Chorus:
Apir... kumuha ng tag iisang angkas
Sa biyahe nating to na may nag iisang landas
Apir... sabay-sabay na tayong babagtas
At kailanman ay wag na wag na tayong aatras
Verse 1:
Itapon ang puting bandera
Di para sumuko sa laban kundi sa gyera
Ng ibat-ibang kampo, kaliwa't kanang bangayan
Sindihan mo ang ilaw nang maliwanagan mga 'yan
Kapwa mo sundaloy 'di dapat putukan
Letrang pandigma sa kritiko itapat, tutukan
At sakupin ang buong bansa parang nag coup d'etat
Pagkakaisa sa edsa tara mag gunita
Sakin ituon ang atensyon at wag ipag damot
Kulturang may sakit na malubha ito'ng ipang gamot
Mga kuntaminadong musikang nakakahawa
Na pumapatay sa industriya kaya nakaka awa
Ay lunasan,punasan, at nasan ang reseta?
Nasa'yong harap, hinihingi ang iyong suporta
Sinulid na nagdudugtong sa bawat isa sa'tin
Ay siyang ipang tahi mo sa sugat na sobrang lalim
Sanhi ng hidwaan, kailangan ng operasyon
At di sapat ang 'sang doktor, kailangan kooperasyon
Kaya kung may dumadagan dahil sadyang may kabigatan
Ang talento na kanyang pinag ingatan
Ay itulak nalang natin, wag sanang hilahan
At pagtulungang buhatin ang nasa hulihan
Kasi kung suportado ay malabo na hindi sisikat
"So why hate,we are one?" and this is hiphop,kaya...
Repeat chorus (2x)
Verse 2:
Apir... sa lahat ng kapanalig
Wag titigil hanggang samahan ay mapalawig
Buksan lang ang pinto para sa handang mapa-anib
At di kayang pasukuin ng hadlang at panganib
Apir... sa lahat ng kasalungat
Puro lait, may galit na sagad hanggang sa ugat
Di alam kung bakit, pero wag na sanang magka sakuna't
Mag labas pa ng pangil,sapagkat tigang sa kagat
Apir... sa lahat ng tumatangkilik
Maliit man ang bangka sumama't 'di tumatagilid
Binigay ang suportang sagad at 'di ko na pinilit
Kaya sa pag-iingay,salamat 'di tumatahimik
Apir... sa lahat ng tengang kawali
Masama ang tingin, pinakikinggan ka pa kunwari
Kilay ay salubong, mag marunong kanyang ugali
Noo'y naka kunot sa mga letrang hindi mawari
Oh diba? Parang baterya
Apir sa negatibo't positibo para walang aberya
At dire-diretso ang andar ng ating makina
Dumaan man sa lubak hanggang marating natin ang...
Tagumpay! Kahit mabagal ang pasada
O maipit sa mga naka hambalang sa kalsada
Kalung-kalong kung makitid ang upuan
Wala naman sating nakikipag unahan, kaya...
Repeat chorus (2x)