Verse 1 (Emar Industriya):
Walang hanggang pagibig lamang ang makakaisip kapag ako na ang gumuhit
Itanong mo kung paano ko iginuhit ang langit sa nagtataasang talahib
Iba ang bahay sa tahanan, ang tayog ay hindi pataasan
Magpalit ka man ng sasakyan ay dadaan kapadin sa daanan
Takip silim nalang ang aral na dinanas ng iyong kahapon
Walang pagbabago sa galawan anong silbi ng iyong pagbangon?
Sino ba ang dapat sisihin ang kwento ba o pelikula?
Ano ang mas makatarungan sa bandila ang asul ba o pula
Nahuhumaling sa moderning tila wala ng gatla
Sa pag andar ng panahon ay paurong ang pagtanda
Anak sa pagkakasala ngunit bakit nakasalba?
Mas pinili na maglakad hindi tamad na nakisampa
Ikaw ako sila ang mapaghiganting amo ng kalupitan
Hindi kaba nagtaka na nakalapit sa puno si eva at adan
Kaya kung nasa akin ang mali sana hwag mo akong pagtakpan
Ang angel ang unang nagdala ng kasalanan sa kalangitan
Tandaan...
Verse 2 (Gnarrate):
Mula sa tipak ng luwad
Na nataon sa isang maling hulmahan
Mga tao na luwal
Sa panahon ng nakapaniping kalayaan
Inatasang sundin mga batayan
Tugunan mga nasa listahan
Kailan ka magkakakotse? Kumusta ang estante?
Pasensya pero sa karera di ako partisipante
Kakaparamihan ng dyamante
Nauna pang maubos sungay ng mga elepante
Ating buhay ay walang rebanse
Kaya naman matapos mong mabakante
Ang bahay uod subukang kalimutan
Mga isinubo ng dati mong tahanan
Sa 'yong pupuntahan laging tandaan
Kaya ka may pakpak para wala kang matapakan
Verse 3 (Gnarrate):
Wala pang paru paro na merong sinayarang
Tae kaya wag kang lumihis sa tinakdang
Wastong dahilan na dapat mangibabaw
Sa mga pamimilian mo araw araw
Ito ba o iyon, ano ba ang tugon
Timbangin ang bigat ng bawat pagkakataon
Sa kada kampay ng 'yong mga bagwis
May maaapektuhan ang dagling saglit
Isang pangyayari sa hinaharap
Kaya isiping mabuti ang bawat ganap
Kung wala kang utang na pasakit sa iba
Walang mantika na maaari mong ikagisa
Kapag iyong isipa'y dalisay at payapa
Tiyak laging agapay utak ay gumagana
Parang tubig, malamang madali na lang
Anumang kitid ng dapat pagdaanan