Single

ALL IN


ALL IN
Shehyee
Producer: Thyro
2024

Bata palang gamer na'ko
Panahong di pa gaano
Maganda yung ganon sa paningin ng tao
Buti nalang nag improve naman kahit papano
Kinekwestyon noon ngayon tinatanong kung papano
Yung mahirap sa iba para sa akin di masyado
Hardcore isang pasada lang, pasado
Yun siguro ang rason kaya ngayon palalo
Mga laro laro na nilalaro ko pa lalo
Ano ang magagawa ko?
Di rin ako sure bat ako nananalo
Kakasali lang pro na nakakasalo
Ganun din pagdating sa ibang entablado
Lahat ng inakyat ko nakuha ko ang kampeonato
Pag nakita na nila pangalan ko mga kabado
Hanap agad ay balato
"Bakit pa 'ko maglalaro kampeon na to?"
Pakiramdam ko rin ang daya, at home kahit dayo
Ang problema di pa to lahat ng kaya ko, malayo

Pano kaya kung mag all in na'ko?
Pano kaya kung mag all in na'ko?
Pano kaya kung mag all in na'ko?
Pano kaya kung mag all in... all in
All in na'ko, all in na'ko
Tama na higa mag-a-all-in na'ko
Makabangon nga mag-a-all-in na'ko
Meron o wala kong mapala
Basta
All in in na'ko
All in na'ko
Lahat na itataya mag-a-all-in na'ko
'gang wala na mapiga mag a-all in na'ko
Meron o wala kong mapala basta all-in na'ko..
All in na'ko

Sa tingin ko lang kung noon ko pa ibinigay lahat
Ako na ang panginoon ng rap huh?
Si Eminem? Malamang matagal ko na naka collab
Baka nga nilamon ko pa sa track huh?
But I ain't inspired, takes a 'ville to raise a child,
Kaso halos lahat dito puro wack huh
For me to give my all at 'di mag hold back, dapat holdap
Kailangan niyo pakong tutukan ng Gloc
Yun ang mindset ko dati, parang paboritong ikalat ng mga aso sa kalye
Yung nilalangaw kulay tsokolate na sinasabi ni
Zaito palagi... Uhh tae?
Sa iba ako bumase 'di tamang diskarte, labang pansarili may ibang sinali
Kaya yun, nung hindi niya tinanggap yari
Nawala ang gigil nahinto ang biyahe
Nawalan ng drive
And now that I am falling lalo akong mag didive
Rap ang aking calling I am happy to oblige
And Imma keep going tawagan man ng time
And Imma do it right
Now my only rival is me myself and I
Pupusta ko na lahat sa sarili ilalagay
Even if the odds against me are high mag a-

All in na'ko, all in na'ko,
Tama na higa mag-a-all-in na'ko
Makabangon nga mag-a-all-in na'ko
Meron o wala kong mapala
Basta
All in in na'ko
All in na'ko,
Lahat na itataya mag-a-all-in na'ko
'gang wala na mapiga mag a-all in na'ko

Meron o wala kong mapala basta
Ikaw na nakikinig para sayo to
Kung wala sayong bumibilib huwag kang magtampo
Tiwala ay hindi hinihingi, nakukuha to
Unang una pag meron kang tiwala sa sarili mo
Kaya sa naunang berso ay sinampolan kita
Ng kahambugan diba yung tipong nakakairita
Kasi wala 'kong paki sa sasabihin ng iba
Titikom lang aking bibig kung meron pala kong tinga
Kung para sa iba yung ganun ay pagbibida
Tanungin niyo yung tindero kung ok yung paninda niya
Buong tapang kong ipupusta itlog ko na isa
Na hinding hindi niya sasagot sayong hindi diba
Sa bawat laban wag mong iisiping kumpara sayo ay mas magaling sila
Mga panalo ay sa utak nag uumpisa
Kung sa simula palang ay ganun ka na ay dun palang tapos ka na
At oo sabi ko rin pala kanina ay di pa 'ko
Nag a-all in sa iba't ibang ginagawa ko
Pero ang totoo tinotodo ko na lagi kaso
Ayokong limitahan ang potensyal ko bilang tao

Kaya kahit nag a-all in na'ko
Sinasabi ko may all in pa'ko
E ikaw? Tara all in tayo
Sabihin mo mag a all in all in all in na'ko
All in na'ko, all in na'ko,
Tama na higa mag-a-all-in na'ko
Makabangon nga mag-a-all-in na'ko
Meron o wala kong mapala
Basta
All in in na'ko
All in na'ko
Lahat na itataya mag-a-all-in na'ko
'gang wala na mapiga mag a-all in na'ko
Meron o wala kong mapala basta all-in na'ko



OTHER LYRICS

Will You

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Plazma vs Romano (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Ahon 8
Various Emcees
2017 Rap Battle Verses

Ihip

Ritwal EP
Ejac
2018 Album

Rent Money (feat. Rocky Rivera)

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Foolin

Foolin
Alisson Shore
2017 Single

FEATURED ARTICLES