyari ganitong samahan

At lalong mahirap, sa may paraan balikan na lang

Sakay na sa jeep, siksikan isang picnic-an sa beach

Para makatakas sa stress sa street punta Batangas dala ka ng beats

Alak at weed teka lang fatigue sounds ko si

Big Mos Def at Talib out of this league to see to believe, ayos kapatid!

 

Puting Kalabaw:

What up motherf*ckers you wanna f*ck down gimme some room!

Watch your feet I'm a big dude, baby I'm at you, I'm coming too!

Pit*ngina ang init! Siksikan sa jeep I mean it!

Bayag ko ay naipit, keep the change I know u need it

Makinis ang hita ng chicks na nasa gilid

Ang puti puti ng legs, miss pwedeng pasilip?

Manong driver, pwede bang bilisan mong mag maneho?

Init na init na kami at ihing-ihi na ang mga pasahero!

 

Rhyxodus:

Teka lang nasaan na tayo sa jeep?

Naku eto na umpisa na ng trip

Si Loonie at Ron, sumisinde

Si Buddha nag roll ng mas matindi

Si J-hon at Mike, humahalakhak

Si Abra at Smugg, wasak na wasak

Edad, Skye kamusta na tol?

Si Jeffrey Tam, nag magic na doon

Si Kjah, si Apekz, Blkd at Konflick nagrarap sa gitna ng traffic

Nako lagot, si Jonan at D-coy, ay may inabot ano ‘to ha?

Ang lakas ng beat with Klumcee DJ SPNZ, ay isang biyaheng malupit Gorgy tara!

 

Smugglaz:

Hoy! M-m-m-m-mama p-p-p-p-para b-b-bata b-b-b-b-baka

Pwede sa biyahe sumama, sumalo, sumali etchetera at b-b-b-b-bla-bla

Teka punuan na ata, wala nang bakante pero kahit estribo man ay madulas

Baka pwede sumabit na lamang para balanse

Likod at harapan, kanan at kaliwa, okupado lahat ng espasyo

Timpladong di sobra di kulang ang mga rekado sapagkat eksakto

Pakisama na lamang ang pamasahe, sukli ay tiwala sigaw ang busina

Walanang masasagasaan pero may magagawa na kargado na kami ng gasolina!



OTHER LYRICS

SouthBoys

SouthBoys
Ex Battalion x O.C. Dawgs
2018 Single

King I Be

Act 1
Ez Mil
2020 Album

It's Hard Out There (feat. YB Neet)

Training Day
Bugoy na Koykoy
2024 Album

Ito Ang Kanta

Ito Ang Kanta
3 Thug Jewels
2015 Single

Di Ka Nag Iisa (feat. Skwaterhawz)

The Resumé Mixtape
Santo
2009 Album

FEATURED ARTICLES