Album

Lololola


Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
Producer: Juss Rye
2015

Verse 1:

Nagsimula akong mangarap ng pangarap

Na di ko raw dapat pangarapin  silang mga nagsabi sa akin

Panlabas na anyo ang basehan (ano ba naman)

Anong nilalaman ng katulad kong patpatin

Pareha lang di naiiba sino ba ko para tanghaling nag iisa

Usapang pag-asa kayo’y mas nakakahigit pa

Sira ang aking pamilya tiyak na di ako ubra

Sapagka'y panak na paramihan ng umiibig

Tandang-tanda ko pa noon ako ay nasa gilid

Nag-aabang tawagin tapos may biglang may sisingit

Di pa nag paubaya sahod ko lang naman ay tubig

Ano ang aking pakay ito bang kasikatan

Ito ang dahilan bakit gilat ang lalamunan

Gumawa ka ng intriga sigurado kang kilala

Ang tanong sinong magtitiwala pa sayo’t sasama wala na

 

Chorus:

Di mo inakalang magagawa ko ito...

Ang mag mura tang ina ka

Naririnig ng iyong anak anong pakialam ko

Wag ka mag alala kakampi ko siya

Pati ang iyong bunsong anak

Ate, kuya, katambay, ninang, ninong, pinsan, balae, bilas,kumpare, katagay

Panganay sa ibang asawa

Nanay, tatay,biyenan, hipag, barkada, lolo, lola, tito, tita

Pati narin ang inyong kaluluwa

 

Verse 2:

Tanging nakakapag patalas

Minsan nag libang wala nang maisulat bukas

Buti ka pa laging may pabaon pahabol

Kahit pag kumanta magaling pa asong na uulol

Hindi ko raw kakayanin to nang maghapon

Diyos ko po namamasada nga ako alas dos ng hapon

Tirik ang araw sira pa ang bubong nauna kang pumanaw

Sa kakagawa mo ng awit na pwede pang sayaw

Di ko mapigilan matawa huwag kang ngumiti

Di mo alam tunay na ibig sabihin ng saya

Para sayo ay kapag nasibak mo siya

Para sakin pag sinampal ka niya nang dahil sa aking kanta

Pasimple kitang nainis partida pabulong

Sisilang ka palang sinukat ko na ang iyong kahon

Daming nag papanggap nagpapaka maton

Dumedede ka palang ay naranasan ko na yon

 

Chorus:

Di mo inakalang magagawa ko ito...

Ang mag mura tang ina ka

Naririnig ng iyong anak anong pakialam ko

Wag ka mag alala kakampi ko siya

Pati ang iyong bunsong anak

Ate, kuya, katambay, ninang, ninong, pinsan, balae, bilas,kumpare, katagay

Panganay sa ibang asawa

Nanay, tatay,biyenan, hipag, barkada, lolo, lola, tito, tita

Pati na rin ang inyong kaluluwa

Magagawa ko ito...

Ang mag mura tang ina ka

Naririnig ng iyong anak anong pakialam ko

Wag ka mag alala kakampi ko siya

Pati ang iyong bunsong anak

Ate, kuya, katambay, ninang, ninong, pinsan, balae, bilas,kumpare, katagay

Panganay sa ibang asawa

Nanay, tatay,biyenan, hipag, barkada, lolo, lola, tito, tita

Pati na rin ang inyong kaluluwa



OTHER LYRICS

Anytime

Anytime
YB Neet
2023 Single

Puyat

Sari-Sari Story
Gloc-9
2024 Album

Note To Self Interlude

JCON
Jess Connelly
2018 Album

Ganid (feat. Ron Henley)

Ganid
Loonie
2018 Single

Masama Yan

G9
Gloc-9
2003 Album

FEATURED ARTICLES