Album

Liham Sa Pangulo


Critical Condition
Stick Figgas
2006

Verse 1:

Mahal po naming pangulo gumising na kayo

Mawalang galang na po may sasabihin lang ako

Alam ko na kung saan ang pugad ng mga aswang

Ito'y matatagpuan sa loob ng Malacanang

Pinamumunuan ng mga tikbalang at bampira

At manananggal na may naglalakihang mga tiyan

Ang perang dapat ay sa bayan, saan napupunta

Para magkaalaman na tara kapkapan ng bulsa

Kami po'y busog na sa inyong mga pangako

Umaasang matutupad kaso mukhang malabo

Pagkat lihiman nang lihiman pilit pinipiringan

Ang aminig mga mata para kami ay magmukhang mga

Walang alam, para mapagtakpan

Ang mga baho ng ating pamahalaan

Kaya sana naman, itaguyod niyo ang

Inyong pamamahala sa tamang paraan

 

Chorus:

Ito ang aking liham na laging pinipilas

Kaya hanggang ngayon nakalubog ang Pilipinas

Araw araw naghihintay at umaasa

Tanong ko lang po pangulo marunong ba kayong bumasa

 

Verse 2:

Pawis na parang nabuhusan ng timba

Sulat lang nang sulat hanggang maubusan ng tinta

Para maiparating sa mahal na pangulo natin

Ang ating hinaing "Ang sakit na ng ulo namin"

Mga pulitiko paramihan po ng kurakot

Kung sino manalo papahiran ko ng kulangot

Kaban ng bayan ninakawan ng ama ng bayan

Nakasanayan na sa casino na ang tambayan

Tama na nga yan di niyo namamalayan

Kapwa magkababayan na ang nagpapatayan

Subukan mang tigilan ang suntukan at barilan

Di pa rin matatahimik ang Sulu at ang Basilan

Putukan at palitan ang gulo at ang alitan

Sino dapat pagalitan sa bulok nasa pagitan

Ng digmaan, kudeta, rebelyon, at gera

At ang tanging dahilan ay ang relihiyon at pera

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Mahal na pangulo bakit mahal ang mga bilihin

Di mo na nanaisin na tumira dito sa bayan natin

Ang kinain ng mayaman tinatapon sa basura

Pinupulot ng mahirap mapuno lang ang sikmura

Balahurang nahalal kaban ng bayan isinugal

Isinambulat sa senado at sa dyaryo binulgar

Napahiya't ayaw umamain na sila'y nagnakaw din

Di lang sa pagkain pati sa pera ay matakaw rin

At pagdating sa lupain sila ay mga buakaw din

Lahat ay inaangkin kahit ano ay gagawin

Mga sakim, ganid sa ginto di makuntento sa milyon

Bilyon ang gusto kahit ang bayan ay baon

Sa utang at sa kangkungan pupulutin

Tanong ko lang sa inyo mahal niyo ba ang bayan natin

Oh mahal na pangulo paano na ang Pilipinas

Lantarang pagnanakaw araw araw di lilipas

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro (2x):

Ito ang liham ko

Na palaging pinipilas

Ito ang liham ko

Sa pangulo ng Pilipinas



OTHER LYRICS

BLKD vs Apekz

FlipTop presents: Unibersikulo
Various Emcees
2012 Rap Battle Verses

ACAB

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Change Me

Change Me
MANILA GREY
2018 Single

Hussein

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Ano Na?

Ano Na?
Calvin, Kiyo
2018 Single

FEATURED ARTICLES