Album

Tanyag (feat. Abra & Syke)


Ultrasound
Loonie
2013

Verse 1 (Abra):

Aminadong kabado, ang daming tao, paralisado sa entablado

'Di praktisado kahit kapiraso ng kinabisado kanina pa blangko

Ang aking isip walang mahirit napaka init

Bago pa maisipan na bumangon ay bumangon na mula sa panaginip at

Muling bumalik sa reyalidad gusto paring ipakita ang kalidad para

Para patunayan sa lahat na wala talagang kinalaman ang ating edad sa abilidad

Akoy lilipad sa alapaap (up up and away) hanggang sa kalawakan

'Pag ako ang siyang nagkapangalan pangako babaguhin ko ang galawan

Ipapakita ang kayang gawin sa lahat

Balang-araw pangarap maging alamat

Mabalitaan sa telebisyon at aklat

Masabihan ng "Idol galing mo mag-rap"

Paguwi ko ng bahay naligo, nagsanay, pag-kiss ko kay nanay alis na agad

At pagpatak ng alas diyes 'yung pang-apat sa listahan pina-akyat

Puro tanong sa aking isipan

Urong sulong bakit tinginan

Pano kaya kung magkatotoo 'yung kaninang napanaginipan

Isang pasada lamang ang byahe ng buhay

Tandaan hindi kumikinang ang diyamante sa buhay

 

Chorus:

Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala

Pero 'di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo at iba pa

Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa (ng tinapa)

 

Verse 2 (Loonie):

Buwis buhay emcee

Akala ko pa easy-easy

Kailangan pa palang pag-aralan mo nang maigi

Ang galawan para talagang malaman mo ang

Pipiliin mong landas pinipilit ilabas ang nakaipit na lakas

Kaso nga lang ngayon

Masyado na 'kong busy sa kakasulat ko

Kumakapal lalo ang kalyo sa daliri

Nagkalat ang pangalan ko sa dyaryo at sa CD

Boses at mukha ko naman sa radyo at sa TV

Eksadyo 'to pag ihi ko sa banyo may graffiti

Ng pangalan ko at kinikilala ng taong bayan at

Mga bata na nakatambay na maghapong nasa PC

Sa dami ng fans ko talo ang factory ng 3D

Platinum lahat ng mga album ko at EP

Sikat na sa syudad, probinsyano in the city

Masarap ba maging tanyag?

'Yan ang tanong ko sa sarili

Matamis na mapait, masaya na may halong pagsisisi

 

Repeat chorus (2x)

 

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa

Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa

 

Verse 3 (Syke):

Ilang beses pinagtangkaang matanggal sa pagtanghal ako'y nagtagal at nanatili

Sa pinaglagyan kong kayo mismo pumili kaya nawili at 'di nawala akala niyo lang kaya parang muling nagbalik

Akala ng ilan nakakulong lang kaya ngayon nanabik sa mic at muling nausong parang vyke sight, Nike, fame, game, blame, shame, lame

Kamatayan ng apat ng mga ganung rhyme

Sapagkat nandito na mga anak ko

Ako ang ama ng mga huwaran

Ang mga dapat tularan

Magagaling kahit mga ampon ko lang at pa'no maging ako

Magpakuha tayo ng larawan

Ngunit 'wag mong ipagyabang

Ilabas mo nalang kung sa tingin mo may kaya ka nang patunayan

Ang katunayan

Ang lahat ng mga 'yan ay nagsikap at naghanda

Kamtin ang pangarap kahit tumanda

Wala sa edad kundi nasa ganda ng mga nilikha

Ipapamukha mo pa ba sa'kin kung bakit 'di ako sumikat?

O umaga pa lang ngayon? Dis-oras ng gabi ako lumabas

Ipapamukha mo pa ba sa'kin kung bakit 'di ako sumikat?

O umaga pa lang ngayon? Dis-oras ng gabi ako lumabas

 

Repeat chorus (2x)

 

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa

Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa

Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa



OTHER LYRICS

Ganun Lang (Interlude)

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

Sino (Interlude)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Nandito Lang Ako

Critical Condition
Stick Figgas
2006 Album

Bakit Hindi (feat. Billy Crawford)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Halos

Pimpmobile Mixtape
Bugoy na Koykoy
2019 Album

FEATURED ARTICLES