Album

Norem (feat. Gloc-9, Abaddon, and J. Kris)


Materyal
Shanti Dope
Producer: Universal Records Philippines
2017

Chorus (J. Kris):

Dami nang gustong kumuha

Dyan na lang sa may bangketa

Para di masyadong kita

Nang mabenta kong paninda ko ohhhh

Ano ba to ohhhh

Binebenta ko ohhhh

Pano ba to ohhhh

Ako lang ang meron neto

 

Verse1 (Gloc 9):

Alas dose, hating gabi

Pwedeng pa-gramo gramo kung gustong bumili

Abutan ng bayad sa may tabi tabi

Ingat lang dahil baka may makasalisi

Makinig sa istorya dun sa may Divisoria

Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria

Palaging nasa lansangan kahit na maalinsangan

Di sya nag-aalinlangan basta't tamang bentahan

Kaya ingat lang sa kapkapan baka magka-bakbakan

May bakal ka ba na dala na katulad nila sinubukang lumaban

Wag nyo akong tutularan sa tabi ng kanyang pangalan

May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan

Kailan kaya matututo, wag matigas ang 'yong ulo

Di nakuntento sa porsyento, dividendo kilo kilo

Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan

Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan

 

Semi-Chorus (J. Kris):

Paninda ko ohhhh

Ano ba to ohhhh

Binebenta ko ohhhh

Pano ba to ohhhh

Ako lang ang meron neto

 

Verse2 (Abaddon):

Ako na lang ang meron wala na dito samin

Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing

Sistemang mapanlamon ang dami kong inihain

Handa kong mamatay dahil may dapat na buhayin

Pamilyang umaasang matulungan sila

Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga

Di pwedeng ako'y makulong lalaban ako kahit mag-isa

Sabog ulo man o palit ulo kahit pa magturo pa ng iba

Nakulong na si kosa nanlaban na si tropa

Pasensya na kayo kailangang maabot ang kota

Para to sa pangsuporta wala nang makakakontra

Trabaho lang walang personalan bago lumayo ng sobra

Sa espadahan ng sungay kailangan ikaw ay mahusay

Kailangang masigurado ko ang

Kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay

La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay

Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay

 

Bridge (Gloc 9):

Tropang gising tropang gising tropang gising sing

Mga praning mga praning mga praning ning

Laging gising laging gising laging gising sing

Mga praning mga praning mga praning ning

(Drug Dealer):

"Gusto ko na talagang magbagong

Buhay kasi lumalaki na yung mga anak ko"

 

Verse3 (Shanti Dope):

Mamang nakaputi pwede ka bang lumingon

Yung tinda mo sayong munting kariton

Ang bibig ko'y tikom lang kita'y lalago

Basta may libreng tikim sa iyong nilalako

Sabi ko noon kailan? kaya ko na pong mag-isa

Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira

Sa kada pandikit ko nagtatanong sa sarili ng maiba

Papano kung maaga kong tapat kasahan ang aking mabatong lapida

Kaya kahit na ako'y dilat hirap manalamin

Kung kaninong bungod yung kaharap ko sa salamin

Pero kahit madalas mapraning bihasang bihasa na to pagdating

Sa galawan ako lamang ang tanging biktima at ang salarin

Pinugad ang kagipitan, salapi't kaibigan

Habang buhay dinala kasiyahan na panandalian

Mundong nilasa ko ng matagal kahit pa sabik pa kong iwan

Kaso sa huli rehas at libingan lamang ang pwede kong pagpilian

 

Repeat chorus

 

Outro (J. Kris):

Ako lang ang meron neto

Ako lang ang meron neto



OTHER LYRICS

Iraya

Flight School Era
Just Hush
2018 Album

Torpedo (feat. JP Cuison)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

For The Love

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Malupit

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

CRASHING

CRASHING
O Side Mafia x Tus Brothers
2023 Single

FEATURED ARTICLES