Intro:
Panibagong araw na naman
Bakit sadyang kulang sa pagbabago?
Hanapin ma'y 'di ko matagpuan
'Di pa lumilitaw ay naglalaho
Refrain:
Ang swerte na tila 'di sa'kin nakalaan
Depende, bihira, madalas ay, tsaka na lang
Verse 1:
Tirik ang araw sa Quiapo, tanghaling tapat
Daming naglalakad
(Lahat) pinipintahan ko
Parang langaw na dumapo
Kahit na mabaho sa basurahan
Hanggang sa naispatan ko
Isang ale na may edad
Alahas nakalantad
Mabilisang delehensya 'to (Kaya)
Tinutukan ko agad
Kwintas, singsing, akap na bag
Tapos ay karipas ng takbo
Refrain:
Ang buong akala ko nakatakas na ako
Hindi pala, merong parak na nakatambay sa may kanto, pa'no 'yan?
Kahit hinihingal ay kailangan ko pang bilisan
Post-refrain:
Kadalasan naman ay hindi sila ganyan
'Pag humabol ang masahol
Ay nasukol ako sa eskenitang masikip
May narinig akong putok kaso hindi hagip
Tinamaan ako sa paa
Naloko na, basta
'Di ako pahuhuli ng buhay (Hay,hay,hay)
Verse 2:
Hinintay ko syang makalapit
Para maagaw ang baril na kapit
Tila agilang dumagit
Mapapalaban sya talaga
Nagpambuno kaming dalawa
Bumunot sya ng kutsilyo
Itinarak nya, wala akong nagawa
Kinagat ko sya ng pustiso
Refrain:
Buo-buong dugo, basa na'ng uniporme nya
Sino ang maglalaba?
Hanggang sa naramdaman ko ang mainit
Na tinggang pumasok sa'king dibdib
Hindi ako makahinga na tila may nakasakal sa aking leeg
Bridge:
Ako'y lulan ng ambulansya
Aabot pa kaya sa Gracia?
Kaso trapik sa EDSA, lagi naman
Magdala ng pasensya, 'la nang laman
Outro:
Nakarating din sa wakas
Pinto'y agad ibinukas
Ang buhay ko'y iniligtas
Para bang nanggaling sa taas
Gulat sa'king mata'y bakas
Dagundong ng puso'y lumakas
Kasagutan na pilit kong hinanap
Nung bigla sa aki'y humarap
Doktorang may edad na aking hinoldap...