Album

The Final Word


The Ones Who Never Made It
Loonie
Producer: The Beatmonx
2010

Verse 1:

Kamusta na ang mga G? Mga tunay na katropa

Sikat na si Gloc-9, nabuhay ang Apoka

Bakit nawawala si Syke? Nasan na ba yon?

Stick Figgas buo pa rin at banda na ngayon

Mobstarr, Beatmonx puro classic mga hits

Walang psychohan to Eargasmic is the shit

At pasensya na sa album kung medyo natagalan

Kasalanan ko lahat dahil saking katamaran

Para sa mga tsismoso na ang utak marumi

Nawala ako kase, blame it on the kabute

Wagayway ang watawat mga kawal at kadete

Sundalo lang ang pwede, bawal ang putapete

Sir Loonie ba’t bigla kang nagra-rap ng Ingles?

Kasi kaya ko, tsaka masarap mang-ines

I’m not easy to digest, but atleast I do my best

To get my message through, yes it’s true I did my best

And you can put this kid to test, I’m the illest flip to bless

The microphone when I be zoning out I rip it with finesse

And I'm spitting shit (?), it’s so vividly intense

Or is it intensely vivid, I'm a wizard with a pen

Every syllable I spit is disciplined with zen

So definitely I got you listenin’ again

This is true lyricism, the wordplay’s evident

Born to rip rappers like a birthday celebrant

If I was in the States, I’d had a hundred pound bling

But it doesn’t really matter, I’m the underground king

I can see in the dark a true emcee from the start

I could even kick a free to the beat of your heart

Half gangsta, half genius label me your G

“The Ones Who Never Made It” you can take this shit for free

Burn it off the internet, rate it, hate it but for me

I will always be your favorite emcee’s favorite emcee

 

Verse 2:

Kamusta na ang HipHopan? Tapos na ba ang hidwaan?

Yung bagong CD ni Loonie labas na ba sa tindahan?

Malakas ba ang bentahan?

Mahusay ba? Baka hindi na?

Sinong mga tinira? Gusto niyo ng intriga?

Bati na kami ni Dice at Hi-C, wala nang issue

Kyle magbati ka mag-isa ito ang tissue

Flava! Yung scandal mo pwedeng panood?

Makakalapit ka lang sakin pag ang lakad paluhod

Feeling mo kasi disi-otso ka pa men

Mag ka-kwarenta ka na tsismoso ka pa rin

Sinama mo pa si Badang, teka sino si Badang?

Baka rapper din siya, kaso siya lang ang may alam

Bat kita rerespituhin? Rumespeto ka ba?

Binastos mo ko nung Biyernes sa Lunes dedo ka na

Ako’y hindi kumakahol paghinipo nangangagat

Ako ang kanang kamay ni Kiko na nakangarat

Ilalabas ang naipong galit dating-dati pa

KrazyKyle mga banat mo pabalik-balik na

Kaya wag kang hahari-hari pare mateng mate ka

Lalamunin ko Haduken mo ng Kamehameha

May halong matematika, kaya sukat ang mga hiwa

Sa balat ng diabetic na ang buhay ay nasira

Nag langib na sugat tuklapin upang maging sariwa

Wala kang pangalan kasi kulang ka sa pandiwa

Nagkamali ka ng piniling kakampi

Want beef? Gagawin kitang giniling na karne

Walang sabit, kahit walang lapis at papel na gamit

Masmabangis pa kay Aristotle kapag nagalit

Sapakan nalang kung gusto mo ng sakitan

Mga bobong nilalang ang aking mga kaalitan

Si Badang akala niya paligsahan yung papaitan

Tapsihan na ang pinaka mahal niyang nakainan



OTHER LYRICS

A$tral Ra$cal$

A$tral Ra$cal$
DB
2016 Single

B.P.B. (feat. Yeoj of Sandiwa)

POOT AT PAG-IBIG
Gloc-9
2021 Album

Powerless

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

'Sang Linggo

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Isa Pa (feat. Gelo)

Heartbreak SZN
Because
2018 Album

FEATURED ARTICLES