Album

Masama Yan


G9
Gloc-9
2003

Verse 1:

Bakit mo ba pinapakialaman ang

Mga ginagawa ko teka meron ka bang alam

Sa mga nangyayari sakin pinapanimulan

Na walang kahumpay humpay na kamalasan

Teka muna diba mayaman ang iyong ama

Oo nga eh bakit nagrereklamo ka pa

Kasi unang-una hindi nya binibigay ang mga

Kailangan namin di na malaman ng aking ina

Kung kanino nangutang umutang pautang ulit

Pati pambayad namin sa ilaw ay laging gipit

Listahan sa tindahan na habang pilipilipitin

Na salabat nagsialibang mga sitsiritsit

Lahat yan ay kasalanan ng ama kong magaling

Kaya kung minsan ay di ko maiwasang hilingin

Na mawala nang tuluyan dito saking paningin

Ilagay sa ataol at tuluyan nang ilibing

Anong ilibing sino na naman ang namatay

Wala pa naman pero baka sumunod si itay

Sa panaginip ko lamang naman nailalabas

Ang aking galit tanong ay bakit napakadulas

Na tadhana, na masagana

Mga taong hindi inaalintana

Ang tulad ko na laging nasa bintana

Iniintay na lumuhod ang mga tala

Eh panu yan malapit ng bayaran ng tuition fee mo

Ok lang yan alam ko naman ang bahay ng ama ko

Teka naku mukang may balak ka na masama

Bat mo alam kasi wala kong tiwala sa yong muka

Mauuna na ako may pupuntahan pa ako

Kita tayo sa sabado tatapusin ko lang ito sige

Akala mo di ko alam kung san ka pupunta

Kahit na nauna ka sinundan parin kita

 

Chorus (2x):

Teka nga muna tigilan mo yan masama yan

Wala kang mapapala bitawan mo na nga yan

Simula ngayon wala nang pakialamanan

Pero masama yan teka masama yan

 

Verse 2:

Napakaganda nga pala ng bahay ng aking ama

Na dapat din pala sanang bahay din ng aking ina

Pero bakit sila tinuturing niya kaming iba

Kinalimutan din ng inay ya ngayon ako naman ang babawi

Sa kayamanan ako namang hahati

Pero teka pano yan wala ka namang susi

Sawa na ko na palagi na lamang lugi

Wag kang maingay manuod ka nang mabuti

Pagkatapos ko maibukas ang kandado

Buti na lamang wala ata silang aso

Hoy tingnan mo kung tulog na ang mga tao

Wala na kaya pinasok ko ang kwarto

Ng aking ama na nasa opisina kinuha maleta na

Punung puno ng pera

Pero bago yan ay meron nakitang batang may dalang magazine

Na di dapat siya ang tumitingin, sino ka

Agad akong napasigaw pero di ko nilakasan kasi baka maligaw

Ang mga gwardya ng biglang merong pumasok na isang dalaga

Akala ko walang sinabi nung una

Hindi ko alam magaling pala manipa

Teka bakit ka nagpakita

Pano yan bilisan mo sige salag

Iwanan mo na lamang kaya baka mabalibag

Yuko, dapa, talon ano bang masakit

Binalaan naman kita ikaw lang ang makulit

Pero malupit kita mo naman nakatalon

Napakayabang mo talaga wag ka na lumingon

Sige ka baka dumating ang mga pulis

Madami na tayong pera ngayon halika bilis

 

Repeat chorus (3x)



OTHER LYRICS

Film Real

Film Real
Kiyo
2018 Single

Tamang Panahon (feat. Raff E)

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

The Drop Out

Thursday Night Lights
J. Blaze
2014 Album

The Life

The Life
Jid Durano
2014 Single

Shehyee Loves Me

FlipMusic Volume 3
Various Artists
2011 Album

FEATURED ARTICLES