Single

Balewala


Balewala
Loonie
Producer: Klumcee
2015

Intro:

Sa mundong mapanghusga, mapangmata, at mapanuri

Dapat hindi ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri

Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri

 

Verse 1:

Sabi sabi sakin ni Bathala, matapang ka pala

Pusong leon kaya dibdib mo ay walang mga daga

Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang

Samantalang ang kapalaran ay sa mga tala nakatala

Kaya pala parang tamad na mag-aaral walang kadala dala

Walang pang baon

Pero kahapon pa ako handa

Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka

Inakyat ang kabundukan at maghapong nag-gala

Inabutan ng dilim muntikan nakong mawala

Sa sarili ko pag gapang ko wala kong makapa

Nasa dulo na pala ng bangin wala ng kawala

Tumalon na lang kaya ako kakayanin ko kaya

Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa

Bahala na si Batman yan ang saktong kataga

Tsaka na ko gagawa ng mga pakpak ko pababa!

 

Chorus:

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

Lumaban

Nakipaglaro ng apoy at

Patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin, paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin

Ay yayakapin ko!

 

Refrain 1:

Andami talagang nais manira ng pangalan

Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan

Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban

Ngingitian ko na lamang at

Yayakapin ko

Kahit gano kapait ng naranasan

Masakit na nakaraang hindi ko matakasan

Walang awang tadhana ay tatawanan

Kahit gano kasama ng kapalaran

Yayakapin ko

 

Verse 2:

Sabi sakin ni Satanas, mayabang ka pala

Tuturuan kita kung paano magpakumbaba

Di ka na maiisasalba ng mga kanta mong gawa

Pano mo to tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla

Binaba ang dangal nagpakahangal para lang ikaw ay mahalin ng madla

Biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa

Kaluluwa kapalit kasikatan yan ang usapang nakatakda

Sa kontratang to na may pangalan mo na nakalagda

Teka lang wag ka pakasigurado di mo pa ako pag aari

Dahil ang titulo ng kaluluwa ko'y nasa akin

At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin

Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata

At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik

Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik

Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit

Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit!

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Anuman ang hangarin

Sa akin ng langit

Kakayanin ko

Whoooooaaa

Sugatan man nang malalim

Tagos sa damdamin

Ay tila balewala

 

Verse 3:

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait

(Tila balewala)

Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano pa kasakit

(Tila balewala)

Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik

(Tila balewala)

Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit

Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

Tinanggap ang walang kwentang mga hamon

Para bilhin si "Loonie" binenta ko si "Marlon"

Matalo man ngayon bukas ang pwersa ko'y babangon

Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon

At kung putapete ang kadebate pare di bale nalang

Walang pakialam miski hirangin pinakamayabang

At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala

Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya

 

Repeat chorus and bridge

 

Refrain 2:

Andami talagang nais manira ng pangalan

Ngunit karamihan ay takot tumira ng harapan

Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban

Ngingitian ko na lamang

(Balewala)

Kahit gaano kapait ng naranasan

Masakit na nakaraang hindi ko matakasan

Walang awang tadhana ay tatawanan

Kahit gano kasama ng kapalaran ay, ay, ay, ay, ay

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait

(Balewala)

Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit

(Balewala)

Aakyatin ko ang pinakaa tuktok kahit gaano pa katarik

(Balewala)

Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit

Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik



Loonie - Balewala (2015):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Patibong

Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
2015 Album

Back Home

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

infiniteclimb

Kasmeek Mirrah Vol. 1
rhxanders
2013 Album

Pagsusuma (feat. BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

No Rest For The Weary

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

FEATURED ARTICLES