Album

Kung Tama Siya (feat. Jaq Dionisio)


MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012

Chorus (Jaq Dionisio):

Lahat ay ginawa ko

Lahat ay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka, pano kung tama siya

Ano ang napala ko

Pati buhay tinaya ko

Para sa bayan ko

Pero teka, pano kung tama siya

 

Verse 1 (Gloc-9):

Tinta at panulat ang ginamit

Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit

Nag-aral nang matuwid parang sangi saking anit

‘sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit

Ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy

Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy

Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy

Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy

Kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag

Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag

Bakit kailangang magpatayan nang maghapo't magdamag

Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag

Makalipas ang isang daang taon at limampu

Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto

Para bang ang panahon mula noon ay huminto

Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan

Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan

Kung bukas sila naman ang siyang mag hahariharian

 

Repeat chorus

 

Post-chorus (Gloc-9):

Ito ang sa tingin ko’y tama

At ang siyang nararapat

Pero teka lang…

Sa kanila’y huwag kang maawa

Yan lang ang syang nararapat

Pero teka lang…

 

Verse 2 (Gloc-9):

Ako’y isang batang Tondo na anak ng mananahi

At sa idad na katorse mga braso’y natali

Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa

Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata

Na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali

At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi

Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi

Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati

Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan

Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan

Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan

Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan

Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina

Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila

Ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila

At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila

Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan

Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan

Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan

Kung bukas sila naman ang siyang mag hahariharian

 

Repeat chorus

 

Repeat post-chorus (2x)



OTHER LYRICS

Like Us

…Exact Change… Reloaded
Bambu
2011 Album

Sometimes (feat. RBTO)

Heavy Eyes
June Marieezy
2011 Album

Pison (feat. Chito Miranda)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Pating Sa Kadiliman

Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
2020 Album

Ibang Mukha

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

FEATURED ARTICLES