Album

Bulaklak sa Kamao


Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
Producer: Six the Northstar
2021

Chorus (2x):
Taas kamao habang naka saya, suot ang bakya
Pang tadyak sa sisipol
Taas kamao trabaho, kamiseta, hawak ang panyo
Pang sakal sa mag tatangka

Verse:
Unang tatawagin mo ay ang iyong 
Inay na nata taranta
Pero depende kung sino ba ang iyong gabay,
Ngunit karamihan ilaw ng tahanan ang bukambibig
Dalahin ba naman ng siyam na buwan
Pagpupugay sa mga bulaklak ng mundo
Na ang isang bagay dinodoble ang halaga
Paranasin ka ng sarap pwedeng bigyan ka ng supling
Abutan mo ng kaching, tiyak sa hapag may hahain...
Para 'to sa mga binibini 
Mga ulirang ina, dalaga, at senyora
Kasambahay, doktora ano man ang propesyon
Sabi nga ika'y babae at hindi babae lang
Napaka laki ng ginagampanan sa lipunan
Mataas na ang alon na inyong hinampas
Aking nabasa lang sinaliksik sa kasaysayan
Kamalayan ang pairalin sa peligro ng paligid
Di lang sa kalyeng madilim maging sa teknolohiya
Sa mga kalalakihan na panay ang hirit
Hawakan kaya kita at pasampal sa pisngi
Sa pamamagitan ng kamay na may kolorete na kakagaling lang sa sipag
Pagka't independiente
Ganyan na ang mga dating naka belo, sentimientong
Pag galang at bulaklak latag sa inyo

Repeat chorus (3x)



Railkid & Six the Northstar - Mga Kahon Mula Bodega (2021):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Yakap

Sari-Sari Story
Gloc-9
2024 Album

Malupit

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

Family Matters

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

1LOVE (feat. Amaan Ali Bangash & Ayaan Ali Bangash)

1LOVE
Karencitta
2018 Single

AYOKO NA

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

FEATURED ARTICLES