Single

Rookie


Rookie
Zaki
Producer: ORPHIC MIND
2023

Pagkakataon dating mailap
Kaya napatagal aking pag kinang
Bagamat matagal laging nagsipag
Tinaya na lahat kahit masilat
Nagsusulat lagi nang dilat
Kaya nakaluwag dating taghirap
Sa pagbabalik dameng nabigla
At nagbago lahat sa isang iglap

Lumubog sawakas nakabangon den
Bagamat nahuli nakahabol den
Sa pag tyatyaga ko nakasungit
Nakapag Sunugan tsaka Ahon 12

Sa unang taon ng pagbabalik
Sa rap tinuon ang pag aadik
Ako'y tutuloy sa pag tatanim
Alam kong malayo mararating 

Sarili ko at bayag ko laging bitbit
Balang araw maabot ko mga bituin
Tinapakan ko na lahat ng mga inggit
Partida di pa nga ako nakasindi

Sa sariling mga paa ko nakatindig
Inisip ko na lahat ng mataimtim
Nasa baba at matagal nabinbin
Aakyatin ulit na parang benguet

Matinik na para bang rosas
Pero muntik na madalang morge
Nais na magawang sobra
Yung mga kinalakihang konte
Mabilis tumakbo ang oras
Madalas di makakaresponde
Masikip sa pulso ang posas
Kaya nga trip ko bumiling rolex

Magkakaiba tayo ng hinahangad
Ng kalagayan at suliraning pinapasan
Sa kultura patuloy kong inilalaan
Ang oras para sa pangarap na minamahal

Aminadong minsan din akong dinadaga
Sa laro na hanggang ngayon ay kinakapa
Sa katanungan ko na lamang idinadaan
Mga dapat matutunan ay inaalam

Kung di pa nagkamali di magiging tama
Mga kupal sa paligid di maiiwasan
Mabilis na ibibigay ang pag titiwala
Yun yung mga panahon na isip bata

Mga ayaw sumama edi maiiwanan
Salamat ng marami sa naniniwala
Kampay sa mga bagong kong nakikilala
Respeto ay susuklian ng pakikisama

Marami pang kailangang baguhin para
Mas lalo pang mapatulis
Alam ko na mabagal ang proseso at hindi makakabuti
Pag masyado na matulin
Kailangan na iwanan yung pagiging burara 
At mga susunod ko na hakbang ay dapat na planuhin
Sarili ko lang din ang kaaway ko na mortal 
At balang araw alam ko na makakaya kong talunin



OTHER LYRICS

Tugmang Preso

Meron Na
Loonie
2023 Album

Cloud 9 In My Mind

Middle of NowHere EP
Peaceful Gemini
2018 Album

Cinemetropolis

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Minsan (feat. Ashley Gosiengfiao)

Prototype
Dello
2014 Album

Parasitiko (feat. Emar Industriya)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

FEATURED ARTICLES