Single

Kala


Kala
Kris Delano
Producer: Mark Beats
2018

Verse 1:

Kanina pa ko dito tulala

Sa alak usok gusto kong kumawala

Hinihintay lang tama ko na bumaba

Tutal balik tayo sa simula

Parang di magkakilala

Sana di na naniwala

Pero wag ka mag aalala kasi hindi naman na sakin bago yan

Parehas ng pangyayari, magkaiba ng tao lang

Kakaisip ko, utak lagi nang pagod

Napadalas ang iwas, hirap ka nang maabot

Daig mo pa bawal na gamot

Kasi sa dami kong tanong, bat laging alak ang sagot

Sana di mo maranasan ang masaktan

Hayaan na maging libangan ng kung sino man

Sana meron dumating na kaya kang tanggapin

Sa ngayon dito muna ako magpapakalasing

 

Hook:

Parang di magkakilala

Sana di na naniwala

Pero wag ka mag aalala kasi hindi naman na sakin bago yan

Parehas ng pangyayari, magkaiba ng tao lang

 

Verse 2:

Wala akong paki sa sasabihin nila

Wala kong pinakinggan kahit manlang iisa

Akala ko nung una ikaw ay naiiba

Kaso ayun na nga, hindi pala

Ano nga ba nadudulot

Sa mga aral na napupulot

Pati ang tama, inaabuso

Kahit bawal, ikaw ang gusto

Kasi tao lang at ang punto

Nabubulag din sa tukso

Dapat utak muna, bago puso

Bat di pa tayo natututo

Yeah, ako'y nagpapaka lasing

Para samantalahin tama bago harapin ka

Pero kailangan tanggapin

Kasi lam kong di ka na darating

Sana di mo maranasan ang masaktan

Hayaan na maging libangan ng kung sino man

Sana meron dumating na kaya kang tanggapin

Sa ngayon dito muna ako magpapakalasing

 

Repeat hook (2x)



OTHER LYRICS

oct29

oct29
Skarm
2020 Single

Feel The Same

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

Lady (feat. Samantha Louise)

Lady
Jid Durano
2015 Single

Ladykiller

For My Daydream Dalliance
Serenata
2017 Album

Nakakamiss (feat. Curse One, Dello, and Flict-G)

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

FEATURED ARTICLES