Single

King Inang Bayan


King Inang Bayan
Abra
Producer: Jonathan Ong
2016

Verse 1:

Kayod kalabaw na naman

Nakakapagod, araw-araw na lang

Tagal ng sahod, kumakalam na ang tiyan

Lagot sa landlord kaya para-paraan

Kamusta na, mga kaibigan, ayos ba tayo diyan?

Eto nangangailangan parang kahapon lang

Di na bago, ginagago, minamaltrato’t

Minamanipula po tayo dito sa Batibot

Na bansa, paraiso pag isang bandido

Dito, anito ang ibang maligno

Sinu-sino? Lipon ng ilang partido

Nino? Sila-silang magkakaapelyido

Astig noh? Ako lang ba? O lahat tayo nabobobo?

Pinoy nga naman oh halata yung panloloko

Ano kamo? Lagay? Pag umoo

Sabagay, yan ang gusto ng mga mamboboto

Ayoko!

 

Chorus:

Ayoko na kasing isipin

Na ako’y isang aliping sagigilid

Sa sarili kong lupain binibitin

Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning

Yan ang hiling

 

Verse 2:

Hindi bat sayang? King inang bayan

Di ka nila inalagaan

Pinabayaan kahit binabayaran

Bakit ninanakawan? Kasi hinahayaan natin

Pinapayagan, pinapalagpas

Media giants medyo biased ang pinapalabas

Brainwash! Anak ng tupa

Sunud-sunuran parang alagang tuta

Puta ng mga sangkot kakadampot ng kararampot

Na pampagamot, nakanampot… ambot!

Kakalungkot, sarap mag-abroad

Yung pook eh sumisikip pa lalo kakakantot… kadyot!

Perlas ka nga ba talaga o alahas ng Amerika? Kawawang talaga

Kaya pwede ba? Magrebelede ng konte

Ang gulo sa pinas, paksyet! Penge ng chongke

Ala pobre

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Heto na si Abra, magpapaka-honesto

Pukinangina! Nasan na po ba ang progreso?

Kung umento, un momento, dokumento

At bayad muna para una kang maiproseso

Argumento, malakas ang Tsina, mangahas ng isla

Kung ganto yung takbo sayang gasolina

At bukod dun ga-bundok yung nandudukot na

Lupang hinirang sa iba’t ibang lalawigan

Nang di nababalitaan likas na yaman

Imbis na alagaan, pinagkakakitaan

Di malaman-laman kung bakit

Lupain ni malakas at maganda pa talaga ang pumangit

Tapon dito tapon don, trapo dito trapo don

Aburidong-aburido, trapik dito trapik don

'no nga bang solusyon sa traffic na to?

Simple lang naman po yon, magjogging kayo

Huwag tamad, Juan Tamad itigil ang shabu

Itigil nyo na yan habang may ngipin pa kayo

Pag palo ang kausap, maaring utuin

Bato-bato sa langit nang madaling kontrolin

Kompanyero ewan kung mapansin mo

Sa nasabing gobyerno, mayaman lang ang umaasenso

Pasibang pang-alila nung sinauna pa

Sobrang bulok ng sistema dapat ibasura na

Palibhasa, puro propaganda

Parang SONA, puro papogi’t puro paganda

Purong elitista, puro rin artista

At yun ang punong pamagat ng mga kolumnista

Habang mga mangingisda sa sariling dagat pinagtatatakwil

At ang mga magsasakang nanlilimos ng bigas pinagbababaril

Panay masaker tas talamak pa yung pera

Matabil dahil sandamakmak ang pruweba, punyeta!

Bitak ang ekonomiya iwan sa teknolohiya

Sira ang ekolohiya inay ko po!

Madugo ang laban parang dysmenorrhea

Real talk ang ginagamit kong sandata kasabay ng ritmo at rima

Ano pang reklamo? Edukasyon at medisina

Pero mas nakakabanas ang disiplina

Sa Pinas, kaliwa’t kanan na ang korapsyon

Walang ligtas, pati ba naman mga donasyon?

Kung meron ang kakapal ng mukha sa tarpaulin

Namumulitika pa rin? Sarap lang pakyuhin!

Mapagbalatkayong nagtatayo ng imprastraktura

Ginigipit, tinitipid, para sa kickback amputa

Nagkulang sa benipisyo, yun ang alegasyon

Kontra sa namemerwisyong kontraktwalisasyon

Dami pa, tangina, kakaubos pasensya

Di lang upuan ang problema, isang buong lamesa

Kaya wag sumalalay sa sunod na presidente

Ang dapat magbago ay yung mga residente

Wag papeke, magpaka-intelihente

Wag pakeme, ugaliing magpakadisente

Oo, pang-aabuso’y ating nakasanayan

Matuto na po sana tayo sa mga mali ng kasaysayan

Wag sayangin ang buhay ng mga bayani

Isauli ang lupain sa tunay na nagmamay-ari

At kahit barilin ako tuloy ang inspirasyon

Pagmamahal sa nasyon na sagad ang dedikasyon

Kabataan, wag magda-drugs ha? Delikads yon

At yung pwede na yan? Fuck! Di na pwede ngayon

Palaging tandaan hindi ka tulakan

Ika’y maharlika dapat dun ka sa unahan

Ang mamatay ng dahil sayo, isang karangalan

Subalit mas gusto kong mabuhay upang ika’y alagaan

King inang bayan

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Everything

Favorite Life
Jon Protege
2024 Album

GTFO

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

MOON (feat. Flow G)

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

Hangover

Track Dealer Mixtape
Ives Presko
2015 Album

Papel

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

FEATURED ARTICLES