Single

Rapstar


Rapstar
Flow G
Producer: Jin Chan, Madeindvn, & Flip-D
2023

Verse 1:
Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to
Ginaganapan ko lang ng natural
Tsaka inagapan ko na mautal
Nilaban, sinugal, ginapang, minahal
Katagalan, natutunan ko nang tumagal
Tsaka alam ko naman na inaabangan
Na sana tabangan yung papakawalan para di na abangan
Kaso nga lang palaban ang batang Alabang
Kinalakihan na galingan nang galingan
Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin
Di ko namalayan na malayo na malayo na pala
Yung narating pati ako napaling
Mga naniwala di ko pwedeng biguin
'Di ko pwedeng pakitaan ng bitin
Mga tenga na kailangan busugin ko pa din
Kahit kabisado na kilitiin

Verse 2:
Alam ko na may mata na nagbabantay
Kung pa'no ako sasablay, matyagang nag-aantay
Kung kailan ako tatamlay at lalaylay
Yung mga laway na laway na makita ako na mahina
Umay na umay na manira, ngalay na ngalay na manghila
Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay
Nung napasarap mag-rap ang daming nagbago
Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao
Daming nagtulak sa'kin palaging maging ganado
Palaging plakado, pag gumalaw palaging planado

Verse 3:
Daming pasabog kailangan, pag malawak ang sakop
Ikaw din ang talo sa laban, pag nabalot ng takot
Kung sa'n ka aabot, hakutin lahat nang mahahakot
Yung dami ng pagod ay may sukli, pag di ka madamot
At kung di ko tyinaga baka nauwi na sa wala
Ganito pala 'to kalala, kita mo naman ang napala
Pa'no kung hindi ko ginawa?
Yung iba 'di makahalata, malaki na ang nakataya
Marami na pwede mawala kaya di na pwede pabaya
Hindi pwede puro mamaya baka sa huli mapahiya
Totoo na parang himala, nagsimula sa ibaba, tiningala
Matagal ko din yang kinapa kada gawa
Di madapa 'yung kalidad, di mo nakitang binaba
Nung marami pang nagdududa, puro kilos ang inuuna
Ngayon kita mo namumunga, tumutubo na
Napakarami ko nakukuha pero di pa rin nalulula

Interlude:
Ta's sa ugali wala pa ring binago
Tao pa rin pag humaharap sa tao
Pero pag usapang rap, paiba-iba 'ko
Literal na may bago kang aabangan
Sa tuwing may ilalabas na bago

Verse 4:
Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi
Para mas lalo sila ganahan na yung mga bago ko hanapin
Yung iba naman nababawan pero di na para atupagin
Di kasi nila maunawaan na yung bulsa ko pinapalalim
Kahit papa'no naman naganapan ko paunti-paunti
Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi
Iba din na laking Munti, tila may anting-anting sa galing
Himala yung kuting ay naging kambing
Sa dami nang hinain na putahe
Pwedeng akalain malaking canteen
Yung iba nakahalata na sa pangalan at plaka
Nagiging malala bigla, lalo pag babaliktad na binasa (Wolf)
Pag gumagawa, ginagawa magagawa, maiba lang ang lasa
Para maipakita kong di na din ako gumagawa nang basta-basta

Interlude:
Ngayon lalo pang nananabik
Kasi meron nang bumabalik
Gagawin ko pa rin nang gagawin
Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin

Outro:
Subok na subok na yung lagi niyong sinusubok nun
Yung mga nanubok, yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong
Eto na ngayon yung mga sinabihan niyong gunggong
Sa tuktok na kami tumutungtong
Eto 'yung hindi niyo matutunton
Tsaka ramdam niyo na rin, pataas kami nang pataas
Kada labas kahit hindi madalas, palakas pa rin nang palakas
Sa'min na 'tong palabas, mabanas kayo nang mabanas
Pagka-usapang Pinas, pasok kami d'yan hindi na mapapalabas
Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papano
Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro
Sarili na lang ang tinatalo, oo, wala nang iba
Halata kasi nga nung yung uso naiba
Oh, diba yung iba nabura



OTHER LYRICS

A-Oh

rear.view
One3d
2012 Album

Oblivion

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

Muling Mang Harana (feat. Curse One)

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

Back Home

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Yoga Flame

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

FEATURED ARTICLES