Album

Pamaypay (feat. JKris)


TULAy EP
Gloc-9
2019

Sari-sari ang kwento
Dito sa amin
Baka inimbento
Ng mga mahahahangin
Na ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi

Kahit na ano pang sabihin nila (ako ay sayo)
Damdamin ko'y hindi na mag-iiba (at paliko-liko)
Di malilito ano man ang kahapon mo (tandaan mo 'to)
Nais ko lang ay makasama kita

Ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi
Puso mo na laging nasa isang tabi
Sasamahan ka na di nagmamadali

Ako, ikaw, sila walang pakialam
Sa kung ano mang nararamdaman ko para sa iyo
Mahalaga'y ikaw ay aking mapaglingkuran
Alam ko na sayo'y marami nang nangako
Pero walang natupad
Hawakan mong aking kamay
Gabay mo sa mataas nating paglipad
Kahit na gabi na'y wala pa
Di mo kailangang magpakita ng pruweba
Tila madilim walang makita sa kuweba
Mga matang mistulang nabulag sa alaala ng kahapon
Aalalayan ka na umahon
Pupulutin ang mga nalagas na dahon
Pupunasan ang mga luha na natapon
Para sayo'y maglalayag kahit malakas ang alon

(Bukambibig) Na ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi
Kahit na ano pang sabihin nila (ako ay sayo)
Damdamin ko'y hindi na mag-iiba (at paliko-liko)
Di malilito ano man ang kahapon mo (tandaan mo 'to)
Nais ko lang ay makasama kita (makasama kita)

Ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi
Puso mo na laging nasa isang tabi
Sasamahan ka na di nagmamadali
Na di nagmamadali...
Na di nagmamadali...
Na di nagmamadali...
Na di nagmamadali...



OTHER LYRICS

33 De Lorean

Hue For Ya
Sica
2021 Album

Huli

Huli
Zikk
2013 Single

WAITING4DAGREENLIGHT

DETOUR
Delinquent Society
2018 Album

Moshpit

Moshpit
Sak Maestro
2020 Single

Maikee's Letters

Maikee's Letters
Just Hush
2018 Single

FEATURED ARTICLES