Single

Lumuhod Man Ako


Lumuhod Man Ako
Zaito
Producer: South Production
2012

Verse 1:

Pinag sisisihan lahat ng aking kasalanan

Kung di mararanasan di pa mauunawaan

Ngayong natagpuan ko ang sagot sa katanungan

Mula nang bata pa laman na ng aking isipan

Ang bawat payo sa tuwing ako'y pagsasabihan

Hindi pinapansin kahit alam na kabutihan

Nagsakripisyo ginawa lahat ng paraan

Upang mabigyan lang ng magandang kinabukasan

Halos gumapang sa hirap na nararanasan

Hirap na kahit minsan di man lang nasuklian

Siyam na buwan mong iningatan sayong sinapupunan

Nang mailuwal kahit lamok di marapuan

Sagana sa lahat damit, magandang laruan

Ngunit nang lumaki kung sumagot harap-harapan

At sumapit na nga ang puntong pagbibinata

Na tila hudyat sa pag-gawa ng masama

Nag umpisa ang lahat nang sinubukang magka syota

Si nanay kung utusan dinaig pa ang alila

Ganyan pag uugali sino bang matutuwa?

Ang sarap ng buhay mo ang nanay mo nakaka-awa

 

Chorus 1(2x):

Itim ang budhi ng taong di alam gumalang

Magawa ang gusto itataboy pati magulang

Mapapatawad pa ba? Ang sangkaterbang pagkukulang?

At kasalanan na halos di na rin mabilang

 

Verse 2:

Magagawang tiisin na maguton si inay

Masunod mo lang ang nobya na lahat ibibigay

Pangyayaring kinagulat mo nang siya'y humiwalay

Mundo mo'y parang sasabog halos magpakamatay

Naisipang tikman ang shabu at marijuana

Tuwang-tuwa naman mga demonyo mong barkada

Si inay di makatulog magdamag nag-alala

Uuwi ka ng umaga hihingi ka lang ng pera

Pag di ka nabigyan sa galit halos magwala ka

At sasabihin pa sayong ina na walang kwenta

Ang matindi pa tol talagang walang konsensya

Halos harap-harapan kung murahin ang ina

Nang ikaw ay lumayo ang iyong ina ay yumuko

Yakap ang larawan mo't luha ay tumutulo

Ngunit may bagay na lingid sayong kaisipan

Ang yong ina pala may tinatagong karamdaman

Nang minsan pag uwi si nanay nasa higaan

Nangyari ang bagay di mo lubos inaasahan

Mata ni nanay pumikit ng dahan-dahan

Sabay hagulhol at ipinatong sa kandungan

 

Chorus 2 (2x):

Lumuhod man ako at maghapong umiyak

Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak

Kay hirap pala ang maulila kay inay

Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay

 

Verse 3:

Tuwing ako'y nag iisa lagi ko siyang naalala

Takbo ng buhay tila nawalan na ng pag-asa

Parang di ko kaya ang mabuhay mag-isa

Hinahanap-hanap ko pa rin kalinga ng ina

Pero ngayong ika'y wala na pano na ako inay

Sa bawat suliranin sino ang makakaramay?

Saking buhay sino pa ang gagabay?

At kailan muling madarama ang yakap mo inay

Sa bawat oras si nanay ang laman ng aking isip

Pag sapit ng gabi siya ang laman ng panaginip

Patawarin ako inay sa aking pagkukulang

Ang aking kasalanan pano ba pagdurusahan?

Ang bigat sa dibdib pano ba mababawasan?

Hindi na kaya ng nahihirapang kalooban

Lagi nalang akong binabalot ng kalungkutan

I love you nanay hindi kita malilimutan

 

Repeat chorus 2



Zaito - Lumuhod Man Ako (2012):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Chubi

Chubi
Jid Durano
2017 Single

Outthrow! (feat. OJ River, Rjay Ty, OWFUCK, Baryo Berde, and Droppout)

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

All Day All Night

All Day All Night
DZBY
2018 Single

Amanamin

Ikugan
Calix
2018 Album

Acid Na Blue (feat. Guddhist & Kiyo)

Acid Na Blue
JRLDM
2024 Single

FEATURED ARTICLES