Verse 1:
Kalendaryo inimprenta, buwan at araw ebidensya
Kaakibat ng sistema, imposibleng maibwelta
Ang dumikta ng rutina yan ang senyales pagpauwi na
Nag-iiba din sa turista, nakakahili parang kulang ang protina
Tuwing masaya, magpapabitin lang
Pagnababato, ayaw bilisan
Mga tamad yan kinakainisan
Masipag ang pinaka-alipin niyan
Tanging nagpapaluma, nagpapamahal ng lupa
Premyo para sa nauna pero pwede ding yan ang parusa
Chorus:
Saan nga ba may
Naglalagay
Ng posas
Ng posas kasi
Nakamamatay
Mga kamay ng oras
Ng oras
Verse 2:
Yung asta boksingero na sobrang lasinggero
At napa-away pero mga kamao may asero
Dire-diretso ayaw huminto
Sana pwede talagang lumpuhin 'to
At kung lilipad 'to parang Kupido
Hilahin ko pakpak hanggang mapunit ko
Konseptong panay butas
Mas tapat pa sa halik ni Hudas
Ang kahapon mag-silbi na lunas
Sa walang kasiguraduhan na bukas
Siya lang malabong magtapos
Pero araw-araw siyang kapos
Sobrang walang respeto at bastos
Mamamatay tao parang diyos
Repeat chorus
Verse 3:
Walang paki kung alanganin ang pinagdadaanan natin
Buhay sa kanya kontratahin dahil lahat tayo may taning
Parang prinsipyo sa gitna ng mga krisis pati digmaan
Sabayan din siya kailangan para daw di mapag-iwanan
Ano numero uno na taga-mulat
Lalo sa tulog ang lakas mang-gulat
Nagpapagaling nga ng bawat sugat
Pero nananadya sa pagkakupad
Mensahe ko sa kanya lagi ay ngarat
At dahan-dahan kamo sa pagbabatak
Magulang ko wag niyang kunin kaagad
Pati wag patandain aking mga anak
Repeat chorus
Outro:
Para bang Donaire!
Donaire!
Na nagtanggal nong gwantes