Single

Maya


Maya
Shanti Dope
Producer: Klumcee
2022

Chorus:

Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”

Eto ang pitaka laging may pamusta

Parang maya na malaya ang lipad

Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa

 

Verse 1:

Nagpaulan ng talento yung Panginoon sa bago kong henerasyon

Ang isipan na nakalabas sa kahon

Kapag isa ka samin alam mo na yon

Kahit lumaki sa kalsada

Di pa din nawalan ng pag-asa,

Para sa kabataan ko na kababayan 

Wala kang hindi makakaya

Na para bang ibon na maya, malaya sa himpapawid gustong lumipad.

Ano mang pagsubok ang makasalubong ay kayang dalhin kahit mabigat

Ang bagong pag-asa ng bayan, gumagawa ng kasaysayan

Di basta nagpapatangay sa agos, meron din gustong patunayan

Malaya ang pag-iisip, bukas ang puso at diwa,

Sangkatutak na ideya sa utak ang nakapila

Diretso di tumitigil madami mang humihila pababa

Ay positibo pa din dalang enerhiya

Di nawawalan ng gasolina

Kahit malayo ang biyahe, nakakabingi man ang mga busina

Makina mainit pa sa kusina

Para sa kinabukasang gusto ko makita, bago sa kama dumilat

Di nila mapipigilang, kasabay ng bagong araw sumikat

 

Repeat chorus (2x)

 

Verse 2:

May puso’t, talino, may sipag, madiskarte

Sa iskwela, estudyante, pag sa bahay, negosyante

Nakalatag ang madaming pambenta sa garahe

Bangketa, sa tanghali ang presyo kalahati

Di natatakot sabihin ang gusto sabihin at walang piring sa mata

Hatid ay liwanag sa bawat silid na may kadilimang hindi makapa

Buong kalawakan napapabilib kasi malupitan na talaga

Mga kabataang napakasolido, kahit na di mo pa halata

Di papatalo kapag ang usapan ay sining at teknolohiya.

Pinakabago, hindi nakapako nalang sa mga makalumang ideya.

Parang bukas na libro walang itinatago, 

Paningin ay klaro sa mga gusto pa maging, 

Sa tuwing haharapin, taong nasa salamin.

 

Repeat chorus (2x)

 

Bridge:

Dahilan kung bakit nagsusumikap pa nang husto, 

Ay hindi lang dahil sa yamang materyal sa mundo,

Kayamanang matatawag ay kung meron ka nito,

Pamilyang nagmamahal, kaibigang totoo

 

Chorus:

Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”

Eto ang pitaka laging may pamusta

Parang maya na malaya ang lipad,

habang tumataas, lalong lumalalim

Lalong lumalalim



OTHER LYRICS

Baon (feat. Gab Chee Kee)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Industriya (feat. KZ Tandingan)

Sukli
Gloc-9
2016 Album

Loonie vs Plazma (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Ahon 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

Agawon

Agawon
CLR x Denial RC x Deadkey
2018 Single

Blikka Bam

Excrising A Demon | Article I | A Few Left
Bambu
2018 Album

FEATURED ARTICLES